CHAPTER THIRTY FOUR

193 3 0
                                    

Kelly

Hapon na ng makarating kami sa bahay. May dinaanan pa kasi kami sa palengke. Bumili kami ng karne at sayote pang-gabihan nila mama. Nagtext kasi si Carlo na bumili raw ako ng pang ulam.

Ayaw ko pa sanang isama si Zach sa palengke dahil matao ito pero pinilit niya ako na sumama. Hindi naman ako nakatanggi at hinayaan nalang siyang sumama.

Habang naglalakad kami sa loob ay nakahawak ang isang kamay ko sa kamay niya para hindi siya mawala. Panay ang tingin rin sa kanya ng mga namimili pati na mga nagtitinda.

Maraming tumatawag sa kanya para pumunta sa mga pwesto ng mga nagtitinda ngunit umiiling lang siya at nakasunod pa rin sa akin.

Nang mamili ako ng sayote ay tinanggal ko ang pagkakahawak ko sakaya at nagsimulang mamili ng fresh na sayote. Nang matapos akong magbayad ay hinanap ng mata ko siya dahil wala siya sa likuran ko. Nakita kong nasa tindahan na siya ng mga prutas at ang mga nagtitinda ay binibigyan siya ng supot na may lamang mansanas at orange pero di niya iyon tinanggap.

Nang makalapit ako sa kanya ay napahinga siya ng malalim at humawak sa kamay ko. Ngumiti naman ako sa tinder at tinanong kung magkano yung nasa supot. Nang mabayaran ko ay agad rin kaming umalis at nag punta sa bilihan ng mga karne.

Lahat naman na madadaanan naming ay ganun parin pwera lang sa ibang kalalakihan na nagtitinda rin ay tinatawag ako. Napansin kong humihigpit ang pag pisil niya sa kamay ko pag may tumatawag saking miss ganda o kaya miss beautiful. Hindi ko nalang pinansin. Nang makarating kami sa suki ni mama na nagbebenta ng karne ay agad akong kinanchawan nito dahil sa gwapong nobyo ko raw. Binigyan pa ako ng malaking discount kapalit ng isang selfie raw kasama si Zach. Pumayag nalang ako na siyang kinagulat ni Zach.

Sa una pa nga ay tumanggi siya kaya pinilit ko lang ito hanggang sa pumayag. Hindi siya ngumiti ng pinicturan ko pa sila. Napailing nalang ako habang nagbabayad. Agad naman niya akong hinila paalis.

Saktong 5:30 na ng hapon kami nakarating sa bahay. Buong byahe ay hindi niya ako kinibo. Hinayaan ko nalang baka kasi mas lalong mabadtrip sakin eh.

Ako ang unang bumaba sa sasakyan niya. Hinintay ko lang siyang bumama saka kami sabay na pumasok ng bahay.

Pina upo ko muna siya sa sala habang dumeretso naman ako sa kusina. Nabutan ko si mama na nagluluto ng kanin. Nagmano ako tsaka humalik sa pisngi niya.

Ibinigay ko naman ang mga pinamili namin.

“Ako na bahala dito. Samahan mo muna si Zach duon baka mabagot.” Aniya ni mama. Tumango lang ako saka pumunta ng sala.

Naabutan ko siyang nagtitipa sa phone nito.

“Love, magpapalit lang ako ng damit. Babalik din ako mamaya.” Paalam ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin.

“It’s not time yet. We haven’t got your parent consent.” Nakakunot na sabi nito.

Hawak ko kasi yung paper bag na ang laman ay dress na binili namin kaninang umaga.

“Ang ibig kong sabihin magpapalit ako ng pambahay. Natuyuan na kasi ng pawis tong damit ko.”

“Ah, okay.” Tipid niyang sagot.

Umakyat na ako sa kwarto ko saka nagpalit ng pambahay. Itim na maluwag na damit ang suot ko at maong na short. Hindi ito maikli at hanggang tuhod lang. Bumama na ako saka umupo sa tabi niya.

Agad niyang ipinatong ang baba niya sa balikat ko at pinulupot ang isang kamay sa bewang ko. Hinayaan ko nalang siya at kinuha ang isang kamay niya at pinaglaruan. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita siya.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon