CHAPTER TWENTY FIVE

271 5 0
                                    

Kelly

Nahigit ang hininga ko ng hapitin ako ni Zach papalapit sa katawan niya. Di ko maiwasang mamula. Bakit siya ganto?

Naguguluhan ako kung bakit pareho silang dalawa na nadito ngayon.

“Teka, bakit kayo nandito?” naguguluhan kong tanong.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya na nakakapit ngayon sa bewang ko. Ang higpit nun pero di naman ako nasasaktan.

Tiningnan ko si Zach na matalim ang tingin kay Jacob. Binulungan ko naman siya.

“Nandito mga kapatid ko.” Mahina kong bulong sa kanya. Alam ko rinig niya iyon kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko pero mahigpit parin niyang hawak ang kanang kamay ko.

Hinayaan ko nalang siya at tumingin kay Jacob. Kita kong masaya ang mga mata nitong iniinis ang kambal. Tinaasan ko siya ng kilay at napatawa naman ito.

“I’m here to see if you are okay. You just run off yesterday.” Saad nito.

Bumalik naman sakin ang pag uusap naming. Parang may bumara bigla sa lalamunan ko.

“Ah, yun ba. Okay naman akong nakauwi.” Ngumiti na lang ako sakanya pero alam kong peke iyon.

Tumango lang siya.

“I see. I’ll go now then. See you later.” Jacob

Hindi ako nakapagsalita ng tiningnan na lang siya papaalis na at ang dalawa ko namang kapatid ay lumabas rin ng bahay. Nagpaalam na makikilaro lang sila sa barkada nila. Halos di na ako makapagsalita dahil dalawa nalang kami rito ni Zach. Nakahawak parin siya sakin.

Pareho kaming tahimik. Hindi ko magawang tingnan siya.

Napukaw ang atensyon ko ng magsalita siya.

“Look at me.” Utos nito.

Hindi ko siya pinakinggan at tumingin sa ibang direksyon.

Rinig ko siyang bumuntong. Gamit kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay iniharap niya ako sakanya.

Wala akong nagawa kundi ibaling sa ibang direksyon ang mata ko. Nahigit ang paghinga ko ng ipantay niya sa lebel ko ang mukha niya. Sobrang lapit niya.

Ipinilig ko ang ulo ko sa ibang direksyon ngunit gamit ang kabilang kamay niya at hinawak ang baba ko para tumingin sa kanya.

Sobrang lapit niya at pinilit kong wag huminga dahil para akong natutuliro. Sabayan pa ng amoy niyang sobrang bango at nakakaadik langhapin.

Pati ang paghinga niya ay amoy na amoy ko. Amoy menthol parang pati hininga niya ay malamig at mabango rin.

Teka! Yung akin kaya? Anong amoy?

Napako ang aking tingin sa labi niya. Bakit sobrang lambot at pula nito sa malapitan? Napansin ko ring ngumalawa ang adams apple niya tanda ng napalunok ito.

Hala, bakit parang ang kintab ng labi niya at parang ang sarap kagatin nun. Wala sa sariling napakagat ako ng ibabang labi.

“Stop that.” Zach

Napaangat ang tingin ko sa mata niya.

Ngayon ko lang natitigan ang mata niya. Gan'to ba to talaga? Bakit biglang naging dark brown ito at hindi itim? O talagang dark brown ito at hindi talaga itim. Ang haba ng pilik mata pala niya.

Ang tangos ng ilong sarap kurutin.

“I said stop biting your lips.” Marahan nitong sabi at makikita na ang pagkunot nito. Nag salubong tuloy ang makakapal nitong kilay.

Napadapo ang tingin niya sa labi ko at gamit ang hinlalaki niya na kinina lang ay nasa baba ko ay napunta na iyon sa labi ko. Napa awang ang labi ko sa ginawa nitong pag hawak. Hinimas niya iyon ng marahan na parang ingat na ingat siya.

Parang may gustong sumabog sa loob ko at pati sa loob ng tiyan ko ay parang may sumasayaw na mga bulate. Hindi ko alam kung bakit gan'to nalamang ang epekto niya sa akin.

Napalunok ako ng unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Nakaramdam ako ng excite sa di malamang dahilan.

Nakita kong nakapikit na siya at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa labi ko.

Wala sa wistong napapikit na lamang ako at gustong namnamin ang mga oras na ito. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Ang hawak niya sa kamay ko ay unti unting tumaas hanggang naramdaman ko na lamang na nasa likod ko na ito. Ang isa naman ay marahang gumalaw patungong batok ko.

Napapikit nalang ako ng mariin ng maramdamang may malambot na nakalapt sa labi ko.

Hindi ako gumalaw pero ramdam ko ang paghagod ng mga galaw ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na iyun pero habang tumatagal ay para akong mauubusan ng hangin.

Matamis at napakaingat niyang humalik.

Bigla kaming nagulat pareho ng may maingay na bagay ang umalingawngaw at gumawa ng malakas na ingay. Napabitaw siya sakin at dun lamang ako nagkaraon ng lakas para huminga. Pareho kaming nag hahabol ng hininga habang ako’y nakahawak sa likod ng damit niya.

Napalingon kami pareho kung saan nanggaling ang ingay kanina.

Parang nawalan ng dugo ang buo kong mukha at napakapit ng husto sa damit ni Zach. Laglag panga siyang nakatingin samin ni Zach.

“Ma…” Nahihiya kong tawag.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon