CHAPTER THREE

543 16 0
                                    

Kelly

"Kelly… nagawa mo na ba yung pinapagawa ni Prof. Glen?"

Napatingin ako kay Emily at umiling. Nasa Canteen kami ngayon at nagmemeryenda. 1 week na rin ang nakalipas simula nung nagkasama kami ni Zach at yung insidente. Hindi man lang niya ako sinundan at ni wala rin siyang text.

"Hindi nga talaga ako mahal ng taong yun..." wala sa sariling sambit ko.

"Sino ba kasi yang tinutukoy mo?" Hindi ko sinagot si Emily at kumain nalang.

"Guys! May meeting ang Faculty! Kaya wala tayong pasok mamaya." Napatingin kami ni Emily sa kadarating na si Derrick. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang tubig ko at inubos. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray naman!" Daing nito at nakahawak pa sa tagiliran niyang kinurot ko.

"Ibili mo ako ng tubig! Dapat bumili ka nalang ng sayo. Hindi yung iinumin mo yung tubig ng may tubig!" Sabi ko dito.

"Halla! dami ng sinabi. Ang sabihin mo madamot ka at ayaw mo akong bigyan.hahaha"

Sasapukin ko pa sana ng awatin na kami ni Emily.

"Wala tayong klase mamaya. So, san tayo?" tanong ni Derrick ng nakangiti.

"May gagawin ako kaya di ako sasama." sabi ko at tumingin sa phone ko.

"Asus! May gagawin daw? baka magkikitaan kayo ngayon ni Mr. Cold"- Derrick

Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan niya din ako ng kilay pero dalawa naman ang nakataas. Natawa nalang ako at kinurot siya sa pingi.

"Wait lang ah! Sino ba si Mr. Cold na yan?" tanong naman ni Emily.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Derrick.

"Si Mr. Cold ay si Ice! si YELO! sino pa ba?!" Natawa nalang ako sa pinagsasabi ni Derrick kay Emily.

Hinayaan ko nalang magharutan yung dalawa at napatingin nalang sa phone na hawak ko. Nag Fb ako at tiningnan ang Fb ni Zach. Madaming naka Tag sa wall niya. May photo dun na may inakbayan si Zach na maputing babae at maganda ito at sexy. Mayroon ding picture si Zach at yung mga kaibigan niya, pati na rin yung babaeng maputi. Nagtaka ako sa nakita at tiningnan ang bawat litrato nilang dalawa. May Caption ding "My Baby Zach and Me" yung pictures nila na Tag nung babae. Tiningnan ko ang pangalan nung babae. Talisha Sebez...

May Pictures pa silang naghahalikan. Inisip ko nalang na Edited lang yun para hindi ako masaktan. Pero kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko ay siya namang lalong nadudurog ang puso ko. Bakit pa kailangang i-public ang picture nilang yon?!

Girlfriend nga ba talaga ako ni Zach?

O.... Ako lang tong nagpupumilit ng sarili sa kanya?

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon