Jacob
"Did you say sorry to her?" Earl said.
Nasa studio kami ngayon at nagpra practise para sa up coming live shows namin sa Hong Kong and Tokyo.
"No. What do you expect?" I spatted at him.
"Still curious about that girl and Zach?" Bench said while playing the drums.
Hindi ako sumagot.
Yeah. I'm still curious. She just an ordinary girl. Yet she knew my twin brother. Damn! My brother is famous in a world of business. Syempre makikilala siya ninuman.
Are they closed to each other? Why do I even care? It’s not my business anyway.
"She's cute. I hope we'll see her again." Randy said while plucking the electric guitar in his hands.
"Yeah. I like her too." Bench said.
I rolled my eyes at them and began to sing.
***
Kelly
Nakauwi ako sa'min ng madaling araw. Inihatid ako ni Jacob tutal naman siya ang nagpadukot sa'kin katwiran ni Randy.
Nakakatuwa talaga sina Randy, Bench at Earl. Napakakulit nila at masiyahin. Pagkatapos kasi nung sinabi ni Jacob na kambal niya si Zach ay nagulat ako syempre. Pero ilang minuto rin ay hinila ako patayo ni Bench at naglakad palayo sa tatlo.
Nung una, akala ko kung ano ang gagawin niya sa'kin yun pala kakain lang daw kami. Kanina pa raw kasi siya gugutom magmula nung kinidnap nila ako. Natawa ako sakanya at napalagay naman ang loob ko sa kanya.
Gabi na nung nagbyahe kami ni Jacob pauwi sa'min sa probinsya. Kasi naman nasa manila na pala ako ng di ko alam.
"Ate, okay ka lang ba talaga?" Napasulyap ako kay Carlo at ngumiti.
"Oo naman." Sagot ko at ginulo ang buhok niya.
"Naman ate! Binata na'ko hindi mo na dapat guluhin ang buhok ko." Sabi nito na siyang ikinatawa ko.
Nasa sala kami ngayon at nanunuod ng movie. Wednesday ngayon pero di ako pumasok. Nagpa excuse nalang ako kina Derrick at Emily. Ang dalawa ko namang kapatid ay wala ng pasok dahil bakasyon na nila.
"Ate, bakit di ka umuwi kagabi? Nag aalala kami sayo." Napatingin naman ako kay Cedrick na malungkot ang mukha.
Inakbayan ko siya saka niyakap.
"May nangyari kase. Pero tingnan mo. Okay lang si Ate." Sabi ko pa.
Nasabi ko na rin kina mama at papa ang nangyari. Napahinga sila ng maluwag ng makita ako kaninang madaling araw. Di nila ako sinermonan tanging yakap lang ang ibinigay nila sa'kin. Nakonsyensya naman ako at sinabi ang totoo sa kanila. Nung una nagalit si papa pero nung bandang huli ay naunawaan rin niya. Nagulat talaga sila ng malaman nilang may kambal si Zach.
Namalengke si mama at si papa naman ay nasa trabaho. Tanging ako at ang mga kapatid ko lang ang nandito sa bahay.
Biglang may kumatok sa pinto kaya naman napatayo ako at naglakad sa pinto para buksan.
Nagulat ako ng makita kung sino ito.
"Eh..Nato bakit naparito ka? At bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko at muntik na mapangiwi sa itsura nito.
Naka long sleeves ito at nakamaong pants. Atsaka naka rubber pa ito. Ngumiti ito at nakita ko na naman ang dalawang ngipin nitong nawawala sa harap.
"Mag aakyat sana ako ng ligaw. Balita kasi sa kanto Single kana raw. Eto pala para sayo." Sabay abot niya sakin ng gumamela.
Napailing nalang ako at pinapasok siya.
Naiiyak naman sa tawa ang dalawa kong kapatid habang paalis. Nagpaalam silang mag ba-basketball daw muna. Iniwan nila akong nag iisa dito.
Nagpaalam ako kay Nato na maghahanda ng meryenda kaso bigla na namang may kumatok sa pinto. Imbes na sa kusina ay dumeretso ako sa pintuan para pagbuksan kung sino man ang nanduon.
Pagbukas ko isa na namang dating manliligaw ang nakaharap ko.
"Hi Kelly." Nakangiti nitong sabi at inabot sa'kin ang hawak nitong rosas at tsokolate. Si Jason Reyes ang mayamang mayabang na manliligaw ko dati ay nandito ngayon.
Pinapasok ko nalang din siya at nagpunta sa sala. Parang nauulit lang ang nangyari dati ah?
Agad namang nagtagisan ang tingin ng dalawa.
"Ikaw na naman?" Nato
"Why are you here?" Jayson
Ano bang gagawin ko sa dalawang to? Baka mag away pa ang mga ito dito. Napailing nalang ako at naghanda ng miryenda nila.
Naupo ako at saka sila tiningnan. Nagtatalo parin sila.
"Pwede bang tumigil na kayo?" malumanay kong sabi kaya naman napatigil sila at napaharap sa'kin.
"Ano bang ipinarito niyo?" Seryoso kong sabi.
"Shine, balak kong manligaw uli." Nato
"Me too Kelly." Jason
Napabuntong hinga ako. Ayokong masabihan uli ako ng paasa.
"Hindi ako magpapaligaw." Seryoso kong sabi.
Naging malungkot ang mga mukha nila.
"Bakit ayaw mo?" Nato
"Una, ayokong masabihan ng paasa. Pangalawa, may mahal akong iba." Paliwanag ko sa kanila.
Napatango lang sila sa sinabi. Pero bago sila umalis ay nagpasalamat ako sa kanila. Sa efforts na ginagawa nila mapasaya lang ako. Hindi ako manhid, nakaka-appreciate naman ako.
Mag isa nalang ako dito sa bahay. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan din ang wifi.
Sinerch ko sa google ang J4Y Band. Ang banda nila Randy.
"Ganto ba sila kasikat?" nasabi ko nalang.
Just For You Band. Composed of Thomson Jacob Mortez the rhythm guitarist and the band vocalist. Carion Randy Andres, the Lead guitarist. Bench Nickson Alvarez, the drummer and Earlwayne Yu, the bass guitarist.
3.5M. followers! Grabe. Nag open rin ako sa Youtube ng mga performances nila at pinanuod.
May pagkapareho rin pala si Jacob kay Zach. Kung paano siya tumitig. Gwapo silang pareho kambal nga diba? Pero para sakin mas matangkad lang ng kaunti si Zach at mas malaki rin ang katawan nito kesa kay Jacob. Bakit ko ba sila pinagkukumpara?
Nang matapos ako sa panunuod ay napahiga ako sa kama ko. Fan na tuloy ako ng J4Y Band. Ang galing kasi nila.
Ilang minuto pa ay inabot ko ang phone ko sa side table at tiningnan ang picture ni Zach.
"Namimiss na kita.." sabi ko habang nakatingin sa picture ni Zach.
Ang litrato na bubura pero ang damdamin ko para sayo mahirap itago, mahirap burahin at higit sa lahat mahirap kalimutan...

BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...