Kelly
Sabado ngayon at nasa bahay ako. Nakaharap lang ako sa laptop ko at gumagawa ng assignment. 2 weeks na at na mimiss ko na siya. Kahit may cellphone at wifi hindi naman nagagamit dahil ayaw ko naman na ako yung humahabol sa kanya. Still kailangan kong lunukin ang pride ko for the sake of our relationship. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.
Calling Zy-zy <3.....
Ilang ulit ko siyang tinawagan pero hindi naman niya sinasagot. Ibababa ko na sana ang tawag nang may sumagot...
"Hello?"
Nawindang ako sa boses na narinig ko. Hindi boses ni Zach ang narinig ko kung di boses ng babae!
"Hello?" Boses pa rin ng babae. Hindi ako nagsalita at pinatay na ang tawag.
Napakurap kurap ako ng mata at pinipigilan ang nagbabadyang luha na gustong lumabas.
Baka nanakaw lang ang phone niya? Kaya iba ang sumagot.
Kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko ay hindi parin magbabago ang katotohanang may iba na siya.
Bakit ang dali lang sa kanya na gawin ang gusto niya? Samantalang ako loyal sa kanya at nagpapakatanga.
Madali nalang sana para sa'min ang hindi magkalayo sa isa't isa pero wala e... Siguro, talagang walang patutunguhan talaga ang relasyon namin.
Mahal ko siya.... Pero mahal din ba niya ko?
Now I’m having doubts about our relationship.
Hindi ko kayang tanungin sa kanya ang mga bagay iyan... dahil natatakot ako sa posibilidad na baka Hindi niya ako mahal at laruan lang ang turing niya sakin?
Pero bakit pa siya magpapagod na pumunta dito sa probinsiya para lang sakin? Nakakatakot malaman.
Hay.... Maraming tanong akong gustong sabihin sa kanya pero marami sa tanong ko ang sigurado akong wala siyang maisasagot… Baka nga pag nagtanong ako, tititigan lang niya ako at di sasagutin. Knowing him, Hindi yun magsasalita pag nagtatanong ako. Kulang nalang sabihin kong "itext mo nalang yung sagot".
Siya lang ata ang Boyfriend na hindi clingy sa girlfriend. Hindi niya ako inaakbayan at di hinahawakan sa kamay. Sa braso, OO. Baka nga sa ibang babae niya lang ginagawa ang mga bagay na di niya ginagawa sakin... Gaya nung nasa picture na nakita ko. Hindi pa nga rin kami nagkikiss. Sa pagkakaalam ko lang ay kiniss niya ako one time sa noo. Yun lang. Pero kinilig naman ako dun.
Sabi ko nga, Isang taon na kami pero pakiramdam ko parang bago palang ang relasyon namin. Hindi naman kami nagkakasama sa mga mahahalagang okasyon dahil Busy siyang tao. Lagi ko lang ginagawa ay intindihin ang sitwasyon namin.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit naging ganito. Hindi ko akalain na magkakanobyo ako pero LDR. Nahulog ako at hindi sigurado kung ganun din ba siya sa akin. May label nga pero binabaliwala naman. Mabuti pa yung walang label at kilig while flirting sila. Eh, ako? Flirting pa nga wala eh. Label lang meron.
Pero kahit pa ganun ay Bless parin naman ako. Biniyayaan naman ako ng ubod ng gwapong nobyo. Yun lang at cold na suplado naman.
Napabalik ako sa realidad ng tumunog ang phone ko. Nagpunas ako ng pisngi at agad na kinuha ang phone ko.
Zy-zy <3 CALLING......
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.. Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag. Nanginginig pa ang kamay ko sa paghawak ng phone ko at inilagay sa tapat ng tenga ko.
"Kelly..." Rinig kong sabi niya. Napahawak ako sa bibig ko at pinipigilang humagulgol. Hindi ako sumagot at pinakinggan lang siya habang umiiyak parin.
"Kelly... Look,I'm sorry. Are you still there? Kelly?" Hindi parin ako sumagot at nagpunas ng luha. May maliliit lang na hikbi ang lumalabas sa bibig ko.
"Zy-zy..." basag ang boses na tawag ko sa kanya.
"Why are you crying?" Tanong nito.
Kulang nalang sabihin ko na "I'm crying because of you." Pero mas pinili ko nalang na hindi sabihin.
"May iba ka na..." Sabay patay ko ng phone at umiyak pa lalo. Ayokong marinig ang isasagot niya...
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...