Kelly
"Okay. We kissed."-derrick
Hindi nako nagulat sa sinabi ni Derrick. Duh?! Di naman talaga siya tunay na bading.
"Okay. Masaya ako sawakas naging kayo na." Tsaka ko sila inirapan.
Inakbayan naman ni Derrick si Emily na ngiting ngiti.
“Bitter ka lang kasi te.” Nakangising saad ni Emily.
Nagkalovelife lang tong babaeng to ganyan na maka asta. Inirapan ko nalang siya at nagtungo nasa loob ng classroom para kuhanin ang mga naiwan kong gamit. Rinig ko naman ang hagikhikan nilang dalawa ng maglakad ako paalis.
Habang nag aayos ay hindi ko maiwasang isipin na nandito nga sa probinsiya si Zach. Siguro ay pinuntahan nito ang Mommy niya. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila close. Si Gerald at Zach ay magkapatid at dito sa probinsya namin nakatira ang Mommy nila?
Napailing nalang ako. Hindi ko na dapat siya isipin. Wala na kaming ugnayan.
Pagkalabas ko ng Classroom ay na pansin kong may nakasandal sa pader na kaharap lang ng pinto.
Nakangisi siya at titig na titig siyang nakatingin sa akin. Nakapamulsa siya at tumaas ang gilid ng kanyang labi ng tinaasan ko siya ng kilay.
Sapakin ko kaya tong lalaking to!
Kung di lang sila pareho ng style ng buhok ay mapagkakamalan ko talagang siya si Zach.
“Anong tinitingnan mo? At ba’t nandito ka pa?” tanong ko.
“Nuh, I like it to be here.” Nakangisi nitong sabi saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Bastos nito makatingin eh.”
“What the hell did you just say? Listen bitch, I will never be attracted to someone like you. You are just ordinary. An average woman. Tss.” Giit nitong sabi.
Nainsulto ako dun. Mas masahul pa itong mag salita kesa kay Zach. Si Zach napaka tahimik, ito namang kambal niya ay bungangero. Sama pa ng tabas ng dila nito.
Tinikom ko nalamang ang aking bibig. Baka ano pa ang masabi ko at pagsisihan sa huli. Inirapan ko nalamang siya at nilagpasan.
“Hey! Kinakausap pa kita! Damn!” sigaw nito ng makalayo nako sa kanya. Di ko nalang siya pinansin at rinig ko sa buong hallway ang mga malulutong nitong mura.
Dahil wala na akong klase ay naisipan kong maglakad at papuntang field kung saang may naglalaro ng football. Kahit naman nasa probinsiya ako ay maganda din naman ang unibersidad dito.
Lamang lang ang probinsya ng mga magagandang tanawin at hindi mausok ang hangin. Presko at payapa.
Umupo ako sa damuhan habang tanaw parin ang buong field at may naglalaro dito.
Nahalagilap ng mata ko si Jason Reyes. Football captain siya. May magilan ngilan ang tumigil sa paglalakad para manuod ng football. Ang ilang mga babae ay nasa bleachers malapit sa football field para manuod kila Jason at Evan star player sila. Sila na sikat.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napa angat ang tingin ko at tiningnan kung sino ito.
Kumunot ang noo ko ng mapagtantong ang kupal na kambal ni Zack pala ito na si Jacob.
Nakatingin siya sa field habang ako ay nakakunot parin na nakatingngin sa kanya.
“Stop staring. Baka matunaw ako” saad nito.
“Kapal talaga.”mahina kong bulong at nag iwas na rin.
Sinusundan ba ako nito?
Natigil ako sa pag iisip ng magsalita siya.
“Zach will be married…soon.”

BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...