CHAPTER THIRTY EIGHT

190 2 0
                                    

Kelly

Sunday.

Nagising ako ng may ngiti sa labi. Nagdasal muna ako bago bumangon. Naglinis muna ako ng kwarto ko bago naligo at magpalit pang simba.

Ala siyete nang bumaba ako para mag agahan. Nang makarating ako ng kusina ay nadatnan ko sila Mama at Papa na nakagayak na. Pati na rin mga kapatid ko ay nakabihis na rin. Pareho kami ni Mama na nakadress at ang mga kapatid ko at si Papa ay naka polo shirt at disente ang mga suot.

Napangiti ako. Wala man kaming yaman ng tulad ng iba ay may yaman kami na hindi matutumbasan ng mga material na bagay na ibinibigay ng mundo. Contentment and being grateful to the Most High God is essential and sufficiently enough.

"Anak, halika na at kakain na." nakangiting sabi ni Mama.

Bumati muna ako sa kanila ng goodmorning saka naupo sa tabi ni Cedrick.

Pagkatapos naming kumain ay madali kaming nagligpit ng pinagkainan at naghugas ng pinggan.

Madali naman akong pumanhik sa kwarto ko at nagsipilyo. Pagkatapos ay kinuha ko na ang aking shoulder bag at inilagay ang Bible, notebook at ballpen ruon. Nagpolbo rin ako saka nag apply ng kaunting liptint sa labi.

"Ate! dalian mo. Nandito na sa baba si kuya Zach!" rinig kong sigaw ni Carlo.

Sinuot ko ang sandal ko saka madaling bumaba.

Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin ni Zach. Seryoso ang mukha nito.

Nakaputing polo ito na pareho ng kulay ng suot ko. Lakas talaga ng dating nito at napakagwapo. Sa ayos niya ngayon ay parang modelo siya ng isang magazine. Di ko tuloy mapigilang makagat ang labi ng pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang sa magarang suot na sapatos nito.

Tukso siya eh!

Napailing ako saka tiningnan siya sa mukha. Namula naman ako nang nakita niyang tiningnan ko ang katawan niya. Nahuli niya ako!

Tumaas ang sulok ng labi niya at napangisi. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Nahiya ako bigla.

Hindi ko namalayan na malapit na pala siya sakin. Tiningala ko siya at nakita ang nangisi niya. Napabusangot nalang tuloy ako.

Mahina siyang napatawa. Bigla nalang niya hawakan ang magkabilaang pisngi ko at marahan kinurot pareho.

"You're being cutie, love." aniya.

Marahan ko namang tinabig ang mga kamay niya sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin.

Lumapit siya lalo saka ako hinawakan sa bewang ko at hinalikan ang nuo ko. Automatic na nawala ang inis ko at napalitan ng matamis na ngiti. Di ko tuloy maiwasang langhapin ang amoy niya dahil ang bango bango niya.

Napabitaw kami pareho ng tumikhim si Papa at nakatingin sa amin ni Zach. Namula ako bigla nang sa amin pala nakatingin ang pamilya ko.

"Let's go." mahinang sambit ni Zach. Napatango naman ako saka naglakad na palabas ng bahay.

Sumunod naman ang pamilya ko. Paglabas namin ay napanganga ako sa magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Hindi naman ito ang pinagsakyan namin kahapon. Bago ito at magara.

"Wow! Honda Odyssey! Hala galing japan ba yan kuya?" Namamanghang tanong ni Carlo. Mahilig kasi siya sa mga sasakyan kaya alam na alam.

"Nope. But this model is limited here in the Philippines and my company produce this one." Simple sagot niya.

Sinipat sipat pa ng mga kapatid ko ang sasakyan niya. Pano kaya napunta yan dito sa probinsiya?

"Dexter my secretary brought that car here, love." napalingon ako sakanya at napanganga.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon