Kelly
"Kuya, she’s lovely right?" Gerald said.
Bigla akong namula sa sinabi niya kay Zach. Nandito parin kami sa coffee shop at kasama si Zach. Awkward grabe.
"Yes. She does." sabi nito sa kapatid.
Napangiti nalang ako ng pilit. Grabe, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko siya tinitingnan magmula nung nakita ko siya kanina. Ramdam ko ang bawat titig niya sa'kin kaya naman nakafocus ang paningin ko kay gerald o kaya naman sa kamay kong nasa lap.
Magkapatid pala sila sa nanay. Nung kami pa ni Zach ay wala naman siyang nababanggit tungkol sa parents niya. Ang alam ko lang ay may lola siya. Once ko lang naman na meet ang lola niya. Nung nagpunta kami ng batangas.
Napabalik ako sa realidad nung tanungin ako ni Gerald.
"Ate, do you have a boyfriend?" Napaubo naman ako at napasulyap kay Zach.
Nakatitig siya sa'kin at walang mababakas na emotion sa mukha niya.
Napalunok ako at napatingin kay Gerald.
"Wala e." saka ako ngumiti sa kanya. Magkatabi kasi silang dalawa at kaharap ko pa.
"Sounds good. Right brother?" sabi nito kay Zack at napangisi pa.
Hindi naman siya pinansin ni Zach at di tinapunan ng tingin.
Napatingin ako sa cellphone ko natumutunog. Kinuha ko ito at tiningnan.
Der<3 calling...
Sinagot ko naman.
"Hello, Derrick?"
"Hoy! bruha! nasan kana ba? marunong kabang tumingin ng orasan?" Sigaw ni derrick sa kabilang linya. For sure, nakataas ito ng kilay.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras.
"Nakita mo na? Late kana, gaga." derrick
3:30 pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Agad ko namang binaba ang tawag at lumingon sa dalawa.
"I'm sorry. I have to go." Sabi ko.
"It’s okay ate. Besides, I drag you here with me and thanks for accompanying me." Gerald said with a sweet smile plastered on his face.
Napangiti nalang ako at tumango. Bago ako tumayo at umalis tiningnan ko pa muna si Zach. Ngumiti ako saka umalis ng shop.
Grabe parin talaga ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala paring nagbago. Mahal ko pa nga talaga siya…
Napabuntong hinga ako saka pumasok sa campus.
Patapos na ang klase ko ng makarating ako. Nag Sorry nalang ako sa Prof. namin ng makita ako sa labas ng room.
Sinalubong naman ako ng kurot at batok ng dalawa kong sadistang kaibigan.
"San ka ba kasi galing, girl?"-Emily
"Anyare ba?"-Derrick
Tiningnan ko Lang silang dalawa. Teka, may napapansin ako sa dalawang to a.
"Okay na kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan naman sila sabay Iwas din agad. Namumula pa ang mukha ng dalawa.
Luh!
"Kayo na ba?" Biglang tanong ko.
Nanlaki naman ang mata nilang dalawa saka namula pa ng husto.
Hindi sila kumikibo at nag iwas lang ng tingin sakin.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa kaya napatango nalang ako bilang kongklusyon.
"Kayo na pala. Di niyo pa inin-form sakin." Malungkot kong sabi sakanila.
"Luh. Nagdrama na si Ateng! Hahaha. Biglaan kase. Shurii!"-Emily
Napakunot naman ako ng noo. Panong nangyaring sila na?
"Okay. We kissed."-derrick
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...