Next Day
Kakatapos lang ng seminar at ngayon naman ay imi-meet daw namin ang ilang sa mga kilala at tanyag na Business Owner dito sa Manila. Nangawit na nga ang pwetan ko sa kakaupo.
Nang matapos ipakilala samin ang ilan sa mga Business Owners ay may hindi ako inaasahang dumating. Nanliit ang mata ko pagkakita ko sa mukha niya. Business Owner din pala siya. Tss..
"Oh look who's here?" Sabi nito at ngumisi. Di ko siya pinansin at naglakad palayo.
"Where are you heading to?" Hindi ko inaasahang sinundan niya ako.
Naglakad lang ako at di siya pinansin. Pumasok ako sa isa sa restaurant ng hotel na pinag-stay-an namin. Umupo ako sa bakanteng upuan at tumingin sa paligid. Nakita kong pumasok yung lalaking kumuha ng librong dapat sana ay nabili ko! Nilibot niya ang tingin sa buong resto at naglanding sakin ang tingin niya. Ngumisi siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Inirapan ko lang siya ng makaupo siya sa katapat na upuan ko.
"Sinusundan mo ba ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Why would I? Sayo ba tong lugar na to?" Ganting sagot niya. Inirapan ko lang siya.
"So....What's you're name?"
"Bakit gusto mong malaman?" Tanong ko dito.
"Ah, So.. Shine Kelly D. Amorsolo." Nakatingin siya sa name budge ko.
Napangisi itong nakatingin sakin.
"Do you have any boyfriend? huh?" Tanong pa niya. Napakunot ang noo kong napatingin dito. Nakikipagflirt ba 'to sakin?
"Alam mo, Tigil-tigilan mo na ako Mister! Kung gusto mong manligaw pumunta ka sa probinsiya namin! Pagnakapunta ka dun sasagutin kita! Bwiset!" sabi ko at tumayo na.
Naglakad nako palabas dahil sa inis. Hindi ko rin alam kung bat ko nasabi yun. Baka mamaya nyan ginawa niya, Hay... pano yun makakapunta e di niya alam kung taga san ako.
Pagkatapos ng tatlong araw na seminar sa Manila ay nakauwi na rin ako samin. Friday kami nakauwi at Saturday na ngayon.
"Tao po?" Napabangon ako sa Kama at nag ayos bago lumabas ng kwarto. Wala ngayon Sina Mama at ang mga kapatid ko. May lakad sila ngayon. Wala naman akong inaasahang bisita ah? Sino naman kaya yun?
Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang nakaayos at may hawak na bulalak na si Nato. Napangiwi ako sa itsura niya.
"Nato... Anong kailangan mo?" Tanong ko dito.
Hay Grabe! Hindi pa rin sumusuko si kuyang Nato De Coco. Hahaha yan po talaga ang pangalan niya. Tambay sa kanto at masugid kong manliligaw. Hindi ko nga alam kung san yan kumukuha ng perang pambili niya ng bulaklak. Hindi sa Hinuhusgahan ko siya, nacu-curious lang talaga ako.
"Ah kasi aakyat ako ng ligaw SunShine ng buhay ko!" Sabi nito at ngumiti. Nakita ko agad ang Dalawang bakanteng ngipin nito. Missing daw kaya hinahanap niya pa. Pinigilan ko ang sarili kong wag maging bastos. Pinatuloy ko siya sa bahay at binigyan ng maiiinom. Bat ba kasi wala akong kasama ngayon e!
"Ah Shine... Kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong nito.
Wow ha? Demanding lang? Magsasalita na sana ako ng may kumatok sa pinto.
"Teka lang Nato." paalam ko at binuksan ang pinto. Tumambad naman sakin ang isa ko pang manliligaw.
Ano ba naman to! Si Jason Reyes. Mayaman pero mayabang. Pinapasok ko nalang din siya. Napakamot ako ng ulo at napatingin sa dalawang nagbabangayan na.
"Pre, ako nauna dito!" Nato
"Who cares! Kung sinong nauna. Ako ang pipiliin niya!" Jason
Aawat na sana ako ng may kumatok na naman sa pinto. Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan.
"Hi." Namilog ang mata ko ng may makitang multo na may hawak na bulaklak.
Napakurap ako at di makapaniwala sa nakita.
"Its me. Remember?" sabi pa nito.
"Oh no...."
Anong ginagawa nito dito? May instant Boyfriend na ata ako? Yung lalaking humablot ng libro at si Mr. Business Owner ay nandito!!
"Kelly!" "Shine!" Rinig kong tawag sakin nung dalawang bakulaw kong manliligaw.
Napakunot ang noo niya. At ako naman ay nakatitig parin sa kanya. Nagulat ako ng iniabot nya sakin ang bulaklak niyang dala.
"Pasok ka." Sabi ko at ginaya siya papasok ng bahay namin.
Sumunod lang ito sakin papunta sa sala kung nasan ang dalawa kong manliligaw. Napahinto yung dalawa ng makita kami.
"Shine Sino to?"
"Kelly, who's this guy?"
Tanong nung dalawa. Napatingi ako kay.... ano nga ba ang pangalan nito?
"I'm Kelly's Boyfriend. Zach Mortez." Napatulala yung dalawa sa narinig.
"Paasa." Sabi ni Nato saka nag walk out. Sumunod din si Jason na masama ang tingin sakin.
Ako nga rin nagulat na may boyfriend e! Humarap ako dito sa "boyfriend'ko daw.
"Anong sinasabi mong boyfriend?" tanong ko dito.
"You said, pagpumunta ako dito sa probinsya niyo sasagutin mo ko." Nakakunot na sabi nito.
"Huh? sinabi ko ba yon?"-Ako
"Yes! you did!"-Zach
Napakamot nalang ako ng ulo. Pano ba to?
"Hindi pa kita sinasagot ah!" sabi ko dito.
"Okay, Can you be my girlfriend Kelly Amorsolo?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko e.
"Manligaw ka muna. Yung totoong panliligaw. Magagawa mo ba yun?" Napacross arm ako at tumingin sakanya ng diretso.
"I came all the way here just to have you, Okay fine... I'll court you."
Napangiti ako at pinag handa siya ng miryenda. 10 to 12 hours kasi ang byahe mula Manila to Isabela kaya mukha siyang pagod.
Nag-stay siya at nakilala din siya ng pamilya ko.
Masungit siya at cold pero nasanay nako sa kanya at natutunan ko rin siyang mahalin. Tatlong buwan siyang nanligaw sa akin. Nakita ko naming sincere siya kaya sinagot ko siya kahit mahirap ang sitwasyon namin, Wala e natutunan ko na siyang mahalin at ayoko kong mawala siya sakin...
End of Flashback
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip sa kanya...
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...