CHAPTER TWENTY SIX

270 5 0
                                    

Kelly

Sa sobrang kahihiyaan ay tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

“I’m sorry Tita Amanda for what you saw.” Hinging paumanhin ni Zach nang may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Hindi ko maiwasang mamula nang maalala yung nangyari kanina.

Nakaupo kami ngayon sa sala habang tinitingnan kami ni mama. Inilapag niya ang isang pitsel ng juice at isang pinggang kakanin sa mesa.

Magkatabi kami ni Zach sa upuan habang kaharap namin si mama. Hindi ko alam kung bakit parang nasa hot seat kami ni Zach ngayon.

Ano bang mararamdaman mo pag nahuli ka ng nanay mo na may kahalikan at sa loob pa ng bahay niyo? Ang sagot ay natatakot ako kay mama.

Baka sabunutan niya ako sa kalandian ko. Pero hindi naman ganun si mama. Siguro ay pagsasabihan niya lang kami. Halatang pati kasi siya ay nabigla rin. Para siya nakakita ng multo kaya nakakakonsensyang nagulat namin si mama.

Pero hindi ko rin maitatago ang mga ngiti ko dahil sobra akong natutuwa. First kiss ko si Zach.

Napabalik nalang ako ng tumikhim si mama. Agad ako nag ayos ng upo dahil dun.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong napatingin si Zach sakin at napapailing. Naramdaman ko nalang ang kamay niya nasa likod ko at marahan niya iyong hinahaplos. Para niya akong hinehele at kino-comfort sa paraan ng paghaplos nito.

“Sorry Ma.” Hinging pasensya ko rin.

“Nagkabalikan na ba ulit kayo?” Mama

Mataman niya kaming tiningnan pareho.

Hindi ko alam ang isasagot ko at biglang lahat ng mga nalaman ko kahapon ay nagbalik sa akin. Parang isang martilyong pumokpok sa utak ko. Napa tingin ako sa kamay kong nasa kandungan.

Ang kaninang sobrang saya ay napalitan ng lungkot.

Panandaliang saya.

In reality, he already have someone to marry.

Napabuntong hinga ako. Magsasalita na sana ako ng unahan akong magsalita ni Zach.

“Yes tita. I know I messed up and let me have this chance to prove to you and Kelly how much I want her to be with me.” Bakas sa boses niya ang sinseridad na siyang ikinaluwag ng dibdib ko.

May pag asa pa diba?

Sana lang.

Sandaling tinitigan siya ni mama. Napatingin rin ako sa kanya. Nagkasalubong kami ng tingin at mababakas nga na nagsusumamo ng kanyang mga mata. Bahagya akong napangiti sa kanya at siyang sinuklian niya rin ng ngiti. Ngumingiti na siya na dati ay hindi niya ginagawa.

Patuloy rin ang paghagod niya sa likod ko kaya napanatag na rin ako.

“Hindi ko alam kung gaano mo kamahal ang anak ko. Pero sana lang iho, wag mong sayangin ang pagkakataon na ito.” Mama

“Of course Tita. I’ll make sure that this time I’ll prove to you that I deserve her. Thank you po.” Zach

Bigla akong nakaramdam ng binunutan ako ng tinik sa dibdib. Hindi man direkta niyang sinabing mahal niya ako, pero sapat na sakin na malaman na may halaga ako sa kanya. I appreciate his effort and little gesture that prove to me that he is true to his words and being sincere.

I just hope this time. Maging okay at maayos na ang pagsasama namin.

Hindi ko akalain na magiging ganito siya kasweet and caring. Ibang iba sa dating Cold na Zach na kilala ko.

Umalis si mama para magluto ng pananghalian namin. Kami ni Zach ay naiwan sa sala na comportableng naka upo.

Nakasandal ang likod niya sa bamboo naming upuan. Matigas iyon pero di siya nag rereklamo. Nakahilig naman ako sa dibdib niya. Ang isang kamay niya ay nakapalibot sakin habang ang isang kamay niya ay pinaglalaruan ko lang.

Rinig na rinig ko ang paghinga at pati pintig ng puso niyang napakalakas. Napahagikhik ako dahil dun.

“What?” tanong niya.

Nag angat ako ng tingin at nakitang nakapikit siya. Umiling ako at tsaka pinilig ang ulo ko sa dibdib niya.

“Gusto mo bang matulog muna?” tanong ko dahil kita kong pagod na pagod ang itsura niya. Alam ko ring nangangawit na siya at masakit ang likod nito.

Huminga siya ng malalim saka nagmulat ng mata. Habang naka sandal sa dibdib niya ay tumingala ako sa kanya. Bumaba rin ang tingin niya sakin.

Hindi na talaga naalis ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing tumitingin siya sakin ng ganto. Seryoso pero nababakas parin ang saya sa mga mata nito.

Bigla siyang yumuko at hinalikan ang aking noo. Sandali lamang iyon pero ramdam ko parin ang malambot niyang labi sa noo ko.

“I like it when I hold you. It calms me.” Zach

Napangiti ako at hinawakan ang mukha niya. Hinaplos ko ang pisngi niya habang nangingiti. Bakas sa mukha niya ang pagod at stress.

“Marami kang iniisip.” Di ko maiwasang sabi.

Hinuli naman niya ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan ang palad ko. Namula naman ako sa ginawa niya. Hindi parin talaga ako sanay sa mga ginagawa niya.

“I do. But now that you’re here my worries fade away.” Sabi pa nito.

Di ko maiwasang paluin ang matipunong dibdib nito.

“Si Ate nananantsing na.” napalingon naman kami sa kapatid kong galing sa labas at pawisan.

Napaayos tuloy ako ng upo ng di tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Zach.

“Dami mong alam Carlo. Magpalit ka nalang dahil hanggang dito umaalingasaw ang asim mo.” Banat ko sa kapatid ko.

Sumimangot naman ito at naglakad paalis. Sumunod naman sakanya si Cedrick na natatawa.

Tinaasan ko naman ng kilay si Zach ng umiiling ito. Hinalikan niya ako sa buhok na siya ikinamula ko na naman.

Baka masanay ako sa kakahalik nito.

Biglang tumunog ang phone niya  at nilabas ito mula sa bulsa niya.  Pareho kaming napatingin sa screen nito.

May nagbeep na message na nag pop up naman sa screen kaya kitang kita ko.

From: Unknown Number

Be prepare for the Engagement Party.

Di ko maiwasang kabahan dahil sa nakita.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon