CHAPTER TWENTY FOUR

286 5 0
                                    

Carlo

“Ang bobo naman! Mag SS palang ako eh” di ko maiwasang mapasigaw. Nakakainis lang kasi tong mga bobo kong kasama. Di marunong maglaro. Baka mawalan pa ako ng star at bumaba ang rank dahil sa mga to.

Mga bano!

“What game is that?” Kuya Zach

Di ko siya nilingon pero sumagot naman ako.

“ML kuya.”

“ML?” Kuya Zach

Hindi ako makapagpokus kaya tumango nalang ako.

“Mobile Legends kuya.” Si Cedrick na ang sumagot sa kanya.

“Oh. Is it fun?” rinig kong sabi nito.

“Tang’na  oo kuya. Mapapamura ka nalang ng di oras. Hahaha” natatawa kong sabi. Napailing nalang siya.

“Should I try it too?” Kuya Zach

Gulat kaming napalingon ng kapatid ko sakanya. Ano bang pinagsasabi nito?

Agad ko ring iniwas at back to the game uli ako.

Inilabas nito ang phone niya.

Biglang may kumatok na naman sa pinto. Baka si mama na yan kasi bago bumama kanina si ate ay lumabas siya para bumili ng sabong panlaba.

Wala ni isang tumayo sa amin. Naramdaman ko nalang tumayo si kuya Zach at nag punta ng pinto. Nagkatinginan kami ng bunso kong kapatid.

Natigil kami sa paglalaro ng may marinig kaming nagsisigawan sa may pinto. Kahit ayaw ko pang tumayo at matatalo ay pinilit ako ng kapatid ko. Inis kong in off yung phone ko at naglakad palamit ng pinto kasama si Cedrick.

“What the fuck are you here?” Kuya Zach

Galit nag alit itong nakatingin sa isa pang kuya Zach??

Hala!

Ano to?

Double ganger ni kuya Zach?

Nakangisi yung isa habang nakatingin kay kuya Zach na katabi lang namin.

“I’m here to see Kelly.” Nakangisi paring sabi nito.

Napakunot lalo ang kilay naming ng tumingin kami kay kuya Zach at pabalik dun sa kamukha niya.

“What for?” Inis na sabi ni kuya Zach

“It’s none of your business!” Balik nitong sabi.

Pumagitna na ako dahil sobrang nakakalito na sila.

“Ah teka lang mga poging kuya. Ate ko yata ang pinag uusapan niyo.” Sabay tingin sa kanilang dalawa.

Bumaling sa akin ng tingin yung may brown ang buhok.

“Oh I’m sorry for intriguing. I’m Jacob Mortez and this scary man is my twin brother.” Sabi pa nito.

Pareho silang matalim ang tingin sa isat isa. Ah kaya naman pala.

“Hala, magkambal talaga sila kuya.” Bulong sakin ni Cedrick na nasa likod ko na pala.

Pinagmasdan kong maigi itong isang Kuya. Brown ang buhok nito na magulo. Hala ang cool naman ng isang tong gusto ko tuloy gayahin hair style niya haha. Naka all black ang suot nito. Mula sa leather jacket at black shirt nito hanggang sa fitted pants at black boots nito. May dogtag rin itong suot.

Gusto ko sanang itanong kung saan lamay ang punta nito.

Nahiya ako kaya hindi ko nalang tinanong. Pogi eh gaya ko.

“Tutal, pareho kayong sadya ang ate ko. Hintayin niyo nalang sa loob.”

“Hell no! He will not see her.” Giit ni kuya Zach

“Who are you to say that? Do you own this house?” giit naman nung isa.

Hala. Nag away na. Swerte naman ng ate ko. Kahit di naman maganda ay may ganito kagwapong nagpapantasiya sa kanya. Hahaha

“Mga kuya, mawalang galang na. Huminto muna kayo sa pag aaway kung hindi pareho kayo na hindi ko papapasukin. Pareho kayong di makikita ang ate ko.” Seryoso kong sabi.

“Oo nga mga kuya. Bawal nag aaway dito. Ayaw ng ate ko.” Segunda naman ni Cedrick.

Napatango rin ako. Pareho silang matalim na nakatingin sa isat isa. Unang nag bitaw si kuya Zach at pumasok na sa loob. Ngumiti naman samin si kuya Jacob at sumunod na sa amin sa loob.

Magkahiwalay silang naupo sa bamboo naming upuan. Si kuya Zach ay katabi si Cedrick habang ako ay katabi si kuya Jacob. Napansin kong ngiting ngiti si kuya Jacob na animoy na nalalo sa mobile legends haha.

Badtrip at nakakabakla ang mukha nitong dalawa. Swerte ni ate.

Pareho silang walang imik. Awkward nga eh. Ang tagal namang maligo ni ate. Baka nagbabad pa iyon. Tss

Nang makababa si ate ay parehong napatayo ang kambal. Unang naglakad palapit si kuya Zach kay ate na nakatulala.

Para tuloy akong nasa loob ng Mobile Legends. Si kuya Zach binabantayan ang Tower nito. Laban sa kalaban nitong si Kuya Jacob. Hinihintay ko nalang kung sinong unang mag e-SS sa kanilang dalawa.

“Now, she’s finally here.” Nakangising sabi ni  kuya Jacob.

Matalim siyang tiningnan ng kambal niyang si Kuya Zach.

Lumapit siya kay ate at hinawakan ito sa kamay.

Dumadamoves na si kuya Zach. Grabe baka mapatay niya si ate sa Sobrang kilig.

“She’s mine. So back off dickhead!” matigas na mura ni kuya Zach.

Sino bang boboto ko sa dalawang to para kay ate?

Sapalagay ko ay wala. Baka pareho lang nilang saktan ang ate ko. At hindi ko magugustuhan yun lalo na ang ate ko ay hindi naman kagandahan.

Baka kung naging babae ako ay mas maganda pa ako sa kanya.

Mga baklang to! Sakit sa bangs.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon