Derrick
Matutulog na sana ako ng mag ring ang phone ko sa kama. Kunot noong kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Tita Amanda Calling...
Agad ko namang sinagot.
"Hello tita?"
"Derrick iho, nandyan ba sainyo si Kelly?"
Nagtaka naman ako.
"Wala po, tita. Hindi pa po siya nakauwi?" Kinakabahang tanong ko. Baka kung ano na ang nangyari dun.
"Hindi pa nga e. Nag aalala na kami. Sige tawagan mo nalang ako pag tumawag siya sayo ha. Salamat iho."
"Sige po."
Napahawak ako sa bibig ko ng may pumasok sa isip ko.
Baka naman nagtanan?
Agad ko ulit kinuha ang phone ko ng mag ring ito.
Em<3 Calling...
Napangiti ako. Minsan lang to tumawag.
"Hoy bakla!" bungad niyang sabi.
"Baket?" naiinis kong sabi.
"Akala ko ba magkasama kayong umuwi ni Kelly? Bakit di pa siya nakauwi sa kanila?"
"Akala ko din magkasama kayong umuwi. Takte! Bakit di mo ko tinext agad para alam kong di mo siya kasama." Sumbat ko rin.
"Che! pagkarating ko ng room nila wala na siya. Ang akala ko kasama mo siya." Iritableng saad nito.
"Puro ka akala. Kaya ayan akala mo rin bakla ako." Sabay baba ko ng telepono.
Badtrip!
***
Kelly
"Zach, bakit mo ako ginapos?" Nagtatakang tiningnan ko siya.
Bakit biglang nag iba ang itsura niya?
Brown ang buhok nito at magulo. Gwapo parin naman siya kaya lang may nunal sa ibabang bahagi ng kanan niyang mata. Pinagmasdan ko siya at napagtantong hindi siya si Zach. Magkamukhang magkamukha silang dalawa.
"Sino ka?" Kinakabahang tanong ko. Gusto kong umiyak kasi natatakot ako sa kung anong mangyayari.
Napangisi lang ito habang Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa.
Naupo ako sa kama habang nakagapos parin ang mga kamay ko sa likod.
"Zach? You know him." Sabi nito.
Hindi ako nagsalita at napayuko nalang. Napahikbi ako at pilit na inaalis ang tali sa kamay ko.
"Kelly Amorsolo. Hindi mo alam kung anong pinasok mo." Sabi pa niya.
Hindi parin ako natigil sa pag iyak. Gusto ko ng umuwi. Naalala ko na naman yung nangyaring pag kidnap nila sa'kin. Mas lalo pa akong napaiyak.
"Shut the fuck up!" Sigaw niya.
Nagulat ako sa pagsigaw niya. At tanging hikbi ko nalang ang naririnig sa buong kwarto.
Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong kalalakihan.
Ano bang nangyayari? Katapusan ko na ba?
"Hey bro. What's going on here?" Sabi nung singkit na matangkad.
"I dunno. She just a crying baby." Iritang saad nung kamukha ni Zach.
"Tinakot mo kasi. Hi miss! I'm Randy." Sabi nung blond ang buhok.
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...