CHAPTER THIRTY ONE

190 3 0
                                    

Kelly

Saturday morning.

Kahapon ay buong araw kong hinintay si Zach pero hindi siya nagpakita.

Nainis pa ako at di man lang ako tinext or tawagan man lang. Kinakabahan rin ako kung baka napaano na siya. Pag kauwi kasi niya nung huli kaming magkita ay wala na siyang paramdam.

Kaya heto nakasimangot ako habang nilalaro ang phone ko. Naisip ko na sobrang attach ako sa kanya simula nung kiss namin. Para akong lalong tinamaan sa kanya.

Parang gustong gusto ko na nasa tabi ko lang siya. Ang hirap pala ng ganto. Isang araw palang ang lumipas ay miss na miss ko na siya. Napabuntong hinga nalang ako tsaka bumangon sa kama.

Bago lumabas ng kwarto ay naligo muna ako. Since wala akong gagawin ay nagpasiya akong lumabas muna at pumunta ng mall. Nagyaya sina Emily at Derrick kanina kaya pumayag na rin ako.

Pagkadating ko ay agad akong dumeretso ng hair salon dahil magpapagupit si Derrick habang si Emily naman ay magpapakulay ng buhok. Para tuloy akong third wheel.

Naupo muna ako habang hinihintay sila. Okay na rin ito para malibang ako.

May lumapit saking empleyado ng salon.

“Ma’am, sumama po kayo sakin.”

Nagtaka naman ako.

“Po? Bakit po?”

“Pinag book po kayo ng kasama niyo for Manicure and Pedicure po.” Sabi pa nito.

Napatingin ako kay Emily na sinenyasan akong sumama nalang. Wala rin akong nagawa kaya sumama nalang. Libre naman siguro to ni Emily.

Pinaupo ako saka sinimulan ang kamay ko. Napakakomportable ng upuan kaya napasandal ako at napapikit. Iidlip na muna ako.

***

Napadilat ako ng may parang malambot na basang bagay ang paulit ulit na dumadampit sa pisngi ko. Pagdilat ko ay bumungad ang gwapong mukha ni Zach.

Tiningnan ko muna ito baka kasi namamalikmata lang ako. Tumayo ito ng tuwid saka kinausap and isang empleyado ng salon. Napaupo ako ng tuwid at tiningnan ang mga kamay at paa ko na bagong polish. Kulay pula ang inapply na nail polish sa mga kuko ko. Maganda ang pagkakagawa nila at bumagay talaga sa balat ko. Hindi naman kasi ako maitim. Pale white ang balat ko ang ilan nga ay napagkakamalan akong may lahing banyaga dahil sa kulay ng balat ko. Habang lumalaki kasi ako ay na iiba ang kulay ko sa mga kapatid ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Kahit magbabad ako sa init ay hindi umiitim ang balat ko. Unlike sa mga kapatid ko na talagang Moreno sila.

Napabalik nalang ako ng hawakan ni Zach ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.

“Thank you.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango lang siya at hinawakan ang likod ko. Iginaya niya ako paupo sa harap ng salamin. Kunot nuo ko siyang tiningnan.

“Bakit? Papagupitan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.

“I asked the hairstylist for your hair treatment. As much as I love your hair long you need to trim it too. I’ll be waiting for you in the lounging area.” Zach said. Bago siya umalis ay hinalikan pa ako nito sa noo.

Napangiti naman ako at tumango sa kanya. Napatingin tuloy ako sa repleksyon ko sa salamin.

Bilugan at maamong mukha. May kislap ang mga mata nito. May itim at mahabang pilik mata na nagpapaganda lalo ng mata nito. Matangos ang ilong at may natural na pagkapula ng labi nito.

Hindi ko rin maiwasang isipin na wala siyang pagkakatulad sa mga magulang nito.

Napaiwas ako ng tingin at napabaling ang atensyon sa hairstylist.

“Ready na ba kayo ma’am?” tumango ako bilang sagot sa kanya.

Pinahiga niya ako at sinimulang basain ang buhok. May pinahid rin siya buhok ko at minamasahe ang anit ko. Napapikit nalang ako. Nang matapos iyon ay sunod naman niyang ni-blower ang buhok ko para matuyo.

“Ma’am, matanong ko lang po. Brown po ba ang natural hair niyo? Yung roots po kasi ng buhok niyo ay kulay brown.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil totoo naman ito. Ngumiti ako sakanya at hinayaan siyang mag patuloy.

Natural na brown ang buhok ko pagkabata pero lagi akong pinapakulayan ni mama ng itim. Hindi ko alam kung bakit. Hinayaan ko lang dahil ang sabi ni Mama ay bagay ko raw ang itim na buhok gaya niya.

Nang matapos ang hair treatment at trim sa buhok ko ay agad rin akong nagtungo sa kinaroroonan ni Zach. Mga 2 inches lang naman ang nabawasan sa mahaba kong buhok. Lalo itong lumambot at gumanda na siya ikinatuwa ko talaga.

Naabutan ko siyang nagbabasa ng magazine. Kunot na kunot ang noo nito. Napatingala siya ng Makita ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang titig siya sakin. Hindi ko maiwasang ma mula sa klase ng titig niya.

“Ahm…ayos lang ba’to?” tanong ko sakanya at hinawakan pa ang buhok ko.

Tumayo siya saka lumapit sakin. Nagulat pa ako ng hapitin ako palapit nito. Bumaba ang mukha niya at pinantay sakin.

“You look more beautiful, Love.” Sabi pa niya. Ngumiti siya at saka ako hinalikan sa noo.

Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran. Nahihiya ako baka may makakita saamin isipin pa nila na PDA kami.

“Mag hulos dili ka nga. Baka may makakita satin.” Nahihiya kong sabi sa kanya.

“Well, I don’t care.” Simpleng sagot naman nito sakin.

Zach will be always be Zach. Walang paki alam sa sasabihin ng iba. Napabuntong hinga nalang ako.

“Nakita mo ba sila Emily at Derrick? Bakit parang wala sila dito?” tanong ko sa kanya. Matapos niyang magbayad ay naglakad na kami palabas ng salon.

Nagkibit balikat siya at dumeretso ang tingin.

“Maybe they have date today.” Zach

Napatango lang ako. Malamang sa malamang ay yun nga ang gagawin ng dalawang yun.

“Teka, pano mo alam na nandito ako?” natigil kami sa paglalakad ng hilain ko siya para huminto.

“I asked your mom earlier when I went to your house to fetch you. She then said that you’re with your friends.” Zach

Napangiti ulit ako dahil sa sinabi nito.

“Bakit hindi ka nagpakita sakin kahapon? Hindi ka rin nagtext or tumawag.” Mahihimigan ang pagtatampo sa boses ko.

“I’m busy yesterday Love. You know, I have lots of things to do. I’m sorry and honestly I don’t want you to be worried about me. It’s just that I have to finish some works at home.” Zach

Tumango nalang ako at hinayaan na.

“Next time, kahit gaano ka pa ka busy make time for me kahit isang text lang. Mababaliw ako pag may nangyari sayo.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Hinapit niya ako palapit at niyakap ng mahigpit.

“Okay I will Love.” Bulong nito.

Nang makahiwalay kami ay seryoso niya akong tinitigan.

“Let’s buy you dress. We will be having dinner in my Mom’s house.”

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon