Kelly
Paalis na kami ng mall at maggagabi na rin. Sumakay na kami ng jeep at masayang nagkukwentuhan. Nang makababa ako ng jeep ay sumakay pa ako ng tricycle para ihatid ako sa bahay namin. Malayo pa kasi ang paradahan sa bahay namin kaya nagtricycle na'ko. Mag isa lang akong sakay at natatakot pa ako sa tingin sakin nung driver. Agad kong inilabas ang cellphone ko at Dinial ang number ng kapatid kong lalaki.
"Sorry hindi sapat ang iyong load balance para magpatuloy sa tawag na ito, siguraduhing-"
Patay! Pa'no nato? Hinayaan ko lang na nasa tapat parin ng tenga ko ang phone ko. Nagkunyari nalang akong may kausap at marahang napatingin sa driver. Lumuwag ang paghinga ko ng matanaw ko na ang bahay namin. Salamat sa Dyos at walang nangyaring masama. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay namin at nadatnan sila mama at mga kapatid ko. Nagmano ako kay mama.
"Sorry po ma, ginabi na po ako ng uwi." Sabi ko kay mama. Hinawakan niya lang ako sa pisngi.
"Hindi parin ba kayo nagkikita?" tumango lang ako at niyakap siya.
"Kung para kayo sa isa't isa... Pagtatagpuin kayo ng tadhana. Gaya kami ng Papa mo."
Napangiti ako at humiwalay kay mama.
"Pasok na po ako sa kwarto." Pagpapaalam ko. Tumango naman si mama.
Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Buti pa si Mama at Papa pinagtagpo ng tadhana. eh ako kaya? dapat ko na bang sukuan si Zach? Hindi naba ako makakaranas na maging masaya kasama siya? Yung parang normal Girlfriend at boyfriend? Siguro nga hindi ko talaga mararanasan yun sa kanya.... Siguro sa iba,OO.
Kung hindi ko kaya siya sinagot noon hindi ako masasaktan at aasa pa ngayon.
Flashback
"Mama, may seminar po kami sa maynila. Mga tatlong araw po iyon." Paalam ko kay Mama. Nagliligpit kami ng pinagkainan.
"Kailan kayo babyahe? Sinni kavulu mu umay?" [sino kasama mong pupunta?]
"Buong Batch po namin ma, requirement po kasi yun."
"Ah sige. Ikagim mu kanni Papam penu ammuna." [Sabihin mo sa papa mo para alam niya.] Tumango lang ako.
Nang gabi din iyon ay nagpaalam ako sa Papa ko at binigyan na rin ako ng packet money. Umalis kami kinabukasan. Masaya ang buong batch namin at excited na makita ang Manila. Nang makarating kami sa Manila ay dumiretso kami sa Hotel. Magkasama kami ni Emily sa kwarto at dalawa pang kaklase namin. Binigyan kami ng Tatlong oras para gumala.
Nagpunta kami ni Emily sa pinakamalapit na mall.
"Teka lang Kelly, punta lang ako ng Cr." Paalam ni Emily. tumango lang ako.
Iniwan niya ako sa may bookstore at umalis na siya. Nag ikot ikot lang ako at inaliw ang sarili habang naghihintay sa kanya.
Kumuha ako ng isang libro at tiningnan iyon.napukaw ang atensyon ko dahil sa ganda nung libro. Naeexcite tuloy akong basahin. Pupunta na sana ako ng Cashier para bayaran ang librong nakuha ng may kumalabit sakin sa likod. Napaharap naman ako at nakaface to face ko ang dibdib ng matangkad na lalaki. Kinailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha nito. Nawindang ako at napakurap. Nakatingin sakin ang gwapong kaharap ko at tinuturo ang librong hawak ko. Naalis ang tingin ko sa maamo niyang mukha at napatingin sa librong hawak ko. Napakunot ang noo ko at binalik ang tingin sa kanya.
"That book is mine." Sabi niya.
Grabe pati boses niya ang gandang pakinggan. Nagulat ako ng hawakan niya ang librong hawak ko.
"Ano ba! ako ang naunang kumuha nito!" sabay hila ko ng libro.
"I said this book is mine! So back off!" Sigaw niyang sabi.
Matalim ko siyang tiningnan. Okay, gwapo nga. Ang sama naman ng ugali!
"Kung sayo to, dapat nabili mo na!" Ganting sigaw ko.
"Bibilhin ko na sana pero kinuha mo! Let go!" Sabay hablot nito sakin.
Aba at! Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad palayo sakin.
"Hoy!" tawag ko pa rito pero di niya ako pinansin. Nagulat nalang ako ng may kumalabit sakin sa likod.
"Nandito ka lang pala pinakaba mo pa ko." Napalingon ako at nakita si Emily. Hindi ako sumagot.
"Sino yung lalaking maputi na matangkad? Likod palang sobrang nakaka attract na. Pano pa kaya pag nakita ko mukha non? Gwapo ba?" Tanong pa niya. Nagkibit balikat nalang ako.
“Ungkoy” Bulong ko nalang.
============================
May Part two pa po ito. hahaha
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
Storie d'amoreA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...