Kelly
Napabuntong hinga nalang ako at naupo sa kama ko. Buti nalang at walang sinabi si Papa kanina. Nagpaalam naman ng maayos si Zach kay Papa bago siya umalis.
Hindi parin maalis ang matamis na ngiti na naglalaro sa aking labi. Hanggang ngayon na namamangha parin ako sa pagbabago ni Zach. Napakasweet niya at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako ng sobra sa kanya.
'Sobrang thank you Lord, the Best Ka talaga.' masaya kong papuri sa Panginoon.
Worth it talaga pag pinagdarasal sa Dyos ang taong mahal mo. Dahil walang imposible sa Kanya.
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa kama. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pakiramdam ko ay mapupunit lalo ang aking labi ng makita siyang tumatawag. Agad ko namang sinagot at tumikhim.
"Hello?"
"Hey love, did I disturb your sleep?" Mababa at parang paos nitong sabi.
Bakit pati boses nito ay parang nangaakit siya?
Tumikhim ako dahil parang may nakabara sa aking lalamunan.
"Hindi naman. Ahmm, nakauwi kana ba?"
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. Kaya napakunot ako ng nuo. May mali ba sa tanong ko?
"Silly, of course nakauwi nako. Its been hour already love that I left your house." nahihimigan ko parin ang simpleng tawa nito.
Hala!
Napasabunot ako bigla ng buhok ko sa hiya. Ganun na ba ako katagal na natulala kanina? Naalala kong habang naglalakad ako papuntang kwarto ay para nga pala akong sira na pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko at sobrang tagal na maglakad. Pati pinto ay mahina kong pinagpapa-palo. Buti nalang at hindi nagising mga kapatid ko sa kabilang kwarto.
So, isang oras akong wala sa sarili. Ganun?
Siguro overwhelm lang ako sa goodness ng Lord at sa mga nangyayari samin ngayon ni Zach.
"Love, are you still there?" napabalik ako sa wisto ng marinig siya.
"Ahmm, Y-yeah okay lang ako." sinubukan kong pasiglahin ang boses ko para di niya mahalata na nahihiya ako.
Tumikhim pa ako at inayos ang magulong buhok ko na pinagsasabunot ko kanina.
"Sure? Hmm, okay then. Let's rest 'cause tomorrow we'll going to C-church." nahimigan ko ang awkwardness sa boses niya. Siguro ay hindi siya sanay at nahihiya pa.
Napangiti naman ako at kahit hindi niya makita ay tumango ako ng marahan.
"Sige. Kita nalang tayo bukas mga 8 am nandito kana ha. 8:30 kasi ang start." masayang sabi ko.
"Yeah. Goodnight my love. Dream of me, 'kay?" napatawa ako saka sinagot rin siya.
"Opo. Goodnight din. H'wag kana ring mag puyat ngayon sa trabaho mo. Matulog kana dahil maaga pa tayo bukas." Paalala ko sa kanya. Knowing him, papatulugin lang niya ako tapos tatapusin ang mga trabaho niyang naiwan.
Hay... Sana sumunod to sakin.
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Okay okay. You really know me. I have a lot of paperworks to do but since you knew my plan then let's just sleep and rest." aniya.
Napatango ako. Buti sumunod.
"Sige. Pray before you sleep, love. Goodnight and I love youuu." lambing ko sa kanya.
Ewan. Sobrang bago sakin to. Ang maging clingy. Haha pero okay narin at least na eexpress ang nararamdaman. At para narin pakiligin siya.
Matagal na walang siyang sagot. Tiningnan ko pa nga ang cellphone ko kung pinatay niya pero hindi naman. May signal pa nga. Bakit walang response to?
Ahh! Baka kinilig!
Pinigilan ko ang matawa. Rinig ko sa kabilang linya ang mahina niyang mura at pagtikhim.
Napailing nalang ako at ngumiti ng malapad kahit hindi niya makita.
"I-I'm ahh startled about what you said. Now you're being vocal about your feelings and its kinda sweet and honestly something inside my chest tingling with something. I don't know, what this is. But I'm sure my heart always react by just hearing you. I'll try to be vocal too but please be patient on me. This is all new to me, love." Sa mga sinasabi niya ay lalo akong mas nahuhulog sa kanya.
Hindi naman niya kailangang sabihin pa na pagpapasensyahan ko siya dahil naiintindihan ko naman. Pareho lang kami na bago lahat ng to. Pero sigurado akong mas iintindihin at mamahalin ko siya ng buo.
"I know. And I will be always here for you. Kahit hindi ka vocal okay lang. Because I know how you express your love for me and that is by your own actions. I just want you to hear this words for assurance and prove that I'm committed to you." nakangiti kong sabi.
Pati ako nahihiwagaan na sa mga sinasabi ko. Pero totoo naman lahat ng yun. Napakagaan na bitawan ang mga salitang yan. Sana maramdaman niya na hindi lahat ng pagmamahal ay tulad nang sa magulang niya. Takot siyang matulad kami sa kanila. Dahil ang alam niyang Love ay risky, worthless, miserable and broken.
Kaya papatunayan ko sa kanya na mas may higit pang depinisyon ang pagmamahal.
Unconditional and Radical Love.
Hindi sa akin. Kundi Sa Kanya niya lamang matatagpuan yun.
"I'm lost for words. I don't know what to say. I felt bless to have you. This sounds gay but I felt something on my stomach giggling and my chest overwhelms and seems overjoyed." naguguluhan niyang sabi.
Napatawa naman ako. Ibang klase. Dinescribe niya lang na kinikilig siya. Nakakamangha na pati pala mga lalaki ay pareho ng nararamdaman pag kinikilig. Gusto ko tuloy siyang makita. Sobrang cute niya siguro ngayon.
"Love, tawag diyan ay kilig. Kinikilig ka sakin. Haha" hindi ko tuloy maiwasang matawa.
Rinig ko na naman ang malulutong na mura niya sa kabilang linya.
Bigla nalang nawala siya sa kabilang linya. Pinatayan niya ako. Badtrip siguro yun dahil nahihiya. Hahaha
Ang cute lang kasi.Nagtext naman siya nang 'goodnight'.
Wala na bumalik ata siya sa pagiging cold. Isang salita lang text eh.
Nagkibit balikat lang ako saka pinatong ang cellphone ko sa mesa na tabi lang ng higaan ko. Tumayo ako saka nagtungo ng banyo at nag shower.
Kakatapos ko lang nagpalit ng pantulog. Naupo muna ako sa higaan saka nagdasal bago natulog.
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...