Kelly
Nasa Mall kami ngayon at naglilibot.
Nakahawak ako sa polo shirt ni Zach at sinusundan lang siya sa paglakad. Hindi ako makahawak sa braso niya kasi nga nahihiya ako. Para akong bata na ayaw mawalay sa tatay niya. Hinayaan lang naman niya ako.
Nanuod kami sa sine at kumain sa Mcdo dahil favorite ko dun.
Masaya ako dahil sa ganitong pagkakataon. Naisip ko na way siguro ito ng pagso-sorry niya. Hindi man kami yung normal na couple pero kahit papaano sumaya naman ako.
Huli na to at hahayaan ko na siya pagkatapos...
Nagyaya ako na pumunta kaming SkyPark. Pumayag naman siya.
Nakaupo kami ngayon sa bleachers at pinagmasdan ang magandang tanawin.
Hindi ko maiwasang maingit sa mga nakikita kong couple sa paligid. Nag iwas nalang ako ng tingin at napasulyap sa kanya.
Maamo ang mukha nito at parang malalim ang iniisip niya. Nakakunot pa ito habang nakatingin sa malayo.
Mamimiss ko siya. Nalulungkot akong isiping ito na ang huling pagkakataon na matititigan ko siya ng matagal.
Ramdam ko ang pag init ng gilid ng mata ko at anumang oras ay bubuhos ito.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala siya sakin.
"Why?" Sabi niya at nakakunot parin ang noo nito.
Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti.
Sa pagsilay ng ngiti ko ay siya namang pagtulo ng luha ko.
Agad naman niya akong hinawakan sa mukha at marahang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
"Why are you crying?" tanong niya.
"Nahihirapan kana ba?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya sa pisngi ko.
"I'm not. Why?" sabay iling nito.
"K-kasi..pagod na'ko.." Sabi ko at naiyak muli.
Nakita kong may sakit sa mata nito pero agad ding napalitan ng normal na walang emosyon nito.
"M-mahal mo ba A-ako?" Pigil ang hiningang sabi ko.
Sa wakas nasabi ko rin ang tanong na yan sa kanya.
Pero kinakabahan rin ako sa isasagot niya.
Inalis niya ang pagkakahawak sa pisngi ko at nag iwas ng tingin.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at marahang nagpunas ako ng pisngi. Inaasahan ko ng ganto ang mangyayari.
"I don't know. I'm sorry." Zach said in confused.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. At humarap sakanya.
"Siguro mas mabuti pang… mag-hiwalay nalang tayo. Magkaiba tayo ng mundo. Hindi rin ako ang priority mo. Pero gusto kong magpasalamat sayo dahil naging parte ka ng b-buhay ko.. Hindi kita makakalimutan and we could be f-friends...”
Hindi ko alam kung bakit napangiti pako at naglahad ng kamay sa harap niya. May luha paring tumutulo sa pisngi ko.
Masakit. Pero mas masakit pag di ko pa siya binitawan.
Naghintay akong tanggapin niya ang nakalahad kong kamay ngunit hindi niya ito tinanggap. Kaya ibinaba ko nalang ang kamay ko.
"Sige aalis na'ko. Ingat ka sa pag uwi." Tumayo na'ko at nagpasyang umalis na.
Kasabay ng mga hakbang ang pagtulo ng luha ko at pagdurog ng puso ko.
Mahal kita pero kailangan kong gawin to.
Mamahalin parin naman kita kahit hindi na tayo...
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomansA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...