Kelly
Masaya akong nagpapalit ngayon at pakanta kanta pa. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang mga bawat salita na binitawan niya sa Papa ko. Lahat kasi yun ay tumagos sa puso ko at di ko maiwasang kiligin sa tuwa.
Nasa baba siya ngayon at nagpapalit rin sa kwarto nila mama sa baba. Nagdala rin kasi siya ng pamalit sa kotse niya na kinuha naman niya bago ako tumaas sa kwarto.
Nagpaalam narin siya kina Papa na magdi-dinner kami sa bahay ng mama niya. Pumayag naman si basta iuwi niya ako bago mag 10. Agad namang pumayag si Zach at nagpasalamat.
Nang matapos akong magshower ay dali kong sinuot yung dress pagkatapos ay inayos ko muna ang aking buhok. Inulugay koi to at sinuklay lang. naglagay lang ako ng simpleng earing na may puting perlas sa gitna. Nagpolbo ako saka naglagay ng liptint sa labi. Kinuha ko rin ang nag iisang pares ng sandal ko na naorder ko lang rin sa shopee. Korean suede high heels white ito na 2 inches lang ang taas. Komportable naman itong suotin.
Bumama na ako saka nakita si Zach na nakatayo at hinihintay ako. Pareho kaming napangiti nalang bigla. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palapit.
Naka polo siya at puti ang kabilang side ng polo niya habang sa kabila naman ay itim. Black & white na nga lang ang polo niya na tinack in pa nito sa itim na pants nito. Nakasuot siya ng leather belt din. Hindi ko alam kung bakit gantong simpleng suot niya lang ay nagmumukha na siya modelo. Lakas kasi ng appeal at nag uumapaw ang kakisigan niya lalo pa at nakabalandra ang mga matitipunong braso niyo. Kita ko pa ang mga ugat nito.
"Stop staring love." Nakangisi nitong sabi. Pinamulahan naman ako at nag iwas ng tingin sa kanya.
Nagpaalam kami kila Mama at Papa. Inalalayan niya ako sa pagpasok ng sasakyan niya. Hinintay ko siyang pumasok at sandaling umupo muna siya at tiningnan ako na siyang pinagtaka ko naman.
"By the way love, you look beautiful." Sabay kindat nito. Nagpasalamat naman ako saka sinabing gwapo rin siya na kinangisi naman niya. Siya na mismo ang naglagay ng seatbelt ko at nagsimula na siyang magmaneho.
Sa byahe ay kinakabahan ako. Panay ang kagat ko sa labi ko dahil hindi ako makapakali. Maya't maya akong mag iiba ng pwesto na siyang napansin naman ni Zach. Bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinatong yun sa binti niya. Diretso parin ang tingin niya habang ako ay kumalma naman at pikatitigan siya.
"My mom will like you. So don't worry about it." Sabi niya at tumingin sakin ng bahagya saka nagpatuloy sa pagmaneho. Napabuntong hinga ako saka siya mahinang kinurot sa binti nito.
"Oh, you always do that love. Why?" curious na tanong nito.
"Wala. Sarap mo kasing kurutin." Sabi ko pa saka kinurot ulit ang binti niya. Napahagikhik naman ako ng hulian niya ang kamay ko at dinala sa labi nito.
Sa una ay hinalihan niya ang likuran ng palad ko saka kinagat rin. Hindi naman masakit at napatawa nalang kaming pareho. Hinayaan niya muli ang kamay ko sa kandungan niya ng mag pull over siya at nag park sa tapat ng bahay ng mama niya.
Nauna siyang bumaba saka ako pinagbuksan ng pinto. Inilahad niya ang kamay niya na malugod ko namang tinanggap. Mahipit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang mag umpisa na kaming pumanhik sa loob ng bahay nila.
Pagkapasok namin ay namangha ako sa disenyo ng bahay ng mama niya. Mamahalin ang mga kagamitan at napaka ganda. Napangiti ako dahil ang ambiance ng bahay nila ay napaka homey.
Naabutan namin ang dalawa niyang kapatid sa living area. Parehong nakaupo sa couch at nanunuod sa malaking tv. Tutok na tutok sila sa pinapanuod at hindi nila kami napansin ni Zach na nakatayo malapit sa kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...