Zach
"Si Kelly....na aksidente..."-Carl
Hearing those words bigla nalang ako nakaramdam ng bigat sa dibdib. Its like something inside me broke into two. What the hell is happening with me?!
Bigla akong napatakbo paalis ng opisina at tinabig si Carl sa pinto. I hurriedly went to the parking lot at wala sa sariling nag maneho pa puntang airport. I need to see her. I have to.
"Dexter, book me a ticket. Asap! I need to go to Isabela." I said to my secretary and hung up the phone. Its eleven o'clock in the evening and I need to get there fast.
***
Kelly
Nakaramdam ako na may nakadagan sa hita ko pati beywang ko. Inaantok pa ako Kaya hinayaan ko nalang. Baka si Mama lang yun o baka yung kapatid kong bunso.
***
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Nakapikit pa ako at ayaw pang dumilat.
Gusto ko pang matulog. Sa bandang huli ay bumangon din ako ng di gaanong minumulat ang mata. Nagkukusot ako ng mata papuntang banyo.
"Hays! nakakainis na! Bakit ba pakiramdam ko may namimiss na naman ako? Aish! boypren ko nga pala ang namimiss ko! Lokong yun! di man lang magparamdam! Kainis!" Sabi ko habang papasok ng banyo. Naghilamos lang ako at nagsipilyo.
Habang papalabas ako ng banyo ay di parin ako natigil sa pagsasalita.
"Wala ba siyang pakealam sakin? Wala ba akong halaga sa kanya? psh. May iba na yun ngayon. Asa pa ko." Napa kamot nalang ako ng ulo ko.
Nahinto ako sa paglalakad nang may makitang naka upo sa higaan ko at seryosong nakatingin sakin. ZACH?
Napakunot naman ako ng noo.
"Nababaliw na yata ako. Naghahallusinate na naman ako. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya heto siya nakaupo sa kama ko. Tulog pa ata diwa ko."
Sabay sampal ko sa pisngi ko. Napapikit ako sa sakit.
Napalakas pa ata ang sampal ko. Okay na yun, para magising na ako sa katangahan ko.
"Aray ang saket." Sabay himas ko sa pisngi ko.
"Stupid."
Pagkarinig ko nun agad akong napadilat at nanlaki ang mata sa nakita. Naglalakad kasi siya papunta sakin at seryoso parin ang tingin.
Siya ba yung nagsalita o ako?
"Don't hit yourself again."
Sabi na naman niya at nakalapit na siya sakin.
Napakurap nalang ako at nagkusot ng mata.
"Totoo kaba?" tanong ko.
Pero hindi ito nagsalita.
Gamit ang hintuturo ko ay sinundot ko ang pisngi nito. Hindi pa ako nakuntento at inulit ko pa ng ilang beses.
"Stop it." Sabi niya at tinabi ang kamay ko.
Totoo ba talagang nandito siya? Ang sungit parin niya.
Hindi ko namalayang nakayakap na pala ako sa kanya at umiiyak sa dibdib niya. Ramdam ko ang bisig nito na nakapulupot sa bewang ko.
Kanina para akong tanga na salita ng salita ngayon naman para akong tuod na hindi makapagsalita. Lumayo ako sakanya at tiningnan uli siya. Pinunasan ko rin ang basang pisngi ko at ang mga mata ko.
"Bakit ngayon ka lang?"
Tiningnan niya lang ako. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan ko na.
"Dahil busy ka." ngumiti nalang ako at hinawakan ko nalang ang kamay niya.
"Mamaya na tayo mag usap. Nagugutom ka na ba?" tumango lang ito.
Sabay kaming bumaba at nagpunta sa kusina. May nakahanda nang pagkain. Asan ba sila mama at papa? pati mga kapatid ko wala rin. Bakit parang wala sila ngayon?
Sabado nga pala ngayon. Baka nagdate ang mga yon. Psh.
Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Tahimik kami at di parin ako matigil sa pagsulyap sa kanya.
Para bang anumang oras ay mawawala siya sa paningin ko.
Pagkatapos naming kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan namin. Tinulungan rin niya ako.
"Bakit ganyan ang suot mo?"
Tanong ko. Nasa sala kami ngayon at nanunuod.
"Your mom gave me this clothes."
Napatango nalang ako. Nakasuot siya ng white shirt at sweat pants. Sa kapatid kong pangalawa siguro itong suot niya. Fitted masyado ang t-shirt na suot niya. Nakakahinga pa ba siya? Sobrang bakat rin ng mga muscles at abs niya.
"Gusto mo bang lumabas tayo? Boring dito sa bahay atsaka wala pa sila papa dito."
Napatingin ako sa kanya. At hinintay siyang sumagot.
Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Tumango lang ito at di ako tiningnan.
Napa buntong hinga nalang ako.
Nandito nga siya pero parang di ko ramdam ang totoong presensya niya.
Ba't ba ako hindi nasanay sa pakikitungo niya? Ever since the world began, Ganyan na talaga siya. Parang innate sa kanya ang pagiging tahimik. Dapat immune nako sa pagka-cold niya at pagsusungit.
Siguro kailangan ko na talaga siyang bitawan. Hindi siya masayang kasama ako.
'H'wag ka ng umasa, Masasaktan ka lang.' naalala kong sabi sakin ni Derrick.
Mahal kita pero baka hanggang dito nalang siguro to...

BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...