CHAPTER THIRTY TWO

201 5 0
                                    

Kelly

“Let’s buy you dress. We will be having dinner in my Mom’s house.”

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ngayon ko palang kasi mami-meet ang mama niya. Seryoso pa siyang nakatingin sa akin.

“My mom wants to see you.” Aniya pa niya.

Hinihintay niya akong sumagot ngunit para akong napipi sa di malamang dahilan. Nakakabigla naman kasi siya. Gusto rin naming mameet yung mama niya pero di ko inexpect na mamayang gabi na.

“Love, is it okay to you? Or you don’t like it?” marahan niya pa akong hinawakan sa balikat.

Agad akong napailing at nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang imbitasyon niya. Kailangan ko lang magpaalam sa mga magulang ko. Kahit naman matanda nako kailangan ko paring mag paalam sakanila tanda ng ginagalang ko sila.

“Okay lang nabigla lang ako. Ipagpaalam mo muna ako kila mama.” Tumango lang siya at ngumiti ng bahagya.

Sa panahon kasi ngayon ay bibihira ng makakilala ng lalaki na marunong rupespeto sa mga magulang ng nobya nila. Kahit naman mayaman at iba ang kinalakihan niya ay gusto ko siyang turuan ng mga bagay bagay na natutunan ko rin sa mga magulang ko. Mas masaya ako dahil nakikita kong nagbabago siya paunti unti.

Nagpatuloy kaming maglakad at dinala niya ako sa may department store. Hindi ko alam ang susuotin kaya siya na ang namili ng susuotin ko. Nakakahiya man pero mas natutuwa pa siyang mamili ng damit ko. Napahagikhik ako ng palihim. Ang cute lang kasi na nobyo ko pa ang mas excite na namimili ng damit kong susuotin.

“You should try this Love.” Sabay bigay nito ng puting bistida. Simpleng casual dress ang napili niya shirtsleeves ito na 1 inch above the knee.

Napahinga ako ng maluwag dahil hindi off shoulder or damit na medyo revealing ang kinuha nito. Malayo sa inanaasahan kong ibibigay niya. Mas komportable nga ito at hindi makikita ang marka niya sa bandang leeg ko na ginawa niya nung isang araw. Hanggang ngayon ay meron pa ito at hindi pa nawawala. May sa bampira yata itong si Zach eh.

Agad akong nagtungo ng changing area at sinukat and damit na bigay niya. Fit na fit ang dress sa hubog ng katawan ko. Nakakahinga pa naman ako at gusto ko ang pagkalambot ng tela napakakomportableng suotin. Sa bandang dibdib at bewang ay humulma ang damit sa katawan ko. Flowy ang dating sa bandang palda nito.

Nahihiyang lumabas ako at pinakita sa kanya. Kagat ko ang labi ko ng humarap sa kanya. Bagay ko kaya?

“You look lovely Love and I like the dress it suits you perfectly.” Aniya si Zach na nakatingin sakin. Kakaibang tingin na pinukol niya sakin lalo na ng bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Bigla tuloy akong na mula at tumalikod na sa kanya. Baka kung ano pa maisip ng bampirang yun.

Bumalik ako sa changing room at nag palit ng dati kong damit. Nang makalabas ako ay sinundan ko siya sa casier para balutin ang damit at mag bayad. Nang matapos ay siya namismo ang naghawak ng paper bag at sabay kaming umalis.

Hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko at nagtungo kami sa isang restaurant. Nang makahanap kami ng bakanteng upuan ay umupo muna kami. Magkaharap kami at tahimik na nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng restaurant. Simple lang ito at di naman ganun kamamahalin.

Tinaas ni Zach ang kamay nito para tawagin ang pansin ng waiter. Agad naman siyang nilapitan ng lalaking waiter.

“We will be having Fettuccine Alfredo, Amatriciana with Slice of Pancetta and for drinks Pomegranate juice for two.” Aniya ni Zach.

Napakunot ang noo nung waiter. Hindi niya siguro naintindihan katulad ko. Napakamot ng batok ang waiter.

“Ah Sir, wala po kaming ganun sa menu po. Pinoy restaurant din po ito at ang specialty po namin ay Pinakbet with seafood at Batilpatong po. Tsaka sa counter nalang po kayo mag order sir. Salamat po.” Nahihiyang sabi nung waiter saka umalis.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon