CHAPTER SEVENTEEN

357 5 0
                                    

Kelly

-Kinabukasan

"Anyare sainyo?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

Himalang hindi sila nagbabangayan ngayon? Somethings up? Nangangamoy Ulam. hahaha nagugutom na kasi ako.

Dinedma lang nila ako at nagtuloy sa pagkain. Kumain nalang din ako at hindi nalang sila pinansin.

"Bakla siya." Bulong ni Emily habang tinutusok ang hotdog nito sa plato.

Napansin kong nabilaukan si Derrick kaya inabutan ko siya ng tubig.

Ano bang nangyayari sa dalawang to?

"Sinong bakla?" tanong ko naman.

Sino ba tinutukoy nito? Si derrick ba o yung bagong crush nito?

Napaangat naman ang tingin sa'kin ni Emily.

"Sino pa ba? Edi yung isa dyan. Bakla na superman! kaloka! makaalis na nga!" Sabi niya at nagmartsang umalis ng caf.

Nabigla ako dun a. Napailing nalang ako at napatingin kay derrick.

"Baklang Superman ka?" tanong ko.

Inirapan niya ako tsaka tumayo at naglakad paalis. Hay. Bakit ba panay ang walk out nitong dalawa.

Tinapos ko nalang ang pagkain. Habang kumakain ako rinig ko ang pag uusap ng dalawa kong kaklase malapit sa kinauupuan ko.

"Grabe! May final requirements pa pala tayo. Nakakainis." Sabi ni Sab kaklase ko.

"Gaga. Balita ko nga yung final requirement natin ay ang pagpunta natin sa isang kompanya." Tin

"Tapos na ang OJT natin ah. Bakit pa kailangan nating pumunta dun?" Sab

"Ewan. Pero okay nga yun e. Marami tayong makikilala dun at makakahanap tayo agad ng trabaho pag graduate natin." Tin

Nang matapos akong kumain ay umalis na rin ako.

Nagpunta muna ako ng library para magbasa. Wala kasi akong next class. Bali tatlong subject nalang ang pinapasukan ko. Nasa last Semester at finals na namin. Kaya next month na ga-graduate na kami. Matatapos na rin ang paghihirap namin.

Naghanap ako ng magandang libro na pupukaw sa interesado kong mundo. hahaha char!

Nang makahanap ako ng libro ay nagpunta ako sa desk para basahin yun. Isang novel book ang napili kong basahin. Maganda ang nilalaman ng libro.

Habang nagbabasa ako ay napansin kong parang may tumititig sakin kaya napa angat ang tingin ko.

Nagulat ako sa nakita.

"Ang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ngumisi ito bago nagsalita.

"I want to see your ugly face." Kaswal na sabi nito.

Inirapan ko siya at tumayo.

"Kelly..." tawag nito.

Hindi ako lumingon pero napahinto ako sa paglakad.

"Jacob? What are doing here?" Pamilyar na tinig ang nagsalita.

Napalingon ako sakanila.

Si Yana pala.

Nagkatitigan ang dalawa.

Hindi naman pala ako ang ipinunta nito. Nagsisinungaling siya nung sinabi niya iyon. Ang taong mahal niya ang ipinunta niya rito.

Napangiti ako bago naglakad palabas ng library. Iniwan ko ang librong binabasa ko sa desk ng librarian at naglakad na paalis.

Gaya ng sabi sa nabasa kong libro…

'You'll never know when destiny passing by.'

'It all takes time to heal a wound and how to start a new beginning.'

'Only destiny can find a way through your heart.'

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa Park malapit sa School.

Umupo ako Sa isang bench at tiningnan ang mga batang masayang naglalaro.

Bigla naman akong tinabihan ng isang batang lalaki. Hula ko ay nasa ten na siya.

"Hi." Bati nito.

Ngumiti nalang ako saka siya sinagot.

"Hello, young boy." Nakangiti Kong sabi.

Kumunot ang noo nito pero Ngumiti rin.

"What are you doing here?" Tanong nito.

Inglisero. Hmmm…

"My feet brought me here." Casual na sagot ko.

"You? Why are you here?" balik kong tanong.

"Oh. I ditched my nanny. Haha"

Lokong bata to a.

"What's your name?" Tanong niya.

"I'm Kelly Amorsolo. And you?"

"Gerald Nepoposemo."

"Alam mo ba ang pauwi sa inyo?" Nagtataka kong tanong.

Umiling lang siya.

Napakamot ako sa batok. Ano bang gagawin ko sa batang ito?

Sa huli ay napagdesisyunan kong magpunta nalang kami sa malapit na coffee shop.

Pagpasok namin ay nag order agad ako at iniwan si Gerald sa isang table.

Nagulat nalang ako ng pagbalik ko sa table ay nakita ko si Gerald na may kasama at nakaupo sa tabi niya.

Di ko namalayang nasabi ang pangalan niya.

“Zach…”

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon