CHAPTER ELEVEN

419 10 0
                                    

Kelly

Monday morning. Dalawang araw mag mula nung nakipag break ako kay Zach.

Nasa school ako ngayon dahil may pasok pa kami. Malapit ng mag end ang school year at ilang months nalang ay ga-graduate na'ko.

Naglalakad ako papunta sa next class ko ng may mapansing kung anong nahulog mula sa sahig. Agad kong pinulot iyon at tiningnan. Isang maliit na kahon. Nakabalot ito at may ribbon pa. Siguro may nakaiwan nitong regalo.

Sinuri kong mabuti ang regalong hawak ko nang maupo na'ko sa assigned seat ko.

May nakasulat dito.

To: Yana

From: Jacob M.

Napakunot naman ako. Hindi ako pamilyar sa pangalang nakasulat. Itatanong ko nalang kina Derrick at Emily kung kilala nila ang may ari nito.

Nakinig nalang ako buong klase. Bago kami ga-graduate may final requirement pa daw kami. Pero pagkatapos nun may Graduation Ball na magaganap.

*Lunch break

"Guys, may ipapakita ako." Sabi ko.

Napatingin naman sa'kin sina Der at Emi. Nasa canteen kami ngayon at kumakain.

"H'wag mong sabihing? Magiging Ninang na'ko?" Nakataas ang kilay na sabi ni Der. Si Emi naman ay napaawang ang bibig niya na may laman pang kanin.

"Ano kaba Derrick! magiging ninong ka." Pagtatama ko.

"What the hell! So, dika nagbibiro?" Der

"Totoo?" Emi na ngumunguya pa.

Natawa naman ako. Mga to talaga. As if naman may laman tong tiyan ko.

"Mga baliw. Syempre Hindi." Natatawa kong sabi.

Nagpatuloy nalang sila ng pagkain.

"Uy, may ipapakita nga ako." Sabi ko uli.

"Edi ipakita mo na." Sabi ni Derrick at inirapan pa ako.

Inilabas ko nalang ang maliit na kahon sa harapan nila.

"Tulungan niyo akong maibigay yan sa may ari."

Kinuha naman agad ni Derrick ang maliit na kahon at sinuri ito. Pati si Emi ay nakisyoso rin at inagaw kay Derrick ang kahon.

"Uy, dahan dahan naman. Hindi sa'tin yan." Suway ko.

Dinedma lang ako nung dalawa.

"Yana?" Sabi ni Emi at nakakunot pa ang noo nito.

"Kilala niyo ba?" Sabi ko.

"Siya yata yung nasa Engineering department e. Si ano.. Si kwan.. Si.." -Derrick

Langya. Binato ko nalang siya ng hawak kong candy na dipa nabuksan. Sapul naman sa noo nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at napa irap nalang siya sa'kin. Pabitin kasi.

"Kilala ko na. Liyana Domingo ng Engineering." Sabi ni Emily.

"Ah. Nakalimutan ko yung dati kong niligawan. Si Liya pala yun." Nagkatinginan naman kami ni Emily sa sinabi ni Derrick.

"Niligawan mo?" Gulat na tanong ni Emi.

"Bakit masama bang manligaw ang bakla?" Ganting sagot naman ni Derrick.

"Wala naman akong sinabi ah. Psh." Nag irapan na silang dalawa.

Napakamot nalang ako ng batok ko at napailing.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon