Kelly
Next Day...
Linggo ngayon at nagyaya sina Emily at Derrick na magmall kami. Kaya eto kami ngayon sa Mc Do kumakain. Napahinto ako sa pagkain ng marinig ko ang pangalan ko.
"Kelly... Anyare Girl?" Napatingin ako kay Emily at umiling lang.
"Wala? Eh bakit mugto yang mata mo? Iniyakan mo ba si Yelo?" Tanong nito.
Napatawa lang ako sa binigay niyang nickname kay Zy---
"May nakakatawa ba sa sinabi ko Der?"-Emily
"Wala naman. Pero baka natawa siya sa mukha mo! Eto tissue. Punasan mo mukha mo. Kababaeng tao e, dugyot."
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Kahit hindi sila ay ang sweet nila. Halata namang may gusto sila sa isa't isa. Kaso nga lang may problema... Si Derrick nagpakabakla para lang makalapit kay Emily. Eto namang si Emily nasasayangan Dahil bakla ang Crush niya na si Derrick. Hinayaan ko lang sila dahil mas maganda kung sila mismo ang makakaalam ng totoo.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa may Arcade at naglaro. Wala ako sa mood maglaro kaya silang dalawa lang ang naglalaro. Pinanuod ko lang silang dalawa… at biglang may naalala.
FLASHBACK 12 YEARS AGO
"Hey kid, I'm the first one to be here so back off!"
Napatingala ako sa batang nag-english. hindi ko naintindihan ang sinabi nito kaya inituloy ko ang paglaro.
"I said back off! Are you deaf? Or I will drag you out there!" sigaw nito. Na-game over tuloy yung nilalaro ko. Inis akong napatingin dito.
"Pa-english engish ka pa dyan! Yan tuloy na game over ako! Pasalamat ka at hindi ko naintindihan yung sinabi mo kung di..."
Napaisip ako ng sasabihin at napatingin uli sa kanya.
"Kung di ipapalapa kita sa aso namin!" Sigaw ko rin dito.
"Whatever! Go out of that seat before I'll Drag you out there!" English ulit nito.
Napakamot ako ng ulo at hinawakan ang ilong ko kung may dugo ba.
"Ari ku mantindyan bibidam mu!" Nag-ybanag nako sa inis ko. Ang sabi ko sakanya ay; 'hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!'
"Huh?!" Tanging sabi nito.
"Yan para patas. hahaha" Napahinto ako sa pagtawa ng binuhat niya ako paalis sa kinauupuan ko. Umupo siya at naghulog ng coin.
"Hoy! ako dyan e!" Sabay kalabit ko sa kanya. hindi niya ako pinansin at tinuloy lang ang paglalaro.
"Thomas! Thomas!" napalingon ako sa sumisigaw na papalapit sa kinaroroonan namin.
Napahito yung babae sa tabi ko.
"Thomas, Lets go. Aalis na tayo sabi ng mama mo." Sabi nung babae.
"Later yaya! Don't you see I'm having Fun here?" Magmamaktol nito,
"Ani gappa yawe nga abing.." Sabi nung yaya niya. [Anu ba naman itong batang to].
"Anti, anni nagan na?" Sabay turo ko dun sa Thomas. [Tita, anong pangalan niya?]
Napatingin sakin yung yaya at ngumiti.
"Thomas Mortez. Ikaw ano pangalan mo? Saka bakit mo siya kasama?"
"Hindi ko po siya kasama at Inagaw po niya yung upuan ko. Ako po si Shine Amorsolo..."
"Gandang bata. O sya sige. Aalis na kami Shine."
Pinatayo na niya ang alaga niya na nagmamaktol. Bago umalis sila ay tiningnan ako nung Thomas at umalis na.
END OF FLASHBACK
Hindi ko namalayang papalapit nasa kinaroroonan ko sina Derrick at Emily. Nag-aasaran pa silang naglalakad pa punta sakin. Ang cute nilang tingnan. Sana ganyan rin kami ni Zach...
====================
Sa mga readers… Ang Ybanag po ay isa sa linggwahe namin dito sa Isabela.
BINABASA MO ANG
Cold Billionaire's Amante
RomanceA bachelor named Thomas Zachary Mortez a CEO of Mortez Group of Company (MGC). Aside from his company, He even owns a Multi-billionaire 5 star Hotel and restaurants all over the country named High Lux. At the age of 24 he managed his company by his...