CHAPTER THIRTY SIX

190 3 2
                                    

Kelly

Sobrang awkward. Ni hindi nga ako nagkapagsalita dahil sa gulat ko. Buti nalamang ay nagsalita si Zach at sinabi sa kapatid na nagkamali lang ng kita. Maybe she mistook me with someone. Humingi rin ang mga magulang niya ng pasensya na agad ko namang tinugon ng ngiti. Si Zach naman ay tahimik lang pero minsan ay nahuhuli ko siyang masama ang tingin kay Jacob.

Maayos akong nagpaalam na uuwi na. bago kami umalis ay niyakap pa ako ni Tita Gera at sinabing masaya siyang makilala ako. Si Gerald at Geraldine ay humalik naman sa akin at sinabing bumalik raw ako para dalawin sila. Si tito Daniel naman ay ginawaran din ako ng yakap. Si Jacob naman ay hindi naming nakita marahil ay nasa kwarto nito.

Tahimik lang na nagmamaneho si Zach. Kanina pa siya ganito. Napansin kong mahigpit niyang hinahawakan ang manibela at nakatiimbangang pa ito.

Ipinatong ko nalang ang kamay ko sa braso niya para pakalmahin siya. Marahan koi yong hinimas at napansin na nakakunot nalang ito.

“Okay lang ba?” sandali siyang tumingin sa akin pero binalik din agad ang mata nito sa daan.

“I guess.” Maikli niyang sagot. Napabuntong hinga naman ako.

Marahan kong pinisil ang braso niya saka binawi na rin ang kamay ko. Tumingin nalang ako sa bintana ng sasakyan. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil baka mabadtrip lang siya. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa siya yung sumuko at alam ko namang di ako niyan matitiis. Napangiti ako ng palihim at pinagpatuloy lang sa pagtingin sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa bahay ay pinarada lang ni Zach ang sasakyan sa labas ng bahay naming. Hinintay ko siyang bumaba ng sasakyan ngunit nakaupo parin siya at pinatay ang makina ng sasakyan. Tumikhim siya at ramdam kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang paningin naming. Biglang umamo ang mukha niya saka dinala ang palad ko sa labi niya at hinalikan ito. Hindi ko umimik at pinanuod lang siya.

“I’m sorry, love. I’m just pissed about what happen.” Saad niya na nakakunot ang noo. Napabuntong hinga naman ako.

“It’s okay. Hayaan mo na. Wala lang naman yun, saka may girlfriend naman si Jacob at kilala ko pa nga.” Nakangiti ko pang sabi at pinisil ang matangos niyang ilong.

"Alright. I just can't trust him." Nakakunot parin na sabi nito.

"Nga pala, busy ka ba bukas?" Nahihiya kong tanong. Balak ko kasi siyang ayain mag Church tutal linggo naman bukas.

Humarap siya sa akin at tinitigan lang ako. Hindi ko tuloy alam kung sasalubungin ko ang titig niya. Grabe kasi talaga to makatingin parang nangangain ng tao.

Nang hindi siya sumagot ay pinisil ko ang kamay niyang hawak ko.

"Yeah. Why?"

"Ahmm, gusto mo bang sumama mag Church bukas? Kung okay lang sayo." Nahihiya kong sabi. Pag sumang ayon siya ay first time naming magkasamang magsamba kay Lord.

Isipin ko palang na kasama ko siyang magpraise and worship kay Lord ay lubos ang kagalakan ko at nag uumapaw pa nga sa saya. Alam kong itong taong ito ay sobrang busy at nakakalimot na kaya gusto kong magkaroon siya ng relationship kay Lord dahil sobrang importante nun.

Kahit gaano pa siya kayaman ay hindi naman niyan makakapagsalba sa soul niya kundi ang pananampalataya sa Diyos na buhay.

Matagal niya akong tinitigan. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti para pumayag. Sa huli ay napabuntong hinga siya at tumango.

"This may seem awkward 'cause in the past years I haven't go to church. And I thank you Love for enlightenment and reminding me about Him. I'll go with you tomorrow." May maliit na ngiting naglalaro sa labi nito.

Cold Billionaire's AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon