Prologue

273 32 35
                                    

Simula

Katulad ng kamalian mo ngayon. Uulitin mo pa ba sa susunod na buhay na magtiwala ulit kahit alam mona kung gaano ka sisirain non?

On my nineteen years of existence.. I only believed of one thing.

That everything happens for a reason.

May umaalis, kasi may bagong dadating. May mga dahong nalalanta, kasi may mga bagong dahong tutubong mas maganda. Lumilipas ang madilim na gabi, dahil dadating ang bagong umaga.

But until now.. I'm still not aware what's the reason behind this.

I looked at the blue sky only to suffer more.

Paano kita makakalimutan kung ang bawat magagandang likha Nya, ikaw ang naaalala ko..

Gusto kong patunayan na hindi nya magagawa yon. Gusto kong marinig sa kanya mismo ang katotohanan. Pero paano ko magagawa kung ako mismo nakita na ang ebidensya? Kaya kobang harapin sya habang unti unti kong nalalaman na sya nga ang may gawa?

Sigurado akong kapag nag makaawa sya sa harapan ko.. pag dadamutan ko na ng hustisya ang Mommy ko.

I wiped my tears as I remember how much I disobeyed her. Habang nakatingin sa lapida nya, walang hanggang ang pagtulo ng luha ko. Sumabay ang mga luhang iyon sa ulan na hindi ko pinapansin. Pwedeng magkasakit ako pero pakiramdam ko'y wala ng mas sasakit pa sa pagkawala nya.

If only I could turn back the time, I will. Doon sa mga panahong sinesermonan nya akong umuwi sa US, gagawin ko. Pero hindi na pwede. Mahilig talaga tayong magsisi kapag tapos na ang isang bagay huh.

Lalong tumulo ang luha ko sa naisip. Nananakit na ang mata ko sa pamamaga pero hindi ko padin matigil. Ang hirap pigilang masaktan. Ang hirap pigilan ng sakit, o napipigilan ba talaga to?

"Addy, uwi na tayo.." Lydia, my dearest friend called. Hindi ko alam kung pang ilang beses nya na akong tinawag pero alam kong paulit ulit na.

Tinitigan ko sya, panandalian akong natigilan ng makitang kahit may payong e basang basang nadin sya ng ulan. She's almost begging me to go home and rest. Pero desidido ako na magpalipas pa ng isang oras dito.

"I'm fine, Lyd. Kung gusto mong mauna, pwede ka ng umuwi. Baka din inaantay ka ng mama mo sa inyo." she nodded. As if naintindihan agad ang sinabi ko, o baka kanina pa talaga sya hinahanap at hindi lang ako maiwan iwan.

"Addison.. Isang oras nalang ha! Umuwi kana din," her worried eyes surveyed me. I smiled sweetly, to prove that I'm fine.

Dahan dahan syang tumayo. Pinakiramdaman ko sya kung aalis na sya pero saglit pa syang nanatili doon bago tuluyang tumulak.

Now.. I'm all alone.

Walang kasing sarap ang katahimikan kapag masyadong mabigat ang nararamdaman mo. Malaking tulong ito para kahit papano'y gumaan ang nararamdaman ko.

Pinagmasdan ko ang palagid. Nakita ko ang isang ibon na dumapo sa puno. The bird was holding a worm using her beak, siguro'y para sa mga anak.

Iniwan nya ang mga anak para maghanap ng pagkain. Tinignan ko ang mga maliliit na ibon. Nag uunahan ito sa pag kuha ng pasalubong ng kanilang nanay. Katulad ko.. nagrereklamo din kaya sila tuwing aalis ang kanilang ina para humanap ng pagkain? O naiintindihan nila ang bagay na iyon hindi katulad ng hindi ko pag intindi kay Mommy noon..

I closed my eyes painfully. I hugged myself as I embraced the warmth given by my own. Kakaiba ang init na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, andito sya sa paligid. Pakiramdam ko, yakap yakap nya ako.

Mom are you here beside me?

Saan ako magsisimula? Saan ko sisimulan ang lahat? Paano..

All my life, I thought I'm brave enough. I thought I can handle everything by my own, but I'm wrong.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon