Drunk
"You don't have a choice anyway,"
Napapikit ako sa inis. Pumadyak ako at padabog na binuksan ang kotse nya. Dinig na dinig ko ang pagngisi nya kaya lalong nagtangis ang bagang ko.
He's right. What's my choice? Pinauwi nya ang kotse ko! Fuck it, sino bang kakampi nito sa bahay?
I sighed heavily when he finally went in. He looked at me cooly but I just looked away.
Fine. If this is what he wants, then I'll join the fuck up.
"How's your work?" he asked.
"Fine," masungit kong tugon.
He didn't replied after. Lalo akong nakaramdam ng iritasyon dahil may parte sa aking naghihintay ng sagot. May parte sa aking gusto syang makausap.
Pinagmasdan ko ang mga taong nadadaanan namin na halos mabali ang leeg kakalingon sa kotse nya. It's just making me realize that he really is far now.
"I'm always in my office. Tell me if something is bothering you o kung masyadong mabigat ang gawain."
I looked at him with so much disbelief. Anong sinasabi ng lalaking 'to?
I didn't speak when I saw how serious he is. Hinayaan ko nalang ang sarili kong sumabay sa katahimikan ng sasakyan.
Nakarating kami sa bahay at nagulat ako nang ang masamang tingin ni Marielle ang sumalubong sa akin. It didn't scare me, instead, inihanda ko na ang sarili ko sa napakarami nyang panunukso.
"I'll go home now," he said in a lazy tone.
Napatingin ako sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung magtatanong o isasarado na ang pinto ng sasakyan pero sa huli'y sinunod ko ang gusto ng taksil kong puso.
"M-Mag iingat ka sa byahe," I told him coldly.
Ayokong isipin nyang masyado akong concern 'no!
He looked at me then I saw amusement in his lips because it twitched for a smile. Bahagya syang yumuko at nang ibalik sa akin ang paningin ay kita na ang pagiging seryoso.
"Yeah, I will,"
"S-Sige, uuwi na ak--"
"Ehem," Marielle spat. Malakas ang pagkakasabi nya non kaya napalingon ako.
Bumaling ako kay Shan at tumango nalang 'tsaka isinarado ang pintuan. He did the same thing too pagkatapos ay pinaharurot nya na paalis ang kotse.
Saglit pa akong tumingin doon at nang humarap ako ay ang nanlalaking tingin na ni Marielle ang sumalubong sa akin.
"Paliwanag, bilis." she uttered.
I pouted and walk inside our house. Nakita ko si Faye na nasa sala na ngayon at nakangisi na sa akin.
"Where's Daddy and Kuya?"
"Wala pa, mag oover night kami dito ah!" si Faye. Tinignan ko ang mga tinuro nyang bag na nasa gilid ng sala.
The excitement filled my heart. Hindi ko inaasahang muli naming magagawa ang mga ganitong bagay pagkalipas ng halos ilang taon.
"Hoy, paliwanag! Damot mo ah!" napalingon ako kay Marielle nang muli syang magsalita.
"N-Nag offer lang," ngumuso ako.
"Oo, at inuwi pa dito ang kotse mo! Sosyal ah, nagpapauwi lang ng kotse sa isang Lux,"
"Sya ang may gusto non, 'no. Hindi ko kaya inutusan,"
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Pumikit sya at pinagsalikop ang dalawang kamay 'tsaka tumingin sa kisame. Nagkatinginan kami ni Faye habang tumatawa sa kanya.

BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Novela JuvenilMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?