Chapter 1

200 33 15
                                    

Thief

"Oo, oo, uuwi nga kami ngayon, ano ba? Don't stress me out Rodulfo.. Oo nasa airport na kami everything is settled. Wag ka ng mangielam." I heard my Mom's litanny while talking to Tito Rodulfo.

Her voice was loud siguro'y nasanay sya na may sarili kaming sasakyan. Hindi nya na namalayan ang sariling boses dahil sa stress kay Tito.

"What's the matter mommy? Is there a problem po?" I looked at her as I asked.

"Ang kulit ng Tito mo Addison! Kinukulit nya ko dun sa agency na kumukuha sayo mag model at kinukwestyon nya pa kung bakit daw tayo umuwi. Ayoko ngang isabak ka sa mga ganun kababang agency, hell no!" galit na galit sya at naglilingunan na ang mga tao sa loob ng eroplano. Ako ang nahihiya para kay Mommy dahil parang wala sya sa katawan nun.

Naririnig ko ang mga taong nag bubulungan. Tila pinag uusapan si Mommy dahil masama ang tingin nila dito. May iba pang nagrereklamo dahil nagising yata pero hindi magawang komprontahin si Mommy. Pakiramdam ko naman ay hindi naririnig ni Mommy ang sinasabi ng mga tao dahil masyado syang busy sa pagrereklamo.

Nagsalita ako para maibsan ang pagkainis nya at malaman nyang may kakampi sya. "Tell Tito na ayaw ko kasi I'm still fifteen po, and I'm not ready for it." I said softly.

"Yes hija. I will."

She smiled at me. Pinikit nya na ang mga mata pagkatapos magtipa sa cellphone. Inilagay nya ang cellphone nya sa kanyang bag pagkatapos non. Tinitigan ko sya saglit habang nakapikit sya.

Namana ko sa kanya ang kaputian ko. Halos lahat sa kanya ko namana. But I'm not aware where I got my attitude. Malinaw na malinaw sakin ang pagkakaiba namin ni Mommy pagdating sa attitude. I wonder if I got the same attitude as my Dad. I haven't met him yet.

Mula nung nagkaisip ako, palaging sinasabi ni Mommy na wag ko ng hanapin ang Daddy ko. Matagal nya na daw kaming iniwan. Pinaulit ulit din sakin ni Mommy na inasawa sya ni Daddy dahil lang sa pera. Mahal ko ang Mommy ko kaya naniniwala ako sa mga sinasabi nya.

I'm fine with everything. Lahat ng meron ako, gusto ko. I have high class friends. I have personal maids. I can buy everything I want no matter how expensive it is. Lahat ng hilingin ko tinutupad ni Mommy as long as nakikinig ako sa mga bagay na gusto nya. Well, so far hindi pako sumusuway sa kanya.

Everyone thinks she was an evil but for me.. she's not. O baka dahil sa akin lang sya mabait. She's bad with words. Halos wala akong kaibigan dahil takot sa kanya. She can kill anyone just by looking at them. Kung hindi ko kilala si Mommy ay matatakot din ako sa kanya.

Though she's that bad at times.. she's still an angel for me. She loved me too much to the point that she was now overprotecting me. But it's fine because I understand her. Whenever she asks me if I'm fine on whatever she did.. I always says that I am because I know that'll make her happy. And that's what always matter to me.. to keep her happy.

She gave me everything.. Minsan kahit hindi ko hiniling, ibinibigay nya.

But even I live the life everybody wants, I can't be happy. I always envy poor people with happiness in their heart because they have complete family. Tuwing tinatanong ko si Mommy tungkol don, nagagalit sya sakin. Hindi daw dapat kainggitan ang mga mahihirap dahil wala namang kaiinggit inggit sa kanila.

But I can't help it. Mahirap itanggi ang sigaw ng puso, talagang naiinggit ako. Simula nung bata ako, pangarap kong tumalon talon sa park habang hawak nila Mommy at ng Daddy ko ang tag isa kong kamay. Pakiramdam ko ninakawan ako ng isang napakalaking bagay na hindi ko na mababawi.

Wala akong tatay.

I smiled bitterly ng makitang nakatingin pala sakin si Mommy.

"Are you okay Addy?" she asked, nag aalala. "Malapit na tayo sa Palawan, nahihilo ka ba?" dagdag tanong nya.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon