Chapter 6

103 29 4
                                    

Friend

Halos hindi nako nakatulog sa kakaisip. Kung puwede lang na tumalon ako sa bintana para tumakas, ganitong oras ay gagawin ko. Inaalala ko ang mga bagay na naisip ko tungkol sa kanya. I even asked myself if he really is a thief! I can't deny the fact that I doubted him. Pagkatapos nya kong pakitunguhan ng maayos, ayun ang iisipin ko sa kanya?

Umaga na ng matigil ako sa kakaisip. Nagising sa katok ni yaya na pinapababa nako para mag almusal. Hinihila na ako ng antok pero hindi ko magawang matulog muli dahil sa kagustuhang maligo na. Kinusot ko ng paulit ulit ang mata ko pero lalo lang akong inantok dahil doon.

Nang makabawi'y mabilis akong naligo at nagbihis na tsaka inayos ang sarili katulad ng itsurang gustong makita ni mommy.

"Good morning honey.." mommy greeted me with her full smile. Napangiti ako ngunit agad ding nawala iyon ng mapabaling ako sa katabi nya.

"Good morning Addison.." said by her boyfriend. I only nod.

Nag hain si Yaya ng pancake. Nagulat ako nang makitang hindi kumakain si Mommy ng rice. I'm not used to it. Hindi kasi uso sa kanya ang diet. She doesn't need to exercise too because she was born petite. Kahit gano karami ang kaini'y hindi tumataba. Well, same as me. Ang pinagkaiba lang namin ay halos hindi na ako kumakain.

"Mom you won't eat rice po?" I asked.

Hindi ko alam kung bakit pinandilatan nya ko ng mata. The man behind him chuckled then asked me.

"Bakit nag kakanin ba ang Mommy mo sa umaga?" he asked while smirking. I almost rolled my eyes but I stopped myself.

"Opo." matigas kong sagot at nakita nanaman si Mommy na pinandidilatan ako. Tumawa nanaman ang lalaking katabi nya. Sumimangot si Mommy.

"Akala ko ba diet ka.. hmm?" hindi sya pinapansin ni Mommy at nakatingin lang ito sa malayo

"Nakakainis ka Harbert."

"Hey Ayana... nagbibiro lang ako..." I looked away. Hindi kayang makita kung gano sila ka-sweet. Pakiramdam ko'y nagtatayuan ang balahibo ko. At aangat lahat ng laman ng tsan ko para maisuka ko.

Nag inarte pa si Mommy at patuloy ang panlalambing ng boyfriend nya habang kumakain. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagkain para mawala ang paningin ko sa kanila

"Yaya Joy paabot po ng syr--" natutop ko ang sariling bibig at pinigilang matawa. Tinignan ako ng masama ni yaya pero agad ding nawala nang titigan sya ni Mommy. Nagtataka siguro kung bakit ako natatawa.

Ayaw na ayaw kasi ni Yaya na tinatawag ko sya kasama ang pangalan nya. She said she hates her name. Tinatanong ko naman sya palagi kung bakit pero ang sinasabi nya lang ay hindi daw sya sabon and I don't get it. Sinusubukan ko pading banggitin ang pangalan nya paminsan minsan pero kukurutin nya ko ng pabiro kapag ginawa koyun.

Nagkatinginan uli kami, bumalik ang masama nyang tingin. Nanatili akong nagpipigil ng tawa. Pabalik balik ang tingin ni Mommy sa aming dalawa. Binaling ko sa pancake ang paningin. Sinubuan kong sumubo ng isa at baka mawala ang tawang kanina kopa pinipigil pero nang makitang nagpipigil nadin ng tawa si yaya ay hinayaan kona ang sarili kong tumawa ng malakas.

"Addison!" mommy called. I immediately covered my mouth with my left hand. I know what I just did isn't right but I can't help it. Kahit hanggang ngayon nga na seryoso na ang athmosphere ay natatawa padin ako.

Yumuko ako, pinipigilan padin ang tawa. Oh how I hate laughing at serious moments.

"Sorry mommy..." I apologized. Napalingon ako kay yaya na nagsorry din at tahimik na pumunta sa kusina.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon