Epilogue

173 24 0
                                    

Wakas

"Tarantado!" dinig na dinig ko ang inis sa boses ng magnanakaw na hinablutan ko.

Binilisan ko lang ang pagtakbo at mas lalo pang ngumisi.

Kitang kita ko ang miserableng mukha ng lalaking 'yon. Nanghihinayang siguro dahil nakuha sa kanya ang ninakaw nya. Well, that's not my fault that he's not as good as me.

Hawak hawak ko ang isang kulay itim na bag at hindi 'yon katulad ng iniisip mo.

Nang makarating sa bahay ay nakita ko si Nanay na nag aayos ng hapag-kainan. Lumapit ako sa kanya at nag mano. Pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng pagod ko sa pagtakbo nang makita ang pagod nyang itsura.

"Mayroon nanaman?" she asked me.

"Mamaya ko na ibabalik. Kakain muna po ako," tinignan ko sya pailalim. She can't look straightly at me. "Bakit ikaw ang gumagawa ng lahat, Nay? Nasaan si Tatay?"

"May ginawa lang siguro dyan.. alam mo namang iyong babaeng Vista ang nandyan sa hotel kaya mababa ang pasahod. Baka naghahanap lang ng ibang pagkakakitaan."

Ngumiwi ako. Naiinis dahil sa pinaniniwalaan nya. No, that's not that way. Sadyang nilalason lang ng tatay ko ang utak nya.

"Ibang babae ang hanap non." walang prenong sabi ko.

"Shan." her voice stopped me. I just nod.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang ginagawa ng Tatay ko. Balibalitang pinopormahan nya 'yong dalagang byuda sa kabilang baranggay. May anak pa. He's a womanizer. Though, I have no choice but to obey all the things he want. Kahit pa gusto kong komprontahin sya'y hindi ko magawa dahil sa takot kong iwan nya kami.

Naikumyos ko ang kamao ko at basta nalang tumayo sa upuan. Tumunog pa 'yon dahil sa lakas ng galaw ko. Wala na akong ganang kumain.

"Shan!" my mother looked at me pleadingly. Nag-igting ang panga ko dahil hindi ako makapalag tuwing pinipigilan nya akong komprontahin ang ama ko.

"Ibabalik ko lang 'to, Nay." tukoy ko sa hinablot ko. "Tapos papalaot na ako."

Hindi ko na sya inintay magsalita. Lumabas ako ng bahay at bawat taong nakikita ko ay nadadamay sa galit ko dahil sa masamang tingin na iginagawad ko sa kanila. My fire just won't stop.

I lied. Hindi ako papalaot ngayong araw. I'll go to him and ask him what are his plans. Ilang araw na syang hindi nag-aabot ng pera kay Nanay. He's lying! Hindi totoong maliit ang pasahod ng babaeng Vista! I heard it with both of my ears!

Ngumisi ako nang maalala kung paano akong tinignan ng babaeng 'yon. Her eyes were cruel as hell. It has it's own empire, but since I'm doing what she's doing.. I know what type of person she is.

A pretender.

"Tigilan mo ako Lucas! I won't let you see her!"

Mariin ang sigaw ng babaeng Vista sa kaharap nya. Nasa pasilyo sila ng hotel, doon sa tago. I looked at the man she's talking with. Kung pagmamasdan ay walang kasing buti ang itsura ng lalaking 'yon. Kitang kita ang pagmamakaawa sa mga mata. But, we never know. If those eyes were true, or just like what anybody's had been doing, maybe, those eyes were also lying.

"Just, let me see her! Ilang taon na ba siya? Bakit naman kasi hindi mo sinabi sa akin?" the man tried to reach her hand.

Napangiwi ako. Nakikita kung gaano kapamilyar ang mga ganitong eksena. Katulad na katulad nang kung paanong magmakaawa lagi ang aking ina sa walang awa kong ama.

Mga walang-awa.

Or maybe... I'm just being a judge of the wrongs of mine and agreeing to it without anybody's permission. Because the lady Vista cried.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon