Feelings
I never thought I'll be this true to myself again. Akala ko, habang buhay na akong magpapaloko sa sarili ko. I thought I'm contented with everything. That I'll be fine with my life, without him.
Maybe I'm wrong then? Kasi, kahit paulit ulit kong itanggi, hinahanap ko padin ang lakas nya. Pakiramdam ko habang buhay na akong magiging mahina kaya kailangan ko sya. He's my strength and my only kryptonite. Paano akong babangon kung hulog na hulog na ako sa hinukay nya para sa akin?
I looked up to him, deretso ang tingin nya sa daanan habang buhat buhat ako. Ang isa nyang kamay ay nasa ilalim ng tuhod ko at ang isa naman ay nakasuporta sa likod ko.
I don't know where are we going but why do I feel so safe?
Is he my safe zone, then?
"K-Kaya ko namang maglakad," mahina ang boses ko.
He didn't looked down on me. Patuloy syang naglakad sa kalamigan at dilim ng gabi. Mahigpit ang pagbitbit sa akin. Tumutulo sa damit ko ang tubig na galing sa buhok nya pero hinayaan ko na iyon.
I looked at his dangerous eyes. Iyong mga mata na walang kasing galing mag tago ng sikreto. Iyong mga mata na kahit ata lumipas ang ilang siglo, pipiliin ko.
I closed my eyes. Hinayaan ang sarili na namnamin ang sandali. Alam na alam na hindi ito magtatagal.
Iminulat ko lang iyon nang maramdaman kong inihiga nya ako sa isang malambot na bagay. Nakita ko nalang na nasa isang kama na ako.
"Wait here, I'll cook for us,"
Humawak ako sa matigas nyang braso 'tsaka ko sinubukang salubungin ang tingin nya. His eyes was gentle, binigyan nya ako ng mga nagtatanong na tingin kaya lumunok ako.
"Uh, busog pa ako,"
Tinignan nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya kaya mabilis ko iyong binitawan.
"Sweets?" he asked, almost a whisper.
"I'm on my diet," magaan kong sambit.
Tumango sya pagkatapos ay muling tumayo. He went to the veranda so I sat there like a new guest.
Pinagmasdan ko ang kwarto. Puting puti iyon, hindi nalalayo sa kwarto namin nila Marielle. There was a large flat screen TV in front of me. Kinuha ko ang remote at binuksan at ang unang tumambad sa akin ay ang balita.
Kasabay ng pag sabi ng weather forecast na magkakaroon ng matinding pag ulan ay umihip ang malakas na hangin. Hinanap ko ang switch ng ilaw sa loob ng kwarto pero hindi ko iyon makita.
My eyes drifted on the glass door at the veranda when it opened. Iniluwal non si Shan na ngayon ay suot na ang puting t-shirt. Deretso ang tingin nya sa akin. Hindi inaalis kaya bahagya akong umiwas ng tingin.
I can't see his face well because of darkness. The only thing that is clear to me is the madness on his eyes. Alam ko, galit pa din sya sa akin. Then maybe, we should talk about that?
"K-Kumain ka na?" hiyang hiya kong tanong.
Tumango sya at umupo sa paanan ng kama. He turned off the TV then his attention drifted on me.
"I bought you pairs of pajamas. Malamig, magpalit ka,"
Ngumuso ako 'tsaka pinagmasdan ang suot ko.
"This is fine.."
"Okay,"
He leaned forward to kissed my forehead. Napapikit ako sa ginawa nya. I just suddenly want to be kissed by him, unstoppable. Ganoon ang dulot ng simpleng halik nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/188863109-288-k629870.jpg)
BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Fiksi RemajaMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?