Missing
Napaka ingay ng buong beach kinabukasan. All of us girls was on the long wood table at sa kabila naman ang mga lalaki. Ang tahimik naming bungisngisngisan ay natatabunan ng maingay na tawa sa kabila. They were talking about how they won the game and they were so happy that's why ganoon sila kaingay.
"Hinabol nya ako sa probinsya namin, then he asked me to be his girl so I said yes.." coach Cristine giggled. Ikinukwento sa amin kung paano sila nagkatuluyan ni coach Erick at kung gaano sya kabaliw dito.
"Grabe coach, tinanong kalang, oo ka agad?" sabi ng isa sa mga teammates namin. Seryoso sya sa tanong habang ngumunguya ng kinakain.
Tumawa ang ibang team mates ko at inasar din si coach. Nahihiya naman nag angat ng tingin si coach sa kanya tsaka inilagay ang takas na buhok sa likod ng tenga gamit ang isang kamay. Ang isa kasi'y gamit para kumain.
They were all eating using their hands at ako lang ang nag iisang gumagamit ng kutsara. Inabot kami ng ilang minuto bago kumain kakaturo nila sa akin kung paano ang pagkakamay. Ngunit pakiramdam ko'y mababalian nalang ang mga daliri ko'y hindi padin ako matututo. Sa huli'y pinagamit nalang ako nila ako ng kutsara.
"Of course not!" nilakihan kami ng mata ni coach tsaka sya bumungisngis. "Naging kami dahil sa laro! May kalaban sila non sa probinsya namin na sobrang galing. Sabi nya sa akin, kapag nanalo sila, dapat daw sagutin ko sya." she lowered down her voice then she spoke again. "Eh.. gustong gusto ko sya, kaya ayun.. sinagot ko nung nanalo nga.." she bit her lower lips and we all laughed because of her cuteness.
Marielle laughed hysterically. Nasamid pa kaya ang iba sa amin ay nataranta. Pinainom namin sya ng tubig pero nang mahimasmasan ay tumawa uli. Napailing ako. Nahulaan ko agad ang gagawin nya pero bago ko pa sya mapigilan ay nagsalita na sya. At sobrang lakas non!
"Edi maglaro din kayo Addison!"
Sinamaan ko sya ng tingin. Lahat sila ay sinimulang asarin ako at mas lalo akong nainis nang makita kong kasali din si coach sa pang aasar. Paulit ulit kong iniilingan ang mga sinasabi nila pero mas lalo lang silang natutuwa sa itsura ko pag naiinis.
Sa ingay nila'y nagtinginan ang mga lalaki sa akin at sa hiya ko'y bahagya akong tumalikod sa gawi nila. Coach Cristine told his boyfriend that it's all just because of our girly talk. Tumango naman ito pero kumabog ang dibdib ko ng bumaling sya kay Shan at may sinabi doon habang tumatawa.
Tinitigan ko si Shan na ngayon ay deretso na ang tingin sa akin. Pailalim ang tingin nya na iyon tsaka sya ngumisi habang ngumunguya at pagkatapos ay pinakinggan ang sinasabi ng kausap. Iniwas ko sa kanya ang paningin ko tsaka ko muling pinakinggan ang bungisngisngisan ng mga team mates ko.
"Hindi pala kayo?" tanong ni Zaiah, pinsan sya ni Coach Cristine kaya parehas silang magaling maglaro.
Agad akong umiling. "No, we're just friends.." hindi ko maitago ang pait sa boses ko.
Tumango tango sila, tila ayaw nang manghimasok pero muli akong napapikit nang magsalita nanaman si Marielle. Wala talagang preno ang bibig.
"Ang sweet nyo nga kagabi!" muli syang tumawa at nang makitang seryoso ang lahat ay sumubo nalang muli sya uli ng kanin.
Naging nakakailang ang athmosphere. Hindi ko alam kung ako lang ang nahihiyang magsalita pa o talagang lahat kami dahil natahimik sila.
Faye started a new topic, tungkol iyon sa laban namin next week. While I was left thinking again. Kinalabit ako ni Marielle atsaka sya nagsalita ng walang tunog pero basang basa ko ang sinasabi ng labi nya.
"Sorry.." she pouted. Tumango ako sa kanya. Sanay naman na talaga ako sa mga ganong biro nya pero hindi ko alam kung bakit kakaiba sa akin ang isang 'yon.

BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Teen FictionMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?