Evil
Umalis sila coach para panoorin ang CCTV kasama ang mga lalaki. We are not allowed to come because of the boy's privacy. Tuloy ay naiwan kami doon na madaming tanong sa sarili. Sinabihan na din kami ni coach na ngayong araw na ang uwi namin. Of course we all want to stay here but we can't cause of what happened.
"Kawawa si Shan, 'no?" si Faye habang inililigpit ang mga gamit nya.
Hinarap ko sila dahil bahagya akong nakatalikod sa gawi nila. Nakatingin sa akin si Faye. Siguro'y naghihintay ng sasabihin ko.
"Ang haba ng pasensya nya. Kung ako sya, baka dumudugo na mukha ni Kian ngayon." maaksyong sabi ni Marielle. "Kulang kulang naman evidence ni Kian pero kung makapag bintang.."
Napayuko ako sa mga sinasabi nila. I'm sure they didn't here that I told Shan to just admit what he did. Pinapahirapan nanaman ako ng konsensya kong mag isip. Kung ganon lang din naman ang sinabi ko sa kanya'y parang pinag bintangan ko na din sya. Wala akong pinag kaiba kay Kian.
"Ayos kalang Megs?" Faye asked. I looked at her sadly. Sinusubukan kong itago ang nararamdaman ko pero hindi ko na kaya. Kailangan ko ng makukwentuhan nito.
"I didn't do anything for him.." yumuko ako. Umupo sa kama at itinigil saglit ang ginagawa.
Faye came closer to me. She sat on my bed and Marielle did the same thing too. Bumuntong hininga silang dalawa tsaka ako nagsimulang payuhan. Like what besties should be.
"Lahat naman tayo walang nagawa." si Marielle.
I shooked slowly. Napatingin silang dalawa sa akin. Hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag at ng makayanan iyon ay sinabi ko sa kanila ang mga sinabi ko kay Shan kanina. They both looked shocked. Hindi man nila sabihin pero sigurado akong wala ang kampi nila sa akin ngayon.
"Maybe it really just because of your past.." Faye whispered. Tinignan ko si Marielle at tumango sya sa akin.
Hindi ako makapaniwalang naiintindihan nila ako. My eyes watered because of that. I hugged them both and they gave me the tightest hug I could ever get. Lalo akong naiyak sa yakap nila. Alam kong alam nilang mali ako dahil talaga namang mali ang ginawa ko. I know that they're not tolerating me. They just here to comfort me and to lightened up what I'm feeling.
"But I'm still wrong.." I pouted.
Marielle held my hand then she smiled at me. "Nagkakamali naman tayo lahat, just say sorry to him. Maiintindihan ka nya."
Nabuhayan ako sa mga sinabi nila kaya ng pinalabas na kami ay nilakasan ko ang loob ko. The boys and our coaches was there. Coach Cristine looks serious. Miminsan kolang syang makitang seryoso dahil kahit sa practice ay masiyahin sya. Iyong tipong parang ayos lang na magkamali ka kahit isang daang beses pa.
"We're here to say that Shan didn't stole anything.." she started.
All of my team mates shared their opinion. I heard that almost all of them didn't really blamed Shan kahit pa kung ano ano ang sinabi ni Kian tungkol dito. Lalo tuloy akong nakonsensya.
I looked at Shan but he was not looking at me. Deretso ang tingin nya sa kung saan. He look so serious but like always, I didn't see any emotion on his face now. Ang mga mata nya'y tila napakaraming iniisip.
"Kian already apologized for what he did pero napag desisyonan naming kailangan nyang magpaliwanag at humingi din ng tawad sa inyo." bumalik ako sa reyalidad sa sinabi ni coach.
Kahit noong nagpapaliwanag na si Kian ay hindi padin ako makapaniwala. Gustong gusto kong panoorin ang CCTV. Hoping that coach Erick just forgot he put the money somewhere. Na sana ay wala nalang may kasalanan.

BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Ficção AdolescenteMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?