Fiesta
Niyaya nya akong sumama sa bahay nila. Sabi nya'y tama na daw ang nahuli nyang isda para sa araw nayon. I looked at all the fish inside the bucket his holding. Masyado naman atang marami ang dala nya? Kahit pa sabihing malakas syang kumain ay totoong sobrang dami non.
"Lahat ng yan para lang ngayon?" tiningala ko sya nang hindi na matiis na magtanong. Bahagya pakong nasilaw dahil sa araw na nakadirekta samin. Siguro akong ang singkit kong mata ay hindi na kita dahil sa pagkunot ng noo ko. Nawala ang mahapding pakiramdam na dulot ng araw dahil hinarangan nya iyon nang yumuko sya.
"Oo."
Nagtaka ako lalo nang makitang may mga banderitas na sa mga nadadaanan namin. Nakasabit iyon at may iba't ibang kulay. Nagkalat din ang mga turistang naka pustura at may flower crown sa ulo. Magagandang babae ang nagkalat sa mga nadadaanan namin. Out of curiosity, I looked at Shan to see if he's also looking at the girls in front of us, but I'm wrong.
Deretso lang syang nakatingin sa dinadaanan. Napanguso ako. Pinipigilan ang ngiti na hindi ko alam kung para saan.
Crazy bitch.
Almost all the people here greeted us as we walked by. Shan greeted them back while I was just smiling shyly. Happiness is plastered on their faces. Halos may kanya kanyang ginagawa ang bawat isa sa kanila. Ang iba'y nag aayos ng lamesa na nasa tapat ng kanilang bahay at may lamang iba't ibang klase ng pagkain.
"Anak, madaming huli?" salubong samin ni
nanay Babs.Tumango si Shan at pinapasok na ni nanay Babs ang mga isdang nahuli. Pinauna ako ni Shan na pumasok sa loob bago sya sumunod sakin. Nakita ko ang dalawa nyang kapatid sa mumunti nilang sala at nakitang nanonood ang mga iyon ng TV. Parehas pa na makulay at bulaklakin ang suot ng dalawa. Nilapitan nya ang dalawa at parehong hinalikan sa noo. Samantalang si nanay Babs naman ay nanatili sa labas. Sabi'y aayusin nya daw ang kubong pagkakainan namin mamaya. Naalala kona kung anong meron. Sinabi nga pala sakin ni Shan na ngayong araw ang fiesta.
Dumiretso si Shan sa kusina. Nilabas nya ang lahat ng nahuli nya kanina at hinugasan iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil nakatayo lang ako don habang pinapanood sya kahit pwede naman akong tumulong.
"You know how to cook?" I asked.
Deretso ang tingin nya sa ginagawa, ayaw paistorbo. Bihira lang sa mga lalaki ang marunong magluto kaya nadagdagan nanaman ang mga bagay na hinahangaan ko sa kanya. Bumaling sya sakin para sagutin ang tanong ko.
"Hmm?" alam ko kung ano ang gusto nya. Tinagalog ko nalang ang sinabi kahit alam kong naiintindihan nya naman yun. Natatawa sya tuwing nagsasalita ako at hindi ko alam kung bakit. "Oo naman." sagot nya.
"I see.. uh, gusto mo akong tumulong?" I asked as I watched him sliced the vegetables.
"Marunong ka magluto?"
"H-Hindi, but I I know how to slice.." I smiled sweetly at him to cover the embarrassment I'm feeling. He looked away. Napanguso ako, siguro'y minamaliit nya na ako sa utak nya.
"Ako na. Panoorin mo nalang ako." he said with finality.
Tumango nalang ako at pinanood sya. Umupo ako sa isang upuan sa harap ng kanilang lamesa atsaka nakapangalumbaba syang pinagmasdan. He sliced the vegetables with master skills. Mabilis syang kumilos, akala mo'y hinahabol ng kung ano. Siguradong kung ano ang maghihiwa ng mga gulay ay bukas pa kami matatapos.
Natawa ako sa naisip. Baliw talaga.
He looked at me then he raised his eyebrows. As if asking me what am I thinking. Umiling lang ako habang natatawa padin. Bumalik sya sa ginagawa. Nang hindi na makatiis ay tumayo na ako. Sinubukan kong silipin ang ginagawa nya at nakitang hinihiwa nya na ang isang isda sa gitna.

BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Teen FictionMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?