Boss
I remained looking at the unending darkness beside me. Ayaw tumingin sa kanya. Ramdam ko ang pananatili nya doon, hindi umaalis.
I don't know what to do. My knees were trembling but I have to stay cool. Ayokong isipin nyang may epekto pa din sya sa akin.
Inipon ko lahat ng tapang ko para maharap sya.
I looked directly on his dangerous eyes but I immediately looked away again. Pakiramdam ko'y napapaso ako sa nag aalab na galit doon. Hindi ko alam kung tahimik talaga ang madilim na gabi o sadyang wala lang akong ibang marinig bukod sa kabog ng dibdib ko.
"T-Thank you.." I said stuttering. Wala ang paningin sa kanya.
Yumuko ako para lampasan sya pero mabilis nyang nahagip ang kamay ko. Binawi ko agad sa kanya 'yon 'tsaka ko sya hinarap ng may iritasyon sa mga mata.
"Sasakay na a-ako sa kotse ko,"
He remained serious. I can't see any emotion in his face. Masyadong madilim ang paligid at ang mga mapanganib nyang mata ay lalo akong tinatakot.
"S-Salamat dito, aalis n-na ako.." I whispered slowly.
Pero hindi iyon ang ginawa ko. Pinagmasdan ko syang maglakad papunta sa kotse nya at buksan ang passenger seat non.
"Get in," he commanded.
Mabilis akong umiling. Takot na magkaroon ng kung ano mang interaksyon sa kanya.
"I have my own c-car," I reasoned out.
"Sira ang kotse mo," he said simply.
My lips opened a bit because of what he said. How did he know?
Hindi na ako nakapag salita nang sa mabilis na paraan ay hawak na nya ang bag ko. Napanguso ako habang sumusunod sa kanya. Pinapakiramdaman ang sariling kaba.
I entered in his car. It's a Roll-Royce Sweptail. Hindi ko maitago ang pagkamangha ko.
His life now was still different from mine. Very far. Ang yaman nang pamilya ko'y wala pa sa kalahati ng yaman nya. I know because I did researched about him. He owns a branch of his own restaurant in each country he went. Hindi biro ang sipag nya.
Narinig ko syang tumikhim at basta nalang ibinigay sa akin ang bag nang hindi ako binibigyan ng tingin. He started the engine of his car so I start panicking.
"Yung kotse ko!"
"Ipapakuha ko," he said simply.
Lalo akong ngumuso. Ibig sabihin magkikita pa kami uli?
Fuck, Megan Addison! May girlfriend yan! Umayos ka!
I shifted at my seat. Para akong bulateng inaasinan dahil hindi ako komportable sa upo ko sa sasakyan nya. Takot na magasgasan 'yon dahil parang mas mahal pa ata sa akin ang kotse. Shit. Nababaliw na ako.
"Uh, sa D-Diamonds mo nalang ako ibaba.." tukoy ko sa isang restaurant malapit sa kompanyang papasukan ko na branch din nito.
He didn't replied. Binilisan nya lang lalo ang pagmamaneho. Pakiramdam ko'y mas kinakabahan na ako sa presensya nya kesa sa interview.
I'm not sure if the company will still give me a chance! I'm almost an hour late dahil ang usapan namin ng former secretary ng kompanya'y 7:30 ang schedule ng interview nya sa akin pero alas otso na'y hindi padin ako nakakarating!
He stopped when we're already infront of the restaurant. Ang dilaw na ilaw non ay tumagos sa kotse nya kaya naaninag ko ang mukha nya. He's still not looking at me kaya napayuko ako.
BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Fiksi RemajaMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?