Chapter 35

85 27 0
                                        

Back

Nagising ako sa isang mainit na umaga. Ang araw ay tumatama sa mismong mukha ko at 'yon siguro ang talagang gumising sa akin. It hurts a bit. Kinusot kusot ko ang mata ko, sinusubukang pawalain ang antok na nararamdaman.

I looked up the clear sky which is visible now because of our big window kung saan tanaw ang labas. Tirik na ang araw at sa palagay ko'y hindi na basa ang paligid katulad kahapon. Maybe, the storm ended. Bumaling ako sa katabi ko pero nagulat ako nang makitang wala na doon si Mommy.

Napatingin ako sa maliit na lamesang nasa harapan ko. It's a table for two and a fresh breakfast was prepared on it. Napangiti ako nang malanghap ang mabangong amoy non.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Mommy na nasa kusina. She was busy doing something at sigurado akong hindi nya naramdaman ang presensya ko. I hugged her from behind and I know that shocked her a bit. When she finally recovered, she held my hand slowly while chuckling.

"Go and take a bath," seryoso nyang utos.

"Kain na po muna.."

"Wala akong anak na dugyot, Addison. Take a bath first or just at least brush your teeth,"

"Arte," umirap ako habang natatawa.

I did what she said. Nang matapos ay nakita ko sya sa kwarto namin kaharap ang pagkain. She's taking a picture of the food. I wonder where will she send it. Sigurado naman akong wala na syang social media accounts for her safety so I am wondering now. Ano 'yon, tambak lang sa gallery?

"Do you have a boyfriend, Mom?" I raised a brow.

Lalo kong naitaas ang kilay ko nang mabilis nyang ibaba ang cellphone nya. Like as if she's not expecting that I'll see her doing that.

"No, I don't have."

"Let me see your phone, then." inilahad ko ang kamay ko.

She rolled her eyes. Defeated.

Ibinigay nya sa akin ang cellphone nya at ang lumabas doon ay ang Instagram account nya. It's empty like how it should be. Sino nga ba namang gustong matakot kung mag popost sya gayong akala ng lahat e patay na sya?

But what shocked me the most is when Dad's name pop up because of a text message. Napatingin ako kay Mommy, nagtataka. I waved her phone in mid air, asking for an answer.

"G-Gusto kolang ipakita sa kanyang hindi kita ginugutom at mas masarap ang mga pinapakain ko sayo," muli syang umirap 'tsaka iniwas ang paningin.

My lips rose. Paulit ulit kong tinaas ang isang kilay ko. To show her that I agreed, well.. sarcastically. Pilit kong tinatago ang nagbabadya kong ngiti.

"Okay, then." ngumiti ako at humarap na sa pagkain.

"Your mind is dirty! As if ako naman ang unang nag text!" she said hysterically, defending herself.

Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa kaya hinayaan ko na ang sarili ko.

"You are over reacting! Naniwala naman na ako ah?" I chuckled.

"Yung utak mo!" nilakihan nya ako ng mata. "Sinigurado ko lang na hindi ako mukhang kawawa sa sasakyan nya mamaya!"

"Oh, Dad has a Bugatti, Mom. Don't worry,"

Pinagmasdan ko ang reaksyon nya at talagang inaasahan ko na doon ang pagkagulat. But she immediately change her expression. She gave me a disgusted one.

"Stop fooling around, Addison."

"Meron nga po!"

"Ugh! And where did he get that?"

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon