"Evie!"
Irita ko namang nilingon ang mga kaibigan ko na ngayon ay kakagising lang, ang iba ay kakaligo at nagpapatuyo ng buhok sa sala.
"Oh?!"
"Matagal pa ba 'yan?! Gutom na kami!" Dinig kong sabi ni Tily.
"Ay, wow, nadamay pa kami." Sabi ni Kira at pumasok sa kwarto nila ni Addie.
"Kayo na nga pinapakain, papamadaliin n'yo pa. Alam n'yo inaabuso n'yo yung pag-aaral ko ng Culinary." Nakangiwi kong nilagay ang niluto ko sa lamesa. Umupo na rin ako roon at sinabayan si Tily kumain.
"Saan ka pupunta, Addie?" Nakita ko s'yang nag-aayos ng buhok at hawak ang heels n'ya.
"May casting mamayang 9am. Dadalin ko na 'tong gamit ko sa school para 'di na'ko babalik." Sabi n'ya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili.
Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagdadaldalan. Wala rin naman akong ikukwento at madalas kapag nagkukwento sila ay hindi ko agad nagegets dahil madalas lutang ako. Natawa na lang ako sa isiping 'yon.
"Luh? Tumatawa mag-isa parang tanga." Sabi ni Tily.
"Tumatawa lang e!" Asik ko at sumubo sa pagkain ko.
"Gala tayo mamaya." Aya ni Kira.
"Sige." Pag-sang ayon naming lahat.
Mabilis naman na natapos ang pang-umagang klase namin. Umalis rin si Addie nung break namin sa morning class para makahabol s'ya sa casting. Nandito kami ngayon sa street food sidewalk sa labas ng school at dito kumakain ng lunch. Nakatingin lang ako sa cellphone ko dahil nagyayayang mag-ML 'tong si Harry.
"Sunod sunod defeat mo ah! Haha, bulok!" Pang-aasar ni Addie kay Harry.
"Kung makapang-asar ka kala mo naman Mythic! Ni hindi ka nga makaalis sa grandmaster e!" Bawi ni Harry.
"Epal! Porket Legend kana!"
"Tara 1v1." Panghahamon ni Harry.
"Sige, 'pag natalo manlilibre!" Sabi ni Addie.
Tahimik lang akong pinapanood silang magbangayan sa harap ko habang naglalaro. Napapailing na lang ako tuwing halos magsigawan na sila habang naglalaro. Nilingon ko naman ang gate ng school nang makarinig ng ingay doon. Nakita ko si Caleb kasama ang iba pa n'yang kaibigan na sina Gello at Jeremiah.
Nakita kong sumenyas s'ya sa kanila na lalapit sa amin kaya binalik ko ang tingin sa mga kasama ko. "Oh! Talo ka!" Nang-aasar na sabi ni Harry kay Addie.
"Oy, manlilibre daw si Addie!" Anunsyo n'ya. Napatingin naman ang mga kaibigan namin sa kan'ya.
"Ang kapal ng mukha mo! Akala ko ba, ikaw lang!" Sabi ni Addie.
"Share your blessings." Sabi ni Harry.
"Mukha mo!"
"Dali na! Ikaw nagsabi na manlibre tapos ayaw mo." Pangongonsensya ni Harry.
"Ito na! Tara doon sa convenience store!" Sabi ni Addie at naglakad na papasok doon.
Manlilibre raw s'ya ng ice cream dahil busog na rin naman kami at babalik na rin maya-maya sa klase. Napaigtad naman ako nang may biglang umakbay sa akin.
"Tahimik mo naman." Sabi ni Caleb.
"Tahimik naman talaga ako e." Sabi ko. Sabay sabay naman akong nilingon ng mga kaibigan ko at tinaasan ako ng kilay.
"Weh?!" Inirapan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Anong flavor gusto n'yo?" Tanong ni Addie.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.