Chapter 3

84 6 2
                                    

Nagtaka ako nang mapansing nasa Makati na kami. "Ba't tayo nasa Makati?" Tanong ko.

"Dito 'yung pupuntahan natin." Sabi n'ya.

"Ah, okay." Sabi ko at sumilip sa bintana.

"Madalas ka ba dito?" Tanong ko.

"I'm always in Makati. This is where I usually shoot mv's, recording sessions and stuff."

"Talaga?" Sabi ko at nilingon s'ya. "Kalayo kaya nito sa school. Tapos magdadrive ka pa pauwi. Ano araw-araw ka nagdadrive mula school to Makati tapos 'pag uuwi ka Makati to BGC ganoon?"

Sa pagkakaalam ko ay sa BGC ang condo n'ya at malayo layo rin talaga kung pumupunta pa s'ya ng Makati bago umuwi. Hindi ba 'to naawa sa pera n'ya pang-gas? Ang mahal pa naman.

"Oo." Sagot n'ya.

"Rip gas money." Sabi ko na ikinatawa n'ya lang.

"Tara." Inalalayan ako ni Caleb papasok sa recording studio.

May kalakihan 'yon at may naabutan pa kaming ilang artista na malamang ay kakatapos lang. Ang iba ay nakilala pa ako dahil kay Lexi. Madalas kasi ay sinasama n'ya kami sa mga parties at premiere ng mga kilala n'yang artista. Ewan ko ba parang laging nangangandidato 'yon at ang dami daming kilala. Parang si Kira lang din.

Binati muna sila ni Caleb bago kami nagpatuloy sa paglalakad. "Hey, bro."

Sabay naman kaming napatingin nang marinig ang boses ni Gello. Nginitian n'ya ako at sinenyasan rin si Jeremiah na lumapit sa amin. Naglakad sila papalapit sa amin ng kaunti at tinaasan ng kilay si Caleb.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ni Caleb.

"Manonood. Ichecheer ka namin bro." Sabi ni Jeremiah at kasunod ang tawa.

"Loko, bro nagpractice pa ng choreo 'yan si Gello." Sabi n'ya at humagalpak ng tawa.

Natawa naman ako at kumapit sa bag ko. "May cheerleader na palang dala, kaya 'di na tayo kailangan." Nagtatampong sabi ni Gello.

Tinapunan ako ng tingin ni Jeremiah at ngumiti. Inalok n'ya sa akin ang kamay n'ya at nagpakilala.

"Jeremiah. Miah na lang." Nakangiting sabi n'ya.

Ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay n'ya. "Everleigh. Evie na lang, masyadong mahaba e."

Napatingin naman kami kay Caleb nang tumikhim s'ya at nakatingin sa kamay naming magkahawak. Binalik ko ang tingin kay Jeremiah nang dali-dali n'yang alisin ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Gello." Sabi ng isa n'ya pang kaibigan at inalok sa akin ang kamay habang may nakakalokong ngiti na nakasilay sa labi.

Ngumiti ako pabalik at tinanggap ang kamay n'ya. "Evie."

"So, are you dating?" Tanong ni Gello.

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Caleb. "We will be."

My eyes widened and immediately looked at him before looking back at Gello.

"Uh- no! We're friends, I guess." Agap ko.

Nakangiwing tumatango tango kuno si Gello kahit na halatang hindi n'ya tinatanggap ang sagot ko. "Friends. Friends ah, friends. Miah, tandaan mo." Sabi n'ya at nilingon pa ang kaibigan.

"Friends." Sabay nilang sabi at tumatango pa.

Napaigtad ako dahil sa biglang paghapit ni Caleb sa bewang ko. "Let's go." Malamig n'yang sabi.

"Hala, gusto ko pa mabuhay." Dinig kong sabi ni Gello.

"Napikon! Loko ka, bro." Sabi naman ni Miah.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now