"Ang daming tao." Sabi ko.
Nandito kami ngayon sa Trinoma dahil dito gaganapin ang mall show ni Caleb. Nasa unahan kami, malapit sa stage. Dito kami pinapuwesto ni Caleb para makita raw n'ya kami agad. As if namang makikita n'ya kami sa dami ng tao dito.
"Malamang!" Sabi ni Nica.
Nag-umpisa naman na ang event at iilang artista rin ang nakita namin bago lumabas si Caleb. Naka-suot lang s'ya ng plain white shirt at maong pants pero ang lakas pa rin ng dating. Hindi na rin ako nagulat nang lumabas s'ya ay halos dumagundong ang buong mall dahil sa lakas ng tilian ng mga babae. Kung illegal lang talaga ang pagiging gwapo, matagal na s'yang nakulong.
Sinimulan naman n'ya ang pagkanta at mukhang may hinahanap dahil lumilinga linga s'ya. Napangiti naman ako nang magtama ang mga mata namin at ngumiti s'ya ng malapad. Natawa na lang ako nang kindatan n'ya ako at umiwas ng tingin.
Mas nakadagdag sa kagwapuhan n'ya ang maputing kulay ng balat. Mapula ang labi n'ya na para bang laging may lip tint. Natural na mamula mula ang matambok n'yang pisngi. Hindi naman ganoon kalaki ang katawan n'ya, hindi rin naman payat. Naalala ko pa noon na nagcocontest kami kung sinong unang tataba bawat buwan.
"Labis na naiinip." Panimula n'ya sa sunod na kanta. "Nayayamot, sa bawat saglit."
"Kapag naalala ka." Nag-init naman ang mukha ko nang lingunin n'ya ako at hindi umiwas. "Wala naman. Akong magawa."
"Kinikilig si Evie!" Sabi ni Nica at tumawa ng malakas.
Tinakpan ko naman ang mukha ko nang lingunin rin ako ng iba naming mga kaibigan. Hindi naman ako kinikilig ah! Slight lang! Slight lang talaga.
"Hindi!" Sabi ko at umiwas ng tingin.
Pagkatapos n'yang kumanta ay bumalik ang host ng event sa stage at inanunsyo na pwedeng umakyat ang isang fan para magtanong ng kahit anong gusto nilang malaman kay Caleb. Tahimik kong kinuha ang cellphone ko at tinapat sa direction ni Caleb ang camera.
I did a boomerang but before I even stopped the boomerang he looked at it and smiled. Natawa na lang ako at tinignan 'yon. Napangiti ako at pinost sa IG story ko. Nilagyan ko rin ng caption na 'You did good!' at may pusong emoji sa tabi.
I didn't bother to mention him 'cause for sure he won't even see this. Binalik ko naman ang tingin sa stage at nakitang may isang babaeng fan na ang nandoon. Binigay ng host ang mic at inantay ang sasabihin ng babae.
"May girlfriend ka po ba ngayon?"
Mabilis ko namang natakpan ang tenga ko dahil sa malakas na sigawan ng mga tao. Nakita kong natawa lang si Caleb at nagpumeywang. Ang lakas pa rin ng sigawan ng mga tao kaya halos wala na akong maintindihan sa pinagsasasabi ng host. Pagtapos nito bingi na'ko putek.
"Well..." Sabi ni Caleb at parang nag-isip. "I might have." Nagsigawan nanaman ang mga tao dahil sa sagot n'ya.
Might? Paanong might? Nililigawan n'ya ganoon? Sino naman kaya? Sana all. Charot.
Tahimik na lang ulit akong pinanood ang kabuoan ng event kahit halos mabingi na ako dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao. Napangiti na lang ako habang nililibot ang paningin sa buong venue. Ang iba ay may trampaulin pa ng itsura ng mga artista, ang iba naman ay nakikita kong may maliliit na banner at ang iba ay nakalagay kung saan pa sila galing.
Nakakatuwa makakita ng mga taong ganito. 'Yung 'di bale nang gumastos sila, masuportahan lang ang mga iniidolo nila. Binalik ko naman ang tingin kay Caleb at nakitang nililibot n'ya rin ang paningin bago binaling sa akin. Nang matapos ang event ay sinabi n'yang mauna na daw kami sa Korean Restaurant dahil mag-uusap pa daw sila ng manager n'ya.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.