"Babe, I have news."
Nandito kami ngayon sa tapat ng street food cart na lagi naming pinagbibilhan. Kababalik lang ni Caleb dahil umalis s'ya saglit at may tinawagan s'ya.
"Ano?" Tanong ko at kinagatan ang isaw na hawak ko.
"I already found a producer who is willing to help you release the song." Sabi n'ya at kumain na din.
"Talaga?" Nanlaki ang mata ko.
Tumango naman s'ya at ngumiti. Muntikan ko namang maitapon ang pagkain ko nang tumili si Lexi na nasa likod ko na pala.
"Ah! Omg, omg, omg!!" Sabi n'ya at nakatingin sa cellphone n'ya.
"Ano ba?!" Inis na tanong ko.
"Wait, I called someone na kakilala ko and... you won't believe what I just knew!" Sabi n'ya.
"Ano?" Tanong ko.
"I found a manager that will manage you! Omg! I'm so excited!" Sabi n'ya.
Nanlaki naman ang mata ko at umawang ang labi. Papaanong nakahanap agad s'ya ng ganoon kabilis e, kagabi ko lang naman sinabi sa kanila 'yung plano ko? Well, I guess perks 'yon ng pagiging 'Alexandra Lopez'.
"Wala akong pambayad sa kan'ya ah!" Sabi ko.
"Stupid! Of course, I know that, so I used my charm and yeah, she will let you pay the moment you get your money." Sabi n'ya at kumindat pa.
Napailing na lang ako at hinayaan sila. Ang sabi ni Caleb ay after class ay may meeting daw ako kasama ang producer. Pinilit pilit ko pa s'yang samahan ako dahil kinakabahan talaga ako. Nang makarating kami sa building ay napatingin ako kay Caleb at hinawakan ang kamay n'ya. Nanginginig pa ako kaya nilingon n'ya ako at hinalikan sa noo.
"You can do it. I'll be with you." Sabi n'ya.
Huminga naman ako ng malalim at tumango. Naglakad na kami papasok hanggang huminto kami sa tapat ng pinto ng conference room. Nakagat ko naman ang ibabang labi at mas humigpit ang hawak sa kamay ni Caleb. Nginitian n'ya ako at binuksan na ang pinto.
Pagpasok namin ay nakita ko ang manager ni Caleb at isang babae at lalaki. Naglakad naman na kami palapit sa kanila at umupo doon sa bakanteng upuan. Nagpakilala pa kami bago naupo muli.
"Hi, I'm Belle. Your potential manager." Pakilala ng babae.
"I'm Sean and I'll be your producer for the song." Sabi ng lalaki.
"Hi, Evie." Nilingon ko naman si Mama Yna at nginitian.
"So, can I see the lyrics?" Tanong nung producer.
Kinuha naman ni Mama Yna ang copy at inabot sa producer. Napatango tango naman s'ya at nilingon si Caleb na ngayon ay nakasandal sa upuan at halatang inaantay ang sasabihin n'ya.
"Do you have any idea what the tune will be?" Tanong sa akin ng producer.
"Oh, I don't. But, Caleb has." Sabi ko.
Lumipat naman ang tingin ng producer kay Caleb. "Can I hear it?"
Nilingon naman ako ni Caleb bago nilipat ang tingin kay Mama Yna. "Can I please borrow a guitar?"
Tumango naman si Mama Yna at lumabas. Nag-antay lang kami saglit at pagbalik n'ya ay may dala na s'yang gitara. Kinuha naman na ni Caleb iyon at inusog ang upuan para magkasya ang gitara.
Tinest n'ya pa iyon kaya nag-strum s'ya at pinihit ang tuning keys. Nang maiayos n'ya na ay nagsimula na s'yang magstrum at gumawa ng tunog.
Napatitig naman ako sa kan'ya at hindi maiwasang lihim na mapangiti. Nang matapos ang kanta ay nilapag n'ya ang gitara sa tabi n'ya.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.