"To be with me? Alam mo, nagsasayang ka lang ng oras. Ang dami mo pang ibang pwedeng gawin kaysa samahan ako dito e." Sabi ko.
"But, if I'm that friend of yours. Papayag ka." Sabi n'ya at umirap na para bang naiinis.
Lihim naman akong napangiti nang makitang nakaiwas lang s'ya ng tingin at mukha talagang nabubwisit s'ya. Nagseselos ba s'ya?
"Don't look at me like that." Sabi n'ya na mahinang nagpatawa sa akin.
"Inaano ba kita? Tinitignan lang naman kita." Natatawang sabi ko. "Selos ka 'no?" Panunuya ko.
"Don't ask 'nagseselos ka 'no'. You know the answer." Sabi n'ya at nilingon na ako.
"No, I don't." Sabi ko.
"Yes, you do." Sabi n'ya.
"Marunong ka pa?" Natawa naman s'ya at napailing na lang.
"So, how's your study date with your friend?" Kumunot naman ang noo ko doon sa sinabi n'ya.
"Study date? Hoy, hindi 'yon date ah!"
"E ano 'yon?" Tanong n'ya.
"Ewan ko. Pero, hindi date 'yon. Friendly date siguro." Sabi ko.
"It's still a date."
"Mukha mo, date!" Nginiwian n'ya lang ako at umiwas ng tingin.
Napasimangot naman ako nang hindi ko nanaman maintindihan ang lesson na binabasa ko sa Gen Math. Napaisip naman ako kung anong pwedeng gawin kaya ginamit ko ang palad ko para kunwaring salukin ang nakasulat sa libro at ipahid sa ulo ko.
"Sana maintindihan na kita." Ulit ulit kong bulong habang pinapahid ang palad sa ulo ko.
"You look like you're doing a ritual." Caleb chuckled.
"Bakit ba?! 'Di ko maintindihan e."
"Is that math?" Tanong n'ya.
"Oo."
"Can I see?" Tanong n'ya. Inabot ko naman ang libro ko sa kan'ya at tumaas ang kilay ko nang makitang parang nagets na n'ya agad.
"Gets mo na agad?" Tanong ko.
"Yeah." Simpleng sagot n'ya at binalik sa akin ang libro.
"Ang daya! Kanina pa ako dito pero hanggang ngayon 'di ko pa gets tapos ikaw na halos 5 mins mo lang binasa gets mo na!"
"Ano bang ginagawa mo para maintindihan 'yan?" Tanong n'ya.
"Sinosolve ko 'yung numbers na nakalagay sa question." Sabi ko.
"Wrong. Kaya 'di mo maintindihan e." Sabi n'ya.
"E paano ba dapat?" Tanong ko.
"First, understand the problem. Then, write the equation tapos tsaka mo pa lang i-sosolve 'yung problem."
"Ah, ganoon ba?" Paniniguro ko.
"You don't believe me?"
"Medyo hindi." Nakangiwi kong sabi na nagpairap sa kan'ya.
"Try it then." Sabi n'ya na ginawa ko naman.
"Alam mo dapat sa'yo ako gumawa ng ritual e para makuha ko 'yung utak mo sa math."
Sabi ko bago ko sinimulang basahin ang tanong pero napakamot agad ako sa ulo ko.
Ano ba naman 'to. Send brain, 'yung marunong sana sa math.
"Kainis. First step pa lang sumasakit na ulo ko. Ba't 'di kasi n'ya intindihin sarili n'yang problema?! Sakin pa pinapaintindi." Reklamo ko.
"You want to pass, right? Then, continue." Napangiwi naman ako nang magsalita si Caleb.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.