"Malapit na 3rd Anniversary n'yo ah? Anong plano n'yo?"
Nasa sala kami ngayon ni Nica at nag-uusap nang ibring up n'ya ang topic. Ngayon ko na lang din naalala na isang linggo na lang tatlong taon na kami.
"Hindi ko pa alam." Sabi ko at umiwas ng tingin.
I'm so busy thinking about the Broadway Contract. Hindi na maalis sa isip ko iyon. Tama si Belle, malaking impact iyon sa career ko. Pero, tulad noong nangyari sa Lolo at Lola ko, I don't want to lose anyone for my dream. Mukhang kakayanin ko naman dito sa Pilipinas 'diba? Hindi ko naman siguro kailangan umalis.
1am na pero hindi ako makatulog. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko, kahit 'yung kay Andrei na mag-iisang taon na ay hindi pa rin mawala sa isip ko. Nahihirapan rin ako sa pag-alis ni Addie pero pinipilit ko na lang na huwag nang pansinin iyon dahil alam kong ang pinaka-hirap dito ay si Kira.
Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig pero natigilan ako nang may kumatok. Nilapag ko muna ang baso ko sa mesa at naglakad papunta doon. Nagulantang ako nang makita si Caleb na nakatayo doon at pagbukas ko ay dali-dali n'ya akong niyakap, sinandal n'ya ang noo n'ya sa balikat ko at mahigpit ang yakap sa bewang ko.
"Babe, are you okay?" Tanong ko at pilit s'yang pinapaharap sa akin pero ayaw n'yang umalis sa pagkakayakap.
Tumigil naman ako sa pagtulak sa kan'ya nang marinig ang tahimik n'yang paghikbi sa balikat ko. Nagbadya na rin naman ang luha sa mga mata ko nang maramdaman ang luha n'ya sa balikat ko. Ngayon ko lang s'ya narinig na umiyak ng ganito. He looks... in pain.
"I'm tired, love..."
Napalunok naman ako at hinaplos ang likod n'ya para sana pagaanin ang pakiramdam n'ya. Niyakap ko na lang din s'ya ng mahigpit.
"Tired of what?" Tanong ko.
"Of everything." Sabi n'ya.
Tumulo naman ang luha sa mata ko at pinilit ang sarili kong 'wag ipahalata sa kan'ya na umiiyak ako. "Pati satin?" I did my best to stifle a sob.
"No, don't think that way, p-please." Sabi n'ya at kumalas na sa yakap. "I-I'm sorry for disturbing you... I- just.."
Tumalikod s'ya at pinunasan ang luha bago humarap sa akin at sarkastikong tumawa. Napailing din s'ya at kinagat ang labi para pigilan ang sariling maiyak muli.
"I'm l-lost..." Sabi n'ya.
"What?" Takang tanong ko.
"Nothing. Have a good night, I love you." Sabi n'ya at naglakad paalis.
Hindi ko maintindihan kung bakit pero nang makaalis s'ya ay napaiyak na lang din ako. Both of us are tired, pareho kaming may pinagdadaanan. Huminga na lang ako ng malalim at umupo sa couch. Inisip ko na lang lahat ng nangyari at kung paano kami umabot lahat sa ganito.
"I'm not going."
Nakayuko ako habang sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi na ako tutuloy sa New York. Hindi ko kakayanin, masyado akong maraming iiwan na responsibilidad. Hindi ko pa kayang mag-isa.
"What? Evie, we're okay. Kami na bahala sa Mom mo, don't worry." Sabi ni Lexi.
"I-It's not just that. I- uh, don't want to lose people." Sabi ko.
"Evie..." Tawag sakin ni Nica.
"Kakayanin ko naman maging succesful kahit dito lang sa Pilipinas e." Sabi ko.
"P-pero, once in a lifetime opportunity lang iyon." Sabi ni Tily.
"I k-know, pero kasi-"
"Evie, walang mawawala kung susubukan mo. Kung nag-aalala ka na iiwan ka ng mga taong mahal mo dahil mas pinili mo ang para sa sarili mo, you're wrong. Hindi ka namin iiwan." Putol sakin ni Tily.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.