"Evie, naman! Ba't 'di ka nag-iingat?! Alam mo namang may possibility na atakihin ka tapos nagpagabi ka pa doon. Ano ba 'yan?!"
"Wow, Thylane ah. Kung pagalitan mo'ko mas matindi ka pa sa nanay ko." Sabi ko kay Tily at inayos ang laptop ko.
Gusto kasi nila magface time dahil hindi raw mapakali kanina pa si Tily nang malaman na nastuck kami ni Caleb sa library. Gamit ata nila ang laptop ni Lexi dahil number ni Lexi ang tumawag sa akin kanina.
"Minsan ka na nga lang mag-aral, ikamamatay mo pa." Sabi pa ni Tily.
"So, anong nangyari? Wala bang kababalaghan?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong ni Lexi.
"Lexi ang tanga. Hinika na nga si Evie tapos ieexpect mo pa na may kababalaghan." Sabi ni Addie.
"Wala, okay?! Tsaka, teka nga saan kayo galing ba't gan'yan suot n'yo?" Tanong ko nang makitang glammed up sila.
"Kasi naman, dapat pupunta tayo ng club kanina at aantayin ka na lang namin pero sinabi ni Michael kay Addie 'yung nangyari sa inyo kaya hindi na kami tumuloy." Sabi ni Nica.
"Oh, ituloy n'yo na. Okay naman na ako e tsaka bukas uuwi na rin ako d'yan." Sabi ko.
"Wag na! Ala una na, may pasok pa bukas." Sabi ni Kira.
"Oh, ba't parang badtrip ka?" Tanong ko.
"Paano kasi hindi pinansin ni Capt." Sabi ni Nica.
"Capt? Ano, piloto?" Tanong ko.
"Ay, Evie ang slow." Sabi n'ya.
Napaisip naman ako at napatango tango nang marealize kung sino ang tinutukoy nila.
"Kira, wala ka talagang mapapala doon. Walang alam 'yon sa mga ganoong bagay." Sabi ko.
"Basta, gusto ko pa rin s'ya." Sabi n'ya na nagpairap sa akin.
"Oh, ayun pa 'yung isang hopia oh." Turo ni Nica kay Lexi na nakasimangot at nakatingin sa cellphone n'ya.
"Tigilan n'yo nga ako." Sabi ni Lexi na ikinatawa lang ni Nica.
"Sige na. Bukas na lang ulit. Bye, I love you guys." Sabi ko bago inend ang tawag.
Sinara ko naman na ang laptop at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa ceiling nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita si Mommy doon.
"Hey, anak." Sabi n'ya at umupo sa kama.
Umupo rin ako at tinignan s'ya.
"Yes?" Tanong ko.
"Tell me. Ano talagang nangyari?" Tanong n'ya.
"Well, not much that you don't know. Pero, nag-aaral kami tapos nag-cr lang ako saglit tapos lalabas na dapat ako kaso biglang namatay 'yung ilaw, hindi ko na mabuksan 'yung pinto tapos hinika na ako." Sabi ko.
"What did he do?" Tanong n'ya.
"Nung una sinabi ko sa kan'ya na kailangan ko 'yung inhaler tapos hindi n'ya maipasok sa loob, ang ginawa n'ya nagpasok s'ya ng plastic sa ilalim tapos doon pinump 'yung gamot kaso kulang so ang ginawa n'ya winasak n'ya 'yung pinto." Pagkukwento ko.
"Oh my. Sana pala hindi ko s'ya pinagisipan ng masama nung una." Sabi n'ya.
"But he's a good guy, Mom. A gentleman to be honest." Sabi ko.
"Hmm, why do I get the feeling that you like him?" Tanong ni Mom.
"Ha?"
"May gusto ka ba sa kan'ya?" Tanong n'ya.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.