"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makarating kami sa kotse ni Caleb.
"Laguna."
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Wala lang. Friday naman e. We can come back on Sunday." Sabi n'ya.
"Pero-"
"I already told your parents and friends and they said yes." He cut me off.
"Okay, paano 'yung gamit ko?" Tanong ko.
"Lexi took care of it. Nasa loob na nga e." Turo n'ya sa backseat ng kotse.
Sinilip ko naman 'yon at nakitang dalawang duffle bag 'yon. Kumunot ang noo ko at napailing na lang bago binalik ang tingin kay Caleb.
"Bakit si Lexi? Kilala mo naman 'yon, laging overpacked." Sabi ko.
"Hayaan mo na. Let's go." Sabi n'ya at pinagbuksan ako ng pinto ng shotgun seat.
Pumasok naman na ako at pumunta na rin s'ya sa driver's seat. Kinuha naman n'ya ang phone sa bulsa at pinatong sa phone holder n'ya roon sa kotse at nilagay sa Waze.
"Ako na lang kaya magdrive." Alok ko.
"Why?" Tanong n'ya.
"Pagod ka e." Sabi ko.
"Ikaw din naman." Sabi n'ya.
"Ako ba nagperform?"
"Fine. Let's switch." Sabi n'ya at lumabas ng kotse habang ako naman ay humakbang lang.
Pagkasuot ko ng seatbelt ay tinignan ko muna ang oras at nakitang 11:30 na. Tinignan ko naman s'ya at nakitang nagsusuot na s'ya ng seatbelt.
"Matulog ka muna." Sabi ko.
Tumango naman s'ya at nirecline and car seat. Pinagana ko naman na ang makina ng sasakyan bago nag-simulang magdrive. Sa tansya ko ay dalawang oras mula Arena hanggang Laguna kaya baka makarating na kami roon ng mga ala-una o alas-dos. Tinignan ko naman ang lugar na pupuntahan namin na nakalagay sa Waze at nakitang isa sa mga resort nina Andrei ang pupuntahan namin.
Nang ipark ko naman ang kotse nagising na rin si Caleb. Alas dos na at inaantok na rin ako. Pagbaba namin ng kotse ay kinuha ko na muna ang mga gamit ko habang si Caleb kinuha rin ang kan'ya at naglakad na kami papasok. Mabuti na lang at sanay ako sa puyatan kung hindi ay baka hindi kami umabot ng Laguna.
Pagpasok namin ay si Caleb na ang kumausap sa receptionist since s'ya naman ang nag-book. Pagdating namin sa suite ay may nakita akong dalawang kama roon. Hinubad ko lang ang sapatos ko at binaba ang mga gamit ko at humiga na sa kama. Nadinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Caleb bago ko nadinig ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Nagising naman ako ng mga alas otso at nakita si Caleb na inaayos ang pagkain na nasa lamesa. Nang makita n'ya ako ay ngumiti s'ya saglit bago bumalik sa ginagawa. Pumasok na muna ako sa banyo at naligo. Nagsuot na lang muna ako ng tshirt at maong short.
"There's a lot of lakes and falls here. We can visit them if you want." Sabi n'ya habang kumakain kami.
"Sige." Sabi ko. "Puntahan na natin lahat ng pwede nating puntahan ngayon, uuwi na tayo bukas e."
"As you wish." Sabi n'ya at nagpatuloy sa pag-kain.
Nagsuot lang ako ng white crop top at shorts. Si Caleb naman ay naka white shirt at denim shorts. Natawa naman ako nang makita ang suot namin. Mukha nanaman kaming magjowa, hayop na 'yan.
Nagdala din kami ng dalawang duffle bag dahil nandoon ang mga extra naming damit. Mabuti na lang at dinalhan pala ako ni Lexi ng limang swimsuit. Dinala ko na rin lahat 'yon at iba pang damit.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.