Chapter 4

85 6 6
                                    

"Ha?!" Tanong ko.

"I-ikaw? Kung ano sa'yo, 'yun na lang rin akin." Sabi n'ya at umiwas ng tingin.

"Ah, sige." Sabi ko at binalik ang tingin sa counter.

Bumili na lang ako ng dalawang strawberry flavored ice cream at inabot sa kan'ya ang isa. Habang kumakain ay niyaya ko s'yang pumunta sa Nike dahil trip kong bumili ng sapatos. Sumama naman s'ya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang s'ya tutal hindi n'ya rin naman bibitawan.

Pagdating namin doon ay pumunta agad ako sa women's shoes. Sumukat ako ng ilan bago pinili ang white shoes na may pink sa gilid gilid. Natuwa rin ako doon dahil umiilaw ang pink accents n'ya kapag madilim. Kinuha ko rin ang white and peach sandals na puti ang ilalim at peach ang taas.

Pumunta na rin ako sa mga damit doon dahil si Caleb ay busy sa pamimili n'ya ng basketball shoes. Mukhang hindi talaga nauubusan ng pera 'tong lalaking 'to.

Napailing na lang ako at tinuloy ang pamimili ng damit. Napili ko naman ang cropped pink hoodie na may kasamang shorts at high-waisted na sport leggings. Lumapit muna ako kay Caleb, dahil gusto kong sabay na kaming magbayad dahil ngayon pa lang ay parang naiiyak na ako sa presyo ng babayaran ko.

Napamaang ako nang sabihin n'yang tatlong sapatos ang bibilhin n'ya. Kawawa naman bank account n'ya, o baka hindi rin.

"Alam mo kukunin kitang ninong 'pag nagkaanak na ako." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa cashier.

"Bakit?"

"Ang yaman mo e! Parang barya lang sa'yo 'yung libo." Sabi ko.

"Pwede ba naman 'yon?!" Tanong n'ya.

"Alin ang pwede?"

"Sabi mo kukunin mo akong ninong, pwede palang maging ninong 'yung tatay." Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa sinabi n'ya.

"Sira!"

Pagdating namin sa cashier ay sabay kaming nagbayad dahil wala rin namang ibang nakapila at dalawa rin ang cashier. Halos sabay lang din kaming natapos kaya nagkatinginan kami. Natawa ako nang makitang pareho ang naiisip namin. Sinabi muna namin sa cashier na huwag muna sabihin kung magkano ang babayaran namin.

"You hear, how much I have to pay then I'll hear yours. Okay?" Sabi ko.

Tumango naman s'ya at napalit na kami ng pwesto. Tatlong sapatos 'to kaya malamang mahihilo ako sa laki ng babayaran n'ya. Lumapit naman sa akin ang cashier at binulong ang presyo ng babayaran n'ya. Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko nang marinig 'yon.

Lumapit naman kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sinong mauuna.

"15,000."

"12,100."

Parehong nanlaki ang mga mata namin dahil sa presyo. 12,100?! 10k lang cash ko! Buti na lang dala ko ang debit card ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag pero ang mahal!

Natawa na lang kami at nagbayad. Nakanguso tuloy ako habang papalabas kami. Ang mahal! Malalagot nanaman ako kay Daddy 'pag chineck n'ya sa katapusan ng buwan kung ilan nakaltas sa card ko.

Sinimulan n'yang gawin 'yon noong nag-high school ako. Binigyan na n'ya ako ng sariling bank account na nakapangalan sa akin pero tuwing matatapos ang buwan ay inaalam n'ya kung ilan ang nawala doon.

"Huy, ang haba na ng nguso mo." Sabi n'ya at tumawa habang nakaturo sa labi ko.

Nginiwian ko lang s'ya at umiwas ng tingin. Nakita ko s'yang tumingin sa wrist watch n'ya at tumaas ang kilay nang makita ang oras.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now