Chapter 22

53 6 0
                                    

"Will you give free tickets?"

Nandito kami sa club ngayon sa BGC at itong mga kaibigan ko ay nag-yayayang uminom para icelebrate ang upcoming concert ko. Ininom ko naman ang inabot ni Nica na San Mig bago tinignan si Lexi.

"Oo. Sa inyo lang siguro." Sagot ko.

Tumango naman s'ya at nagsimula nang mag-iba ng topic. May crush daw s'yang football player sa school na lagi raw n'yang nakikita tuwing dismissal sa field. Alam n'ya raw ang pangalan dahil madami daw silang common friends at iniistalk n'ya din sa Facebook at Instagram.

"Nginitian n'ya nga ako kahapon sa Pop up e!" Nakangiting sabi n'ya. "Kasi 'diba, I was there to celebrate with the SSG officers tapos-"

"Wait, where the heck is Pop up?" Tanong ni Tily.

"In Katipunan. Basta, just listen to my kuwento!" Sabi pa ni Lexi. "So, yeah, I was there drinking nga tapos I didn't expect naman na he's also there tapos I think he saw me kaya nung nilingon n'ya ako he smiled!"

"Nagkausap naba-"

"Oh my gosh! He's here! Don't look, don't look. Omg!" Putol ni Lexi sa sasabihin ni Nica.

Sabay naman kaming napalingon ni Tily at Nica dahil kami ang nakatalikod ng pwesto.

"Gaga! I said don't look! Omg, ano ba 'yan!" Hinila pa ni Lexi ang mga buhok namin para pigilan kami.

Napatango naman ako nang makitang familiar ang mukha nung crush n'ya. Nakikita ko rin s'ya sa field pero tuwing lunch naman. Binalik ko na lang ang tingin kay Lexi na ngayon ay nilalagok na ang bote ng beer n'ya.

"Akala ko ba, may something kayo ni-"

"Shh! Hindi ko naman s'ya type e." Sabi ni Lexi at humalukipkip.

Nakakailang kwento pa si Lexi bago nag-iba iba na ang nagkukwento at topic namin. Kanina lang ay mga lovelife tapos naging tungkol sa makeup maya maya naging pagkain naman. Saka ko lang napansin na nag-order na pala ng maraming alak 'tong si Lexi.

Naubos na agad namin ang dalawang bucket at namumula na si Kira malamang s'ya ang pinaka-unang babagsak mamaya. Mukhang tinatamaan na rin naman si Lexi dahil mukhang magpapa-unli drinks s'ya. Napansin ko naman na si Addie ay parang masusuka na dahil s'ya ang kanina pa tuloy tuloy na umiinom.

Kinabukasan, kailangan kong pumunta ng school kahit walang pasok dahil may meeting lang kami ng trainer namin sa cheering squad. Dumaan na rin ako sa bahay nila Addie dahil may pinapakuha s'yang hindi ko alam kung ano dahil medical term pa ang ginamit n'ya, ang sabi n'ya lang ay kailangan n'ya iyon para sa isang class n'ya.

Nasa coffee shop daw s'ya malapit sa condo namin kaya nang mag-park ako doon ay dumiretso na ako sa kan'ya. Pagpasok ko ay inabot ko na at umupo saglit sa upuan na nasa harap n'ya.

"May kasama ka?" Tanong ko.

"Jowa mo tsaka isang blockmate namin." Sagot n'ya nang hindi tumitingin sa akin.

"Ah sige. Alis na ako ah, kita na lang tayo mamaya." Paalam ko at tumayo na.

"Okay, ingat." Sabi n'ya nang hindi pa din tumitingin sa akin dahil busy s'ya sa mga libro n'ya.

Nang makalabas ako ay nakita ko ang si Caleb na kabababa lang ng kotse. Naramdaman n'ya sigurong may nakatingin sa kan'ya kaya lumingon s'ya sa gawi ko at mukhang hindi inaasahang nandito ako. Lumapit naman s'ya sa akin at ngumiti bago hinalikan ang pisngi ko.

"Hey." Bati n'ya.

"Nasa loob na si Addie." Sabi ko.

"I know. Late na nga ako e." He chuckled. "Why are you here?"

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now