Hanggang pag-uwi sa condo ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi n'ya. Napangiti na lang din ako, oo nga 'no, college pa lang kung ano ano na mga gusto kong gawin at makuha... pero ngayon nasa harap ko na.
The next morning, I needed to stop by the hospital to pick up some of my Mom's lab results before going to the gym. I also need to buy her some meds that she needs to take. Since the hospital has a pharmacy it became more convenient for me.
"Thank you." Nakangiti kong sabi sa pharmacist nang iabot n'ya ang binili kong gamot.
Maglalakad na sana ako paalis nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kumunot naman ang noo ko nang makitang si Kira ang tumatawag.
"Hello?" Bungad ko.
"Sa condo daw mamayang 7pm." Sabi n'ya.
"Bakit? Anong mayroon?" Tanong ko.
"Wala lang."
"Sige, pupunta ako." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Pinasok ko naman sa bag ang phone ko at napatingin sa gawi ng emergency room nang makarinig ng ingay doon. May dinalang lalaki roon na galing ambulansya kaya siguro ay naging busy ang mga naka-assign sa ER. Tumabi naman ako sa gilid para hindi ko maharangan ang mga dadaan.
"Call Doc Illustre."
Napalingon naman ako sa nurse na kausap ang isa pang nurse habang aligaga sa pagkuha ng mga kailangan ng pasyente.
"Nag-rorounds pa s'ya. Kailangan s'ya sa ward kanina." Sagot ng isang nurse.
May sasabihin pa sana ang isang nurse nang biglang magsalita ang lalaki na paparating.
"I'm here. Where's the patient?"
Lumingon ako sa likod ko at nanlaki ang mata nang makita si Caleb. He's wearing his doctor attire and his hair is brushed back while his eyes are full of concern.
Caleb Joseph D. Illustre, MD
Lihim naman akong napangiti nang makita ang nakalagay sa coat n'ya. I knew he'll get that, aminin ko man o hindi proud ako sa kan'ya.
"Nasa ER po." Sagot ng nurse.
Dali dali namang pumunta si Caleb doon at dahil nasa pagitan ako ng ER at pharmacy kaya dinig ko pa din ang mga usapan nila sa ER. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinapanood ko si Caleb, he looks very passionate in what he does.
"We need to perform a surgery immediately." Sabi ni Caleb at binalik ang stethoscope sa leeg.
"But, Doc, it can be risky. Baka maubusan ng dugo ang pasyente." Sabi ng isa pang doctor.
"Ask the family members if anyone would match his blood type. If we don't operate him now, it'll lead to much worse." Kalmadong sabi ni Caleb.
Sinenyasan naman ng kausap n'yang doctor ang nurse na gawin ang inuutos ni Caleb. Umiwas na lang ako ng tingin nang maglakad s'ya palabas ng ER at nakita akong nakatayo malapit. Binalik na lang din n'ya ang tingin sa daan at dali-daling naglakad paalis.
"Evie? Hey," Nag-angat naman ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko. It was Clyde. "Kumusta? Why are you here?"
"Hey," I smiled. I looked at his coat and saw the name on it like Caleb's. "Kumuha lang ako ng lab results tsaka gamot ni Mommy."
"Right, how's your Mom?" Tanong n'ya.
"Recovering." Nakangiting sabi ko.
"That's good. Anyway, Kuya was here a while ago. Nagkita ba kayo?" He asked.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.