Hanggang mag-linggo ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag enjoy at sulitin ang oras namin sa Subic. Tuesday na ngayon kaya mayroon nanaman kaming pasok, sumabay na lang ako kay Lexi tutal nasa Casa pa ang kotse ko dahil naflat ang gulong nito kahapon.
Maaga akong nakarating sa school dahil kailangan ko pang mag-aral. Dumiretso ako sa library at doon binasa ang libro ko. Nakaka-trenta minutos pa lang ata ako biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na may chat sa akin si Caleb kaya in-open ko kaagad.
c_Illustre: I saw you in the library earlier. Do you want to study later?
chlvrlgh: sure. kailangan ko din tapusin 'yung research ko e. ikaw?
c_Illustre: We have an exam tomorrow in physics and it's frustrating.
chlvrlgh: good luck na lang. basta, 'wag mokong aasahan roon at physics ang magiging cause of death ko.
c_Illustre: funny.
Natawa na lang ako at binalik sa lamesa ang cellphone bago nagpatuloy sa pagbabasa. Nang makita ko na 10 mins na lang bago ang klase ay dali dali akong umalis ng library at pumunta sa first class ko.
May mga dinagdag nanaman na mga activities ang mga Prof ko kaya naisipan ko nang simulan ang iba ko pang activities mamaya sa library. Naging madali lang naman ang buong araw ng klase maliban na lang doon sa recitation sa Gen Math. Medyo nangamote ako roon pero mabuti na lang at 'yung mga madadaling tanong lang ang tinanong sa akin. Dumiretso naman ako sa library nang matapos ang klase at tinext si Caleb.
chlvrlgh: dito na ako.
c_Illustre: I saw you already.
chlvrlgh: where are you?
c_Illustre: in front of you.
Nag-angat naman ako ng tingin at nakita si Caleb na nakatayo at binababa na ang gamit sa mesa. Napatingin naman ako sa wall clock ng library at nakitang 6pm na. Hanggang 10pm lang bukas ang library kaya kailangan kong matapos o kahit makalahati man lang ang mga dapat kong gawin at aralin.
"Parang ang busy mo ah." Sabi n'ya at umupo sa upuan na nasa harap ko.
"Oo. Malapit na mag-exams e kaya tambak sa activities." Sabi ko at binuklat ang isang libro ko.
"Did you tell your friends that you're coming home late?" Tanong n'ya.
"Hala, oo nga." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko.
Chloe Everleigh Palvin: Malalate ako ng uwi.
Thylane Amelie Merritt: Mga anong oras?
Chloe Everleigh Palvin: 10:30 or 11.
Kelsey Aira Hill: Bakit? May date ka?
Addison Nadine Aldridge: Ay, alam ko kung bakit.
Alexandra Eunice Lopez: O, bakit?
Addison Nadine Aldridge: May date sila ni Caleb.
Chloe Everleigh Palvin: Gaga! Hindi, 'wag nga kayong nagpapaniwala d'yan kay Addie. Mag-aaral lang kami ni Caleb sa library.
Addison Nadine Aldridge: Pareho lang 'yon.
Napailing na lang ako at pinatong sa mesa ang cellphone. Sinimulan ko nang basahin ang notes ko at gawin ang mga activities ko. Nilabas ko na rin ang tablet ko na nadidikitan ng keyboard para doon mag-research. Si Caleb ay mukhang busy rin sa mga binabasa n'ya kaya hindi rin kami nagpapansinan.
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.