Chapter 18

44 6 0
                                    

"Ako?!" Nanlaki ang mata ko at mabilis na binalik sa kan'ya ang notebook.

"Yeah, why?" Kunot noong tanong n'ya.

"A-ayoko!" Sagot ko.

"Just think of it this way, if you sing this, you will get out of that prison you put yourself in. Plus, your first song is a song that I wrote. Please?"

Bumuntong hininga naman ako at tinitigan s'ya. "Hindi ko kaya."

"Then, we'll sing it together." Suhestiyon n'ya.

Talaga bang ganoon na lang n'ya kagustong mapilit ako? Parang lahat ng dahilan ko may bala s'ya e. Ang hirap naman kasi... gusto kong pumayag pero parang hindi. Basta, ang gulo!

"What if I mess up?" Tanong ko.

"You wouldn't know if you won't try." Sagot n'ya.

"W-what if people won't like me?" I asked.

"That doesn't matter. You shouldn't do something to satisfy other people, do it to satisfy yourself."

Napaiwas naman ako ng tingin at huminga ng malalim. Tama s'ya. Pero, hindi naman kasi ako sanay sa limelight. Hindi ko alam kung papaano ang mundo nila doon. Paano kung hindi pala s'ya kasing ganda at kasing ayos ng inaakala ko?

"You're thinking too much, babe."

Napukaw naman ang atensyon ko nang magsalita sya. "No rush. You can think about it."

"What if-"

"Cut those 'what ifs'. That won't help you." Putol n'ya sa sasabihin ko.

"Paano kung sabihin ng iba, ginagamit lang kita?" Tanong ko.

"I don't care. I'm telling you, bashers come and go. You can't please everyone, Chloe." Nakagat ko naman ang labi ko nang tawagin n'ya ako sa first name ko.

"Fine. Pag-iisipan ko."

Buong maghapon naman kaming nagagala sa Manila at nang maggabi ay hinatid na n'ya ako sa lobby ng condo namin. Naka-krus ang braso ko sa tapat ng dibdib ko habang hinihintay matapos ang mga babaeng nagpapapicture sa kan'ya. Nang matapos sila ay lumapit na s'ya sa akin at akmang may sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone n'ya.

"Doc?" Bungad n'ya at lumayo ng kaunti pero naririnig ko pa din ang boses n'ya.

"Yes, I did my rotations for this sem and Ms Aldridge passed our research papers..." He brushed his fingers on his hair in frustration. "I was assigned to watch the procedure in the Surgery department and the senior's evaluation on my performance were good so I don't-"

Medyo matagal pa silang nag-usap at nang lumapit s'ya sa akin ay frustrated na frustrated na ang mukha n'ya. "Are you okay? Anong meron?" Tanong ko.

"Nothing. I have to go. See you tomorrow, I love you." Sabi n'ya at hinalikan ako sa noo at bago pa ako makasagot ay umalis na s'ya.

Kahit hindi n'ya sabihin ay alam kong may problema. Ano kaya 'yon? Pwede naman n'yang sabihin sa akin pero intindi ko na lang. Mas gusto n'ya sigurong sa kan'ya muna.

Pagpasok ko sa unit namin ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nanonood ng movie at tutok na tutok pa sila. May mga beer pa na nakatabi sa kanila pero halos hindi nila ginagalaw dahil busy sila sa pinapanood. Dumiretso naman ako sa kwarto at naligo na muna bago tumabi sa kanila doon.

Nang matapos ang movie ay nilingon ko si Addie na katabi ko ngayon. Baka alam n'ya kung anong nangyari kay Caleb. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Addie." Tawag ko. "May problema ba sa acads si Caleb?" Tanong ko.

Kumunot naman ang noo n'ya at mukhang napaisip. Nalaglag naman ang panga n'ya at nabitawan pa ang isang pirasong chip na hawak n'ya.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now