Hanggang pag-uwi ko ng unit ay tahimik lang ako at laylay ang balikat. Pupunta sana ako sa kusina nang marinig ang boses ni Kira at Caleb doon.
Nakatalikod si Caleb at nakasandal sa counter habang si Kira ay nakatayo lang.
"So, anong kind ng voice meron ka?" Tanong ni Kira.
"Well, I'm considered as a lyric tenor, with a warm and smooth timbre in voice." Sagot ni Caleb.
Sumilip naman ako at nakitang tumatango tango si Kira.
"Nililigawan mo ba 'yung kaibigan ko?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Kira.
"Well- uh..."
I cleared my throat when I walked towards the fridge. Nakuha ko naman ang atensyon nila pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Oh, Evie? Ba't ka nandito?" Kumunot naman ang noo ko nang marinig ang tanong ni Kira.
Nilabas ko muna ang pitchel na kinuha ko at pinatong sa counter kung saan nakasandal si Caleb.
"Unit ko din 'to 'diba? Malamang, uuwi ako." Sabi ko at uminom ng tubig bago akmang aalis.
"Evie, wait." Tawag ni Caleb.
Nilingon ko s'ya ng walang ekspresyon sa mukha. Nakita ko namang nawala ang ngiti n'ya at nagtaka.
"Ano? Wala ka naman palang sasabihin e. Alis na ako." Sabi ko at pumasok sa kwarto namin ni Tily.
Pagpasok ko ay napaupo ako sa kama ko at tumitig lang sa pader. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko. Para akong nalulungkot na hindi ko maintindihan.
"Nandito ka na pala." Napatingin naman ako kay Tily na kalalabas lang ng banyo at nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya.
"Nasa labas nga pala si Caleb." Sabi n'ya pa at umupo sa kama n'ya.
"Alam ko." Sabi ko at inalis ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko.
"Okay ka lang? May nang-away ba sa'yo? Tara, sugurin natin sama ko si Lexi." Sabi n'ya at parang handang handa nang makipag-away.
"Wala." Sabi ko at naglakad palapit sa banyo.
"Lalabas na lang ako mamaya 'pag umalis na 'yung bisita n'yo." Sabi ko at pumasok na.
Paglabas ko naman ay nakita ko si Lexi na nagcecellphone at nakaupo sa kama ko. Nilingon naman n'ya ako at binitiwan ang phone.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko at kinuha ang blower na nasa cabinet.
"Tily and Kira told me that you were not talking to them properly earlier. Anong problem?" Tanong n'ya.
"Wala, 'yung nagugustuhan ko lang kasi may nililigawan ata." Sagot ko at umupo sa kama.
"Ba't kasi isa lang crush mo? Dapat lima ganoon."
"Ang effective naman ng advice mo." Sarkastiko kong sabi.
Nang marinig kong nagpapaalam na sila kay Caleb ay lumabas na ako at umupo sa couch. Nakita ko naman na nagchat s'ya sa akin sa instagram pero hinayaan ko na lang.
"Huy, kanina pa 'yang phone mo ah. Tignan mo na baka importante." Sabi ni Addie nang marinig ang kanina pa tumutunog na phone ko.
Huminga na lang ako ng malalim at tinignan ang nasa screen. Nakaramdam naman ako ng guilt at lungkot nang makitang ang dami na pala n'yang messages sa akin.
c_Illustre: hey, are you okay?
c_Illustre: are you having a bad day?
c_Illustre: Evie?
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.