Kinabukasan, ako na ang nagpresinta na pumunta sa condo ni Caleb since hindi ko pa nakikita ang unit n'ya at unfair naman kung palagi na lang s'ya ang pumupunta sa unit namin. 8am ang flight namin at 5:30am ako nakarating sa building ng unit n'ya. Nasa kotse ko na rin ang mga gamit ko dahil kagabi ko pa 'yon inayos.
Nakasuot naman ako ng black sando top na pinatungan ng maong jacket at pantalon dahil malamig sa Bukidnon. Pagdating ko doon ay nagdoorbell na muna ako at mabilis n'ya namang binuksan.
Nakasuot lang s'ya ng tshirt at sweatpants, basa pa ang buhok kaya mukhang katatapos lang maligo. Nginitian naman n'ya ako at sinenyasang pumasok na ginawa ko naman. Umasta s'yang bebesohan ako pero inusog ko ang mukha n'ya.
"Hindi pa tayo, manahimik ka d'yan." Sabi ko at tumawa.
Umusog naman s'ya at ngumuso na parang bata. Natawa naman ako at inirapan s'ya. Sinundan ko naman s'ya ng tingin nang maglakad s'ya papalapit sa cabinet na nasa ilalim ng tv stand n'ya. May nakita akong susi sa kamay n'ya at nagtaka nang iabot n'ya sa akin 'yon.
"Ba't mo binibigay sakin 'to?" Tanong ko.
"So, you can come whenever you want." Sabi n'ya at naglakad palapit sa couch kung nasaan ang gamit n'ya na hindi pa tapos ayusin.
"Paano kung snatcher pala ako, e 'di makakapasok ako dito." Sabi ko at tumawa.
"Kung meron ka mang ninakaw at nanakawin pa, puso ko lang 'yon." Napangiwi naman ako pero lihim paring napangiti.
"Ewan ko sa'yo! Napakatagal mong mag-ayos ng gamit, tulungan na nga kita!" Sabi ko at naglakad papalapit sa kan'ya.
Kumunot naman ang noo ko nang makitang ang lalaki ng pagkakatupi ng mga damit n'ya at halos wala nang magkasya sa maleta n'ya. Tinignan ko naman s'ya at nakitang abala s'ya sa pagtupi ng pantalon n'ya.
"Mali!" Napatingin naman s'ya sa akin nang sabihin ko 'yon.
"What?" Tanong n'ya.
"Mali 'yung ginagawa mo!" Sabi ko.
"Paano ba kasi?" Tanong n'ya.
"Hindi ka marunong?!" Takang tanong ko.
"My assistant is always the one who pack my things so, obviously I don't know." Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Hindi ko alam kung paano ka nakasurvive ng 20 years ng hindi alam kung paano magtupi ng mga gamit sa bakasyon." Sabi ko at isa isang tinanggal ang gamit sa maleta n'ya.
"Ganito, tupiin mo muna s'ya ng maayos." Sabi ko at pinakita sa kan'ya ang pagtupi ng damit. "Tapos, iroll mo, para mas madami pang space sa ibang gamit."
Tumango naman s'ya at tumulong na rin sa pag-aayos ng gamit n'ya. Nang matapos kami ay 6am na, dahil maaga pa at malapit lang naman ang airport ay niyaya n'ya naman ako sa kusina at sinabing magluluto raw s'ya, nagulat naman ako nang malamang marunong s'ya magluto. Wala sa itsura ah.
"Seryoso ba? Marunong ka?" Tanong ko habang kumukuha s'ya ng ingredients sa ref.
"Duh." Sabi n'ya at inirapan ako.
"Apakayabang mong hayop ka." Sabi ko at sinundan s'ya palapit sa stove.
Nagluto naman s'ya ng Sisig at hindi ko maiwasang hindi mamangha na hindi nga s'ya nagbibiro. Marunong nga talaga s'ya. Nang matapos s'ya ay ako na ang naghain ng kanin at mga plato. Nang lumapit s'ya dala ang ulam ay umupo na kami. Tinikman ko naman ang luto n'ya habang s'ya ay nakatingin sa akin na para bang inaantay ang reaksyon ko.
"How was it?" Tanong n'ya.
"In fairness,"
"I told yo-"
YOU ARE READING
Songs of My Love (Dream Series #2)
Teen FictionDream Series 2 Evie, a culinary arts student stopped her passion for years but found herself regaining her confidence and long lost passion when Caleb a med-student came.