Chapter 23

53 5 0
                                    

tw: cancer, operation etc

"Are you ready?"

Nasa backstage ako ngayon ng Arena at inaayusan ng makeup artist at hairstylist nang tanungin ako ni Belle. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang first concert ko. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Nilingon ko naman si Belle at tipid na ngumiti.

"I guess." Sagot ko.

"Kaya mo 'yon! Hindi mo naman first time magperform tsaka ang galing mo kaya." Sabi n'ya.

Ngumiti na lang ako at binalik sa salamin ang tingin. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay ko nang maalala sina Lola at Lolo. They would've been so happy. I wish. Nilingon ko naman ang mga nag-aayos sa akin.

"Can you give me a minute?" Tanong ko.

Tumango naman sila at hinayaan akong umalis. Lumabas muna ako at pumunta sa labas. Walang katao tao ngayon dito dahil nakasarado pa ang part na ito ng Arena at tanging mga artists at team nila ang makakapunta dito habang hindi pa nagsastart ang concert.

Nag-angat naman ako ng tingin at nakitang palubog na ang araw at medyo madilim na. Nayakap ko naman ang sarili nang biglang humangin ng malakas. Napaigtad naman ako nang may maglagay ng leather jacket sa balikat ko. Nilingon ko naman iyon at nakita si Andrei doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sabi ng manager mo dito ka daw pumunta e." Sabi n'ya at tumabi sa akin. "Okay ka lang?"

"Oo. Medyo kinakabahan lang." Sabi ko.

"Normal naman daw iyon 'diba?" He chuckled.

"Aba, malay ko." Tumawa rin ako.

Natahimik naman kami nang ilang minuto nang bigla nanaman s'yang nagsalita. "I'm proud of you." Sabi n'ya.

"Thank you." Sabi ko at huminga ng malalim. "Pero, hindi ko naman magagawa 'to kung wala kayo sa tabi ko e."

"Maybe not. But, yeah, I'm happy seeing my bestfriend happy." Sabi n'ya at inakbayan ako.

"Ako din." Sabi ko. "Kaya magjowa kana, para maging happy bestfriend din ako." I laughed.

He rolled his eyes and looked away. "Sige na, go back there para maayusan kana."

"Okay, thank you pala dito ah." I pertained to his jacket.

"Hey, ibabalik mo pa 'yan." Sabi n'ya.

I chuckled and gave it back to him. Akala mo naman talaga kukunin ko, natrauma na ata sakin. Noon kasi ay parati kong inaangkin na ang mga jacket na pinapahiram n'ya sa akin kaya tinigilan n'ya na ding bumili dahil nga sa akin lang din naman napupunta. Ngayon na nga lang n'ya ulit pinahiram sakin 'yung jacket n'ya e. May jowa na siguro.

"Hey, babe."

Nang matapos akong ayusan ay pinasuot na sa akin ang pink bralette top na pinatungan ng black cropped leather jacket at pink cargo pants. Dumating rin si Caleb na may dalang bouquet ng tulips.

"Hi." I smiled and kissed his cheek.

"Oh, wow." He smiled when he saw my outfit. "The flowers match your outift."

"Yeah, good choice." I laughed.

Inabot naman na n'ya ang bouquet at hinapit ang bewang ko. He looked at my hair which is in a high ponytail and looked back at my face again.

"Nervous?" Tanong n'ya.

"Medyo." Sabi ko.

"You'll be fine." Sabi n'ya.

Songs of My Love (Dream Series #2)Where stories live. Discover now